Third Person's POV“Angeles!” Sigaw ni Vivoree nang balak na sanang lumabas ni Paulo sa classroom nila. Kalalabas lang din ng kanilang professor at maaga silang pinag-lunch break. “Mag-uusap pa tayo!”
Napahawak ng mahigpit si Paulo sa kanyang bag habang sinasalubong ang inis ni Vivoree. “Wala talaga akong alam, Vivoree. Nagulat na lang din ako sinabi ni Vitto yun. Sa tingin mo ba gugustuhin ko na maupo sa second row.”
“Edi sana sinabi mo kay Mrs. Reyes na hindi naman malabo yang mata mo.”
“I tried. Pero masyadong mabilis si Vitto, e.”
Nakalabas na ang lahat ng estudyante at naiwan na lang sina Vivoree, Paulo, Zeus, Ryle, Rayt, Maru, Vitto, CK, Kate at si JC na nag-aayos pa rin ng kanyang gamit.
Nang matapos na sa pag-aayos ng gamit niya ay humakbang na papalapit kay Vivoree si JC. Hindi iyon nakatakas sa mga mata ni CK, handa na rin sana siyang lumapit sa dalaga nang pigilan naman siya ni Vitto. “Ako na,” Naglakad si Vitto papalapit kina Paulo at Vivoree. Sa bilis ng paglalakad niya ay naunahan pa niya si JC na makarating sa pwesto ng dalaga. Hinablot niya ang bag ni Vivoree na nakasabit sa balikat nito at tsaka siya hinawakan sa kamay at hinila na palabas ng classroom. “Mga bro, dating lugar.” Anunsyo pa niya sa mga kaibigan at nagsitanguan naman sila habang si CK ay napapailing na lang.
Nagdududa na siya sa mga ikinikilos ni Vitto. Alam niyang may alam na ito tungkol sa kanila ni Vivoree. Ang hindi niya lang sigurado ay kung totoo bang may gusto na ang kanyang kaibigan kay Vivoree o ginagawa niya lang ito para pagselosin siya at para mapaamin.
“San mo ba ko dadalhin?” Naiiritang tanong ni Vivoree habang sinusubukang kumawala sa hawak ni Vitto.
“San mo ba kinukuha yang lakas mo? Ang payat payat mo naman—aray!” Napa-aray na lang si Vitto nang hampasin siya ni Vivoree sa braso. “Mas masakit pa yang hampas mo kaysa sa mga suntok ni Nikko ah.”
Kumunot ang noo ng dalaga pagkarinig sa pangalang binanggit ni Vitto. “Sino si Nikko?”
“Si Nikko? Si Nikko ang isa sa mga matalik naming kaibigan.” Biglang dumating si Maru at inakbayan pa si Vivoree. Nang tignan siya ni Vivoree ay kinindatan niya pa ito.
Napailing na lang ang dalaga at dahan-dahang inalis ang kamay ni Maru nakapatong sa balikat niya. “Ginawa mo pa kong patungan ng kamay mo.”
Dumating na rin ang mga kasamahan nila at sabay-sabay silang tumungo sa cafeteria. Pinagtitinginan sila ngayon ng mga tao dahil ito ang unang beses na may babaeng kasabay ang grupo nina Zeus sa pagkain. Maging sina Chienna ay hindi pa nakakasabay sa pagkain sina Zeus.
“Why is that girl so special?” Maarteng tanong ni Mica. “She's just nobody pero she got to eat with Zeus.”
“What makes her special?” Dagdag pa ni Krissha. “She's not even beautiful. Well, at some angle, yes. But not at all times.”
Nagkatinginan sina Chienna at Erin. They both rolled their eyes. Naglakad silang dalawa patungo sa daan nina Zeus at hinarang sila.
“Oh, CK, mukhang hindi ka makakasama samin ngayon. Ayan na si Chienna, sinusundo ka na.” Pang-aasar pa ni Rayt habang pangiti-ngiti kay CK.
Napatingin si Vitto sa katabi niyang si Vivoree. Napansin niya na bigla itong napayuko at biglang natahimik. Kanina kasi ay nakikipag-talo pa rin ito kay Paulo.
“You want to escape?” Pasimpleng bulong ni Vitto kay Vivoree. Napatingala ang dalaga kay Vitto. Hindi man siya nagsasalita ay kitang-kita naman ng binata ang lungkot at kagustuhang makaalis ni Vivoree sa lugar na ito. “Hawakan mo kamay ko.” Inilahad ni Vitto ang kaliwang kamay niya, tinignan lang ito ni Vivoree at nagdadalawang isip pa kung tatanggapin niya ito. At sa huli, mas pinili pa rin niyang hawakan ang kamay ng binata. “Wag kang bibitaw.” Hindi pa man nakakasagot si Vivoree ay nagsimula na si Vitto sa paglalakad at hila-hila siya.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."