SH | 03

1.2K 41 1
                                    

This is purely fictional...

-

Maaga akong nagising at naghanda na para sa pagpasok ngayon sa eskwela. Hindi naman ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ko kay Charles. Alam kong galit siya sakin. Pero paano ko naman ba sa kanya ipapaliwanag na kaya kami nag-usap ni Vitto kahapon ay para maprotektahan ko siya. For the past years of our secret relationship, siya yung laging nagpoprotekta sakin. At ngayon, gusto ko na ako naman ang gagawa nun para sa kanya. I want to protect him, secretly.

Isa-isa na akong nagpaalam sa mga kasama ko dito sa bahay. Pero pagkalabas ko pa lang ng gate ay isang kotse na hindi pamilyar sa akin ang bumungad sa mga mata ko. Nang bumukas ang pintuan ay umasa ang puso ko na sana si Charles iyon, na sana hindi na siya magalit sakin. But no. Dahil ang lalaking bumaba sa kotse ay si Vitto.

“Good morning!” Ngiting-ngiti niyang bati sa akin.

Inirapan ko lang siya at nilayasan na. Naglalad na ako palayo sa kanya. Galit na si Charles sakin at hindi ko na gusto na madagdagan pa ang galit niya.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko nang maramadaman kong sinusundan niya ako. Dahil sa laki ng mga hakbang niya, naabutan niya ako at hinila na naman ako sa braso kaya napahinto ako at napaharap sa kanya. “What?”

“Nandito ako para sunduin ka. Pero anong ginagawa mo, tinatakasan mo ko.”

“Bakit mo naman ako susunduin?” Naiirita kong tanong sa kanya.

He licked his lower lip. “Because we're dating.” Casual niyang sagot sa akin.

My eyes widen. “Anong pinagsasabi mo? Tumahimik ka nga at baka may makarinig sayo.” Gamit ang palad ko ay tinakpan ko ang bibig niya.

Kinuha niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya at bigla na lang hinalikan ang likod ng palad ko. “Ang bilis mo namang nakalimutan ang deal natin.” He said then wink.

Kaagad kong binawi ang kamay ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. At para hindi na niya ako mahabol pa, nang may dumaang isang tricycle ay sumakay na ako at nagpahatid na diretso sa school. Hindi ko na alintana ang pamasahe, basta ang importante makalayo na ko sa kanya.

Pagdating ko sa school, mga nakakailang na tingin ang sinasalubong sa akin ng bawat estudyanteng nadadaanan at nakakasalubong ko. May tinitignan sila sa mga cellphone nila tapos ay magbubulungan habang nakatitig sa akin. Kung ako ang pinag-uusapan nila, wag naman nila masyadong ipahalata.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko na lang sila pinansin. Dumiretso ako sa locker ko para kunin ang mga gamit ko na kailangan para sa first subject ko.

Nang makuha ko na lahat ng kailangan kong gamit, pagkasara ko sa locker ay tumambad naman sa akin si Charles na nakatayo din sa harapan ng locker niya. Pinagmasdan ko siya. Alam kong nakikita niya ako. Nilakadan ko ang loob ko para lapitan siya. Pero isang hakbang pa lang ang nagagawa ko, lumayo na siya. Hindi ko siya magawang habulin dahil dumami na rin ang mga estudyante na naglalakad sa corridor.

Pinigilan ko ang sarili ko na maiyak. This is not the right place to show some emotions.

Fifteen minutes pa bago ang klase namin pero mas pinili ko na pumasok na classroom. At isa iyong pagkakamali. Pagkaapak ko pa lang sa sahig ng classroom ay sinalubong na agad ako ng grupo ni Chienna.

“Wow. As in, wow girl.” Gumuhit pa siya ng maarteng letrang "s" sa ere habang sinasabi ang mga salitang iyon. “Who do you think you are?”

Ang atensyon ng buong klase ay na sa akin lahat. Maging ang grupo ng mga nerd na classmates ko ay inalis ang tingin sa kanilang mga libro at tinignan din ako. Sa bandang likod ay nandoon si Zeus kasama ang grupo niya na sina Ryle, Paulo, Maru at Rayt. Si Charles naman ay nakaupo lang sa upuan niya, nakasaksak ang earphone sa kanyang tenga at abala sa binabasang libro. Hindi man niya lang ako tinatapunan ng kahit konting tingin. Hindi ko nga alam kung aware ba siya na nandito ako.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon