SH | 22

969 29 47
                                    

Third Person's POV

Bago umalis sa bahay si Vivoree ay muli siyang kinausap ni mother Cielo tungkol pa rin sa nalalapit niyang paglipat ng tirahan. Kahit naman paulit-ulit niyang sabihin na makakaya niya na mabuhay na hindi kasama ang mga taong nakasama niya simula pa noong sanggol siya ay nakakaramdam pa rin siya ng matinding takot at alam niyang matutuloy lang ito sa pangungulila. Paano siya magpapaalam sa mga taong hindi niya kayang iwan? Hindi niya kaya.

Sabado ng umaga, naglalakad lang mag-isa si Vivoree. Naghahanap ng maliit na pwesto na pwede niyang upahan at nang pwede niya ring pagtrabahuhan para kumita siya ng pera para sa kanyang pangangailangan.

Habang naglalakad ay narinig niya ang isang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. “Vivoree!” And yes, it's Kate.

Simula noong natapos ang practical exam nila ay pilit niyang iniiwasan ang kaibigan dahil ang iniisip niya ay galit ito sa kanya. Who wouldn't be? Iniwan niya ang dalawa sa ere na walang pasabi.

Nang magkakasalubong na sila ay lumihis ng daan si Vivoree. Nakayuko lang siya at nagmamadaling naglakad palayo. Hinabol siya ni Kate at nagtagumpay naman ito. Hinawakan niya sa kamay si Vivoree upang mapigilan ito. “Iniiwasan mo ko.”

Hindi na nakatakas si Vivoree. Nahihiya niyang tinignan si Kate sa mga mata. Sandali siyang napatigil ng walang nakita na kahit anong senyales na galit ito. “H-hindi ka ba galit, Kate?” Nag-aalangan nitong tanong.

Nagbuntong-hininga si Kate at ngumiti. “I admit, nung una syempre nagalit ako. Pero kinausap ako ni Vitto, pinaliwanag na niya sakin lahat.”

“Si Vitto?” Kunot-noong tanong ni Vivoree. “Kinausap ka ni Vitto?”

Tumango-tango si Kate bilang paunang sagot. “Uhm, yes. And, naiintindihan ko. Alam ko na yung tungkol sa inyo ni CK, pinaintindi na din sakin ni Vitto. Kaya okay na.”

Hindi na napigilan ni Vivoree ang saya niya kaya nayakap niya ang kaibigan. “Thank you, Kate! Salamat.”

“Kay Vitto ka dapat mag-thank you. Todo effort yung isang yon para lang hindi ako magalit sayo.” Makahulugang tinignan ni Kate si Vivoree. “Ang swerte mo kay Vitto.”

Mas lalong kumunot ang noo ni Vivoree nang marinig iyon mula kay Kate. “Magkaibigan kami. Siya yung lagi kong natatakbuhan. Kaya, oo, ang swerte ko sa kanya.”

Sandaling natahimik si Kate. “Kaso ang malas niya sayo.”

“Ano?”

“Ang malas niya sayo. Kasi ikaw yung nagustuhan niya. Ikaw pa na meron ng ibang gusto.”

Hindi nakapagsalita si Vivoree. Ayaw niyang maniwala sa naririnig niya mula kay Kate. Imposible na magkagusto sa kanya si Vitto. Sadyang mabait lang yung tao sa kanya. That's what she's thinking.

“Huy!” Tinapik siya ni Kate kaya nabalik siya sa realidad. “Okay ka lang?”

Napawi ang mga ngiti ni Vivoree. She's thinking of Vitto and all the good things he does for her. Sa simula pa lang ay ito na ang tumulong sa kanya. At hanggang ngayon ay alam niyang nandyan lang ang binata para sa kanya.

“Ano kaya pwede kong gawin para makabawi ako sa kanya?” Biglang tanong ni Vivoree. “Ano sa tingin mo, Kate?”

“Hm. Date him.” Wala pang tatlong segundo ay nakasagot na kaagad si Kate. “That'll be good.”

“Tama! Ang ganda ng idea mo!” Muling nabuhayan ng dugo ang dalaga at ngiting-ngiti na nagpatuloy na sa paglalakad. Sinusundan lang naman siya ng kaibigang hindi makapaniwala sa biglaang reaksyon niya.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon