SH | 21

927 28 56
                                    

Third Person's POV

“Ano? Si JC kasama sina Luke?” Ito ang reaksyon ng lahat matapos sabihin ni CK ang nakita niya kagabi. Gusto niya sanang itago muna ito hanggang hindi pa niya napapatunayan ang kanyang hinala. Ngunit ayaw naman siyang patahimikin ng kanyang isipan. Nagkaayos nga sila ni Vivoree ay mayroon na namang panibagong problema sa kanila.

“Bakit naman magsasama yung mga yon?” Tanong ni Paulo. Pabalik-balik siya ng lakad. Narito sila sa loob ng newsroom. “Unless...”

“Si JC ang bago nilang leader.” Isinatinig na ni CK ang kagabi pa naglalaro sa kanyang isipan. Iyon lang ang tanging rason na naiisip niya kung bakit magsasama sila.

Nanlaki ang mga mata ng bawat isa nang marinig iyon mula kay CK. Hindi imposible ngunit, paano naging posible?

“Sina Jameson, naiintindihan ko kung bakit ganon ang galit sa atin. Pero si JC?” Panimula ni Ryle. “Bakit siya sasali sa grupong yon?”

Bumukas ang pintuan ng newsroom at pumasok mula rito si Vitto. “Dahil kay Vivoree.” Simple at seryosong sagot nito.

Napatingin ang lahat sa kanya. Napatayo pa sa kanyang kinauupuan si Maru. Nabitawan ni Paulo ang hawak niyang cellphone. Napaawang ang mga bibig nina Zeus, Ryle at Rayt. At si CK, siya ang tanging walang pagbabago sa reaksyon.

“Yan na nga ba sinasabi ko, e. Nadadamay na si Vivoree.” Ani Maru na puno ng pag-aalala at pagsisisi ang boses.

“Tsk. Tsk.” Pailing-iling pa si Rayt. “Gulo na to paniguardo.”

“Brad, ano na gagawin mo? Ano gagawin natin?” Kuryosong tanong ni Ryle. Nagtipon-tipon sila at gumawa ng maliit na bilog sa pangunguna ni Paulo na para bang mayroon silang pag-uusapan.

“Kung laban ang hanap nila, yun ang ibibigay natin sa kanila.” Kampanteng ani CK. Hindi kakikitaan ng pangamba ang kanyang mukha.

“CK, si Vivoree ang gusto ni JC. Ibibigay mo?” Mapanghamong tanong ni Vitto. Nagkatinginan sila ng binata at doon mas naging seryoso ang mukha ni CK. “Hindi lang basta nadamay si Vivoree dito. Matagal ng may gusto sa kanya si JC. At sa tingin ko, naging tulong para sa kanya ang pagsama kina Luke para masaktan ka.”

Tumayo si Zeus at inakbayan si CK. “Wag kang mag-alala bro, kasama mo kami sa laban na 'to.”

“Naks! Si Pacquiao ka na pala ngayon?” Biglang banat naman ni Paulo. Nang ilang segundo ay walang nakagets sa kanya, siya na mismo ang sumagot sa sarili. “Pau, ako ka ba, mali yon. Para sayo ang laban na 'to ang sabi ni Manny.” Nagkamot siya sa ulo at pailing-iling na lumabas ng newsroom. “Hirap niyo ka-bonding.” Pahabol nitong sabi.

Sinundan nina Zeus si Paulo at naiwan lang sa loob sina CK at Vitto. Ilang minuto ang lumipas bago gumawa ng ingay si CK. Siya na ang unang nagsalita. “Bro, salamat. Salamat sa pagsama kay V kahapon.”

Vitto smirked. “Don't be thankful, CK. Hindi ko yun ginawa para sayo. Ginawa ko yun dahil hindi ko kaya na makita siyang nasasaktan.”

CK caught off guard. Hindi siya agad na nakapagsalita. Aamin na ba sa kanya ang binata sa tunay nitong nararamdaman para kay Vivoree? Handa na ba siya?

“Alam kong mahal mo siya, mahal ka niya. Kaya hindi ko alam kung saan ako lulugar. Pero isa lang ang sigurado ako, CK, kaya ko siyang proteksyonan.” Iyon ang huling sinabi ni Vitto bago tuluyang nilisan ang newsroom.

Usap-usapan pa rin sa buong campus hanggang ngayon ang performance nina Chienna at CK kahapon. Marami ang kinikilig ngunit mayroon namang walang may pakialam. Gustuhin man ni Vivoree na maging isa sa walang pakialam ay hindi niya maiwasang lingunin pa rin ang mga babaeng nag-uusap-usap.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon