Third Person's POV
Malambot na kama. Mga pader na kulay puti. Kurtinang kulay berde. Tahimik na paligid.
Ito ang bumungad kay Vivoree pagkagising niya. Dahan-dahan niyang iminulat ng tuluyan ang kanyang mga mata at nadatnan niya si Tin na nasa may paanan niya at kausap ang kanilang school nurse.
“She's over fatigue.” Sa lahat ng sinabi ng nurse ay ito lang ang kanyang lubos na naunawaan. Bahagyang sumasakit ang ulo niya sa tuwing susubukan niyang gumalaw. “She needs full bed rest. Or else, mapapadalas ang pagkawalan niya ng malay.” Rinig niyang muling salita ng nurse.
Nang matapos ang pag-uusap ni Tin at ng nurse ay dinaluhan siya kaagad ng dalaga. “Oh, Viv, okay ka na ba? Pinag-alala mo naman ako, e.”
Dahan-dahang bumangon si Vivoree upang makaupo ng maayos. Inalalayan naman siya ni Tin. “A-anong nangyari?” Naguguluhan niyang tanong.
Ang huling natatandaan lang niya ay yakap-yakap niya si CK at nangako siyang hindi na siya lalayo dito. Pero anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito sa clinic?
“Hinimatay ka kanina.” Panimula niya. “Buti na lang napadaan ako sa newsroom kanina. Kung hindi, baka hanggang ngayon nandon ka pa din at walang malay.”
Nawalan ng malay. Ibig sabihin...
“Panaginip lang lahat? Nanaginip lang ako.” Bulong niya sa sarili. Nagtataka naman siyang pinagmasdan ni Tin. “Hindi totoong nangyari yon,”
Mas nilapitan pa siya ni Tin at inabutan ng isang basong tubig. “Uminom ka muna, Viv.”
Muli na namang pumatak ang mga luha ni Vivoree. Akala niya ay totoo na ang lahat. Ngunit, isa lamang pala iyong panaginip. Sana hindi na lang ako nagising kung panaginip lang iyon. Hiling ng isang bahagi ng kanyang utak.
“Tin, ano ba nangyari?” Muli niyang tanong. Sa pagkakataong ito, gusto na niyang maging maliwanagan. Pero sa dulo ng puso niya, gusto niyang umasa na kahit papaano ay totoo ang lahat ng nangyari.
Huminga ng malalim si Tin pagkatapos ay naupo sa gilid ng kama ni Vivoree. “Dumaan ako sa newsroom kanina para i-check yung article na ipa-publish bukas. Pagpasok ko, nakita na lang kita na nakahiga sa sofa tapos yakap mo pa yung color violet na throw pillow.” Pagkukwento nito. Mas lalo lamang naguluhan si Vivoree. Kung totoo na nasa newsroom siya at yakap niya ang paboritong unan ni CK, alin doon ang panaginip lang? “Akala ko nga natutulog ka lang kasi ang ayos naman ng pwesto mo. Yun pala, hinimatay ka na non.”
Inalala muli ni Vivoree ang lahat ng nangyari buong araw. Mula sa pagpasok niya sa school, sa pagkausap sa kanya ni Maru at pag-imbita nito sa kanya sa pa-welcome party ng kanyang pinsan, sa pagpasok niya sa classroom, pagkausap sa kanya ni Sammie, pagpuna nito sa namumugto niyang mga mata hanggang sa pagtakbo niya palayo. At doon nga ay napadpad siya sa newsroom. Alin sa mga naaalala niya ang panaginip lang? Panaginip. Sa panaginip na lang kita nayakap. Sa panaginip ko na lang nasabi sayo na mahal kita, Charles.
Muli na namang pumatak ang kanyang luha. Tinatraydor na naman siya ng mga ito. Ilang ulit na niyang sinabi na hindi na siya iiyak. Pero heto pa rin ang mga luha niyang nag-uunahan sa pagpatak.
Marahas niyang pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi. Awa. Awa ang tanging nakikita sa mga mata ni Tin. Alam niya kung ano ang nararamdaman ngayon ni Vivoree. Alam niya, dahil sa lahat ng nangyayari, tahimik siyang nakamasid dito.
“Vive,” Hinawakan ni Tin ang mga kamay ni Vivoree. “Kung ano man yung nararamdaman mo, pwede mo sakin sabihin. You can trust me.” Nakangiti nitong saad.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."