SH | 20

829 27 4
                                    

Third Person's POV

“Brad? Ano yon?” Matapos ang performance nina CK ay agad silang pinuntahan ni Zeus. Hinawakan pa niya ang binata sa balikat at takang-taka na pinagmasdan ito. “Ano yon? Ano yung ginawa mo?”

CK bit his lower lip. Kahit siya ay walang alam sa nangyari. “Zeus, wala akong alam. Hindi ko alam na gagawin ni Chienna yon. Hindi yun kasama sa ni-rehearse namin.” Paliwang niya. Binaling niya ang kanyang atensyon kay Rayt. “Rayt, alam mo na nagsasabi ako ng totoo.”

Napahawak sa kanyang sintido si Rayt at mariing napapikit. “CK, oo ako alam ko. Pero yung mga nakakita? Syempre mas maniniwala sila sa kung ano ang nakita nila.” May bahid ng pag-aalala sa boses ng binata.

“Nakita ni Vivoree.” Sabay-sabay na sabi nina Paulo, Ryle at Maru. Nagkatinginan silang tatlo at napailing. “Naniwala kaya siya?” Sa ikalawang pagkakataon ay pareho na naman sila ng nasabi.

Bahagyang napayuko si Zeus. Nakita niya kanina na umalis si Vitto kasama si Vivoree. “Siguro.”

“Umalis si Vivoree kasama ni Vitto. Tinanong ko na si Kate pero wala daw silang idea kung saan pumunta yung dalawa. Hindi tuloy sila nakapag-perform.” May bahid ng pag-aalala ang boses ni Paulo. Pailing-iling pa ito habang sinusukat ang reaksyon ni CK.

“Kailangan ko siyang maka-usap. I need to explain myself. Hindi ko ginusto yung nangyari kanina.” Paliwanag niyang muli.

Lumapit sa kanya si Ryle at tinapik ang kanyang balikat. “Bro, lalaki ka. Sa tingin ng lahat, dahil lalaki ka, gusto mo yung nangyari. Lalo na si Chienna yon, the campus'queen.”

Naalarma naman si Paulo nang pagbukas niya sa kanyang social media accounts ay kalat na ang video ng performance nina CK at ang pinaka-highlight pa dito ay iyong ending kung saan may paghalik si Chienna. At sa anggulo ng kumukuha ng video, kitang-kita na si CK ang nag-initiate ng halik kahit pa sa totoo ay si Chienna talaga ito.

“Aalis ako. Hahanapin ko si V.” CK said with finality. Walang nakapigil sa kanya. Dirediretso siya palabas ng campus, sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot ito.

Mas lalong nakadagdag sa kanyang inis ang traffic na bumungad sa kanya. Sinusubukan niyang tawagan ang dalaga ngunit ring lang ito ng ring. He texted her, but there's no single reply. Maging si Vitto ay hindi sumasagot sa kanya.

It took him two and a half hours bago makarating sa pizza house. Ito ang lugar na tinuro sa kanila ni Vitto noon na pupuntahan niya para mawala ang galit niya. At naisip ni CK na baka dito niya dinala si Vivoree. Sinuyod niya ang buong lugar ngunit walang kahit anino ng dalaga ang nakita niya. Naglalakad-lalad siya sa loob hanggang sa nakita niya ang freedom board at para bang may mahika ito na nagbulong sa kanya upang lapitan iyon.

Sa isang tingin pa lang ay nakita na niya ang pamilyar na sulat kamay. And he reads it.

Vitto, thank you for being my running man.
—V

He don't need to confirm it from Vivoree. Alam na alam niya ang sulat kamay nito. Nang mabasa niya iyon, nabuhayan siya ng pag-asa, malapit lang sa lugar na ito ang hinahanap niya. Pero dahil din sa sulat na iyon, pinanghinaan siya ng loob. Nanlambot ang mga tuhod niya. Para siyang paulit-ulit na sinaksak. Kakaibang sakit ang kanyang naramdaman. Hindi niya kakayanin kung maagaw ng iba ang babaeng pinakmamahal niya nang dahil lang sa isang malaking di pagkakaintindihan.

Nang mapagtantong wala sa loob ang kanyang hinahanap ay nagpasya na siyang lumabas ng pizza house. Nagdrive siyang muli, pinagmamasdang maigi ang paligid. Hanggang sa nakita niya ang isang pamilyar na babae na nakaupo sa swing. His heart skipped a beat. Alam niyang si Vivoree iyon.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon