SH | 30

806 26 14
                                    

Third Person's POV

“Look at them, they look so happy together.” Ani ng ina ni Chienna habang pinagmamasdan ang anak na kausap si CK sa labas ng kotse ng binata. “They are so perfect.”

Napatingin naman ang ina ni CK sa ginang na nagsasalita. Alam niya at naging vocal sa kanya na hindi gusto ng anak niya si Chienna, kaya laking gulat niya nang malaman na pumayag na sa engagement na ito si CK.

“Yes, they really are.” Nakangiting pagsang-ayon naman ng ama ni CK. Sa pagpayag ng binata sa engagement na ito ay siya ang unang-unang natuwa sapagkat siya lang naman ang makikinabang dito. Kapag nakasal na ang anak niya sa isang Filomeno ay makakapag-bayad na siya sa pagkakautang niya sa mga Alcantara.

“I'm just wondering, bakit biglang naging mailap kayo ni Vivoree nitong mga nakaraang araw.” Biglang pagiiba ni Chienna ng topic. Kanina kasi ay puro tungkol sa kanilang kasal ang pinag-uusapan nila. “Narealized mo na ba na she's not for you? Na ginagamit ka lang niya. Look at her now, after sayo, she went out with JC, and then now she's with your friends. Tsk. Such a flirt.”

“Watch your words, Chienna.” May awtoridad na sabi ni CK kaya nanlaki ang mga mata ng dalaga. “She don't deserve your words.”

“And so you think deserve niya ang pagtatanggol mo sa kanya?” Pabalik na tanong naman ni Chienna. Nakikipaghamunan ng tingin kay CK.

Hindi na lang kumibo si CK dahil ayaw din naman niyang makipagtalo pa kay Chienna dahil hanggang sa huli ay hindi naman sila magkakaintindihan.

Muling nilingon ni CK ang restaurant ng ate ni Vitto, nakakasiguro siya na nasa loob pa ang mga kaibigan kasama si Vivoree. Nagtatalo pa ang puso at isip niya kung pupunta ba siya doon o aalis na lang. Ngunit nang maalala niya ang mukha at lungkot sa mga mata ni Vivoree kanina ay nanaig ang kagustuhan ng puso niya na muling makita ang dalaga ngayon at humihiling na sana ay makausap niya ito.

“Chie, babalik ako sa loob.” Simple niyang saad bago humakbang palayo sa dalaga ngunit agad siya nitong naabutan at hinarangan ang kanyang daan. “Chienna,”

“What do you think you're doing ha? Pupuntahan mo si Vivoree? Why?”

CK licked his lower lip. “Chienna, pwede ba, I have my own life at may karapatan akong gawin kung ano gusto kong gawin.” Matapang niyang sagot sa dalaga.

Hindi maipinta ang mukha ng dalaga. Noon pa man ay lagi ng mailap sa kanya si CK. Pero lalo itong lumala ngayon. “I'm going to be your wife, therefore, may karapatan na rin ako na sabihan ka about your wrong doings.”

Umiling-iling na lang si CK at bahagyang hinawi si Chienna. Buo na ang desisyon niya na makausap si Vivoree kahit saglit lang.

“Pupuntahan mo siya?” Hinawakan ni Chienna sa braso ang binata upang pigilan ito. “Then what? Magmamakaawa ka na balikan ka niya? Funny, huh.”

CK heave a sigh. Hindi na niya nagugustuhan ang pananalita ni Chienna ngayon. “Nasa loob ang mga kaibigan ko. Sila ang pupuntahan ko.”

Chienna raised her brow at sinusukat ang reaksyon ng binata. Nakikipagsukatan naman ng tingin din itong si CK. “Then, let me in. Friends ko din naman sila. So it's okay if I'll join you.”

Hindi na sumagot si CK. Naglakad na lamang siya at naramdaman niya ang pagsunod ng dalaga sa kanya. Pagkapasok sa loob ng restaurant ay agad na hinanap ng kanyang mga mata ang pwesto ng kanyang mga kaibigan. Sa ingay ba naman ni Paulo ay agas niyang natunton ang kinauupuan nila.

Nakita niyang masayang nagkakainan ang mga kaibigan niya kasama si Vivoree. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito. But he's assuming that she's smiling right now. Alam niya kung gaano napapasaya ng mga pagkain si Vivoree kaya kampante siya na masaya ngayon ang dalaga.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon