Third Person's POV
“OMG! Chie, have you watched Zeus' IG stories yesterday?” Tanong ni Mikee pagkakita sa kaibigan na naglalakad patungo sa locker nito. “Napanuod mo right?” Ulit niyang tanong ng hindi nakakuha ng kahit anong sagot mula kay Chienna.
“What about Zeus' IG stories, Mikee?” Tanong naman ni Krissha na halatang wala ring alam sa tinitukoy ni Mikee.
Napabuntong-hininga na lamang si Mikee nang mapagtantong siya lang ang nakapanuod ng IG stories ni Zeus kahapon.
“Zeus and the whole gang went to an amusement park yesterday.”
“So?” Nagtaas pa ng kilay itong si Krissha. “What's the big deal? Ano naman kung nag-amusement park sina Zeus? Don't tell me Miks, naiinggit ka?” Natatawang tanong naman ni Krissha.
Matapos kuhain ni Chienna ang mga libro niya ay umalis na ito na walang kibo at padabog pang sinara ang kanyang locker.
Nagtatakang napatingin naman si Krissha kay Mikee. Nagkibit-balikat lang ang huli at sinimangutan ang kaibigan. Sa isip niya ay baka nakita na ni Chienna ang mga pictures na nagkalat hindi lang sa Instagram ni Zeus kung hindi pati na rin sa social media sites nina Paulo at Ryle na siyang punong abala sa pagkuha ng mga litrato nila kahapon.
Pagkapasok ni Chienna sa loob ng kanilang classroom ay agad na hinanap ng mata niya si JC. Nadatnan niya itong nilalaro sa daliri ang hawak na ballpen habang nakatingin sa bintana na akala mo ay binabantayan ang pagbagsak ng mga dahon mula sa puno.
“Let's talk.”
Napaangat ng tingin si JC nang marinig ang seryoso at ma-awtoridad na boses ni Chienna na ngayon ay nakatayo sa gilid niya. “Ako ba kinakausap mo?” Nagdadalawang-isip nitong tanong. Palinga-linga sa paligid.
Chienna rolled her eyes. “May ibang tao pa ba dito?” Mataray na sagot naman ni Chienna. Sa second row kasi na pwesto ni JC ay siya lang ang nakaupo. Wala pa ang mga katabi niya. “Follow me.” Saad nito.
Dahil mahaba pa naman ang nalalabing oras ng kanilang vacant hour ay pumayag si JC na makipag-usap kay Chienna sa cafeteria.
“Anong gusto mong kainin? Libre ko na—”
Chienna cut JC off. “I don't bring you here to eat with me. And wala akong balak.”
“Sungit.” Bulong ni JC. “Ano ba gusto mong pag-usapan?”
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Chienna at sinabi na niya ang kanyang pakay kay JC. “Alam kong gusto mo si Vivoree. And alam ko din naman na alam mong may gusto si CK sa kanya. CK is my fiancé.”
Nanlaki ang mga mata ni JC sa narinig. Alam niyang may gusto si CK kay Vivoree at alam rin niyang nakatakdang ikasal si Chienna kay CK. What surprised him is the fact na may nakakaalam ng paghanga niya para sa kanyang kababata.
“Is it that obvious?” He asked. “Paano mo nalaman? Ganyan ba talaga kalakas pakiramdam niyong mga babae?”
“Pwede ba!” Napalakas ang boses ni Chienna na naging dahilan kaya nakakuha siya ng atensyon mula sa ibang tao na nandito sa loob ng cafeteria. “We're not here to talk about how'd you end up liking Vivoree. We're here kasi may ipo-propose ako sayong deal.”
Kumunot naman ang noo ni JC at naging seryoso na ang kanyang mukha. “Deal? Ano yan. Parinig nga.”
“You like Vivoree. I like CK. CK like Vivoree and probably, Vivoree likes CK back. We have to stop them. Hindi pwedeng maagaw ni Vivoree ang fiancé ko.”
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."