Third Person's POV
Isang panibagong araw muli ang sumikat para sa kanilang lahat. Maagang nagising si Vivoree kaya naman maaga rin siyang nakapag-handa para sa pagpasok ngayong araw.
Habang lumilipas ang mga araw ay mas lumalapit ang kanyang kaarawan. At sa pagdating noon, kailangan na niyang iwan ang bahay at buhay na kinagisnan niya. Malalayo na siya sa mga taong humubog sa pagkatao niya. Pero alam niya sa puso niya na hindi kailanman mapapalitan ang pwesto nila dito.
“Hi, Vivoree!” Paglabas ng dalaga ay sinalubong siya kaagad ng nakangiting si JC.
“Anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong ni Vivoree. Palinga-linga siya sa paligid, nag-aalala na baka nandito si CK at makita sila. Nitong mga nakaraang araw kasi ay lagi siyang sinusundo at sabay na pumapasok sa eskwela.
Kumunot naman ang noo ni JC. “Kailangan ba ng dahilan para magpunta ako dito?”
Vivoree smiled and washed all her worries. She remembers JC is still her friend. “Ah. Hindi. Nagtatanong lang naman.”
“Tara na? Sabay na tayo pumasok.” Aya ni JC sa kanya.
Hahakbang pa lang patungo sa kanya si Vivoree ng may isang pamilyar na kotse naman ang huminto sa harapan nila. Bumukas ang pinto nito at lumabas si Vitto. He's not in his school uniform. Bahagya niyang binaba ang shades na kanyang suot at kinindatan pa si Vivoree.
Napangiwi na lang ang dalaga sa ginawa ni Vitto. Ilang sandali lang ay bumukas naman ang sa passenger's seat at lumubas dito si Maru na gaya ni Vitto ay hindi rin naka-uniform. Bumukas rin ang bintana sa likod at sumilip mula dito sina Ryle at Paulo. Si CK, Rayt at Zeus na lang ang kulang, kumpleto na ang grupo nila.
“Ah, excuse lang ah, pero susunduin kasi namin si Vivoree.” Ani Maru. Dumaan siya sa gilid ni JC at marahang hinawakan sa balikat si Vivoree at dahan-dahan itong tinutulak patungo sa sasakyan ni Vitto. “Bye.”
“Teka, ako nauna dito ah!” Sigaw ni JC kaya napahinto sa paglalakad si Maru at Vitto. Si Vivoree naman ay napalingon sa binata. “Ako ang magahahatid sa kanya sa school.” Dagdag pa nito.
Mula sa loob ng sasakyan ay nakisali sa usapan itong si Paulo. “Seatmate, papakopyahin na lang kita sa quiz natin bukas. Sa ngayon, kami na bahala kay Vivoree.” May halong pagbibiro ang tono ng kanyang pananalita.
“What? Hindi.”
“Anong hindi? Ayaw mo pakopyahin ka ni Pau? Matalino yan, uy.” Sabat naman ni Ryle at nag-high five pa sila ni Paulo dahil sa ginawa nitong pagpuri sa kanya.
“Sige na bro, mauna na kami. Ingat ka na lang.”
Hindi naman na nagsalita pa si JC kaya nakasakay na sa sasakyan sina Vivoree. Lumipat sa likod si Maru upang sa passenger's seat makaupo ang dalaga.
Habang nasa biyahe ay puro mga boses ng tatlong lalaki sa likod ang naririnig. Ang walang katapusan nilang mga jokes at tawanan ang pumupuno sa buong sasakyan.
Pasulyap-sulyap si Vitto sa dalaga. Hinihintay na magsalita ito. Pero nanatili lang itong tahimik at nakayuko.
“Oh, bakit di ka nagsasalita dyan? Kanina ka pa walang kibo.” Ani Vitto na nakangiti sa dalaga.
Bahagya siyang nilingon ni Vivoree at binigyan ng tipid na ngiti. “Nahihiya kasi ko sayo.” Pag-amin nito sa binata. Hindi nagsalita si Vitto pero nakikinig siya. “Sorry kung di man lang kita nasabihan. Kasi ako rin, hindi ko din alam kung bakit biglang unamin si Charles.”
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."