SH | 40

676 17 38
                                    

Third Person's POV

Mabilis ang naging pagtakbo ng ambulansya na tinawag ng isang residenteng nakakita sa nangyaring pagkasunog ng sasakyan. May mga kasama rin itong rescue team upang mas mapadali ang pagligtas sa tao sa loob.

Hindi naging madali ang mga naunang minuto dahil hindi pa rin humuhupa ang apoy at nahihirapan ang mga taga-rescue na lapitan ang kotse. Ngunit ng sa wakas ay bahagyang nauubos ang apoy ay sinamantala na nila ang pagkakataong iyon upang lapitan ito. Dahan-dahan at maingat nilang inaalis ang mga bahagi ng kotse na nakaharang sa nakita nilang katawan ng tao.

And after thirty minutes, nailabas na nila ang katawan ng tao at inilagay na iyon sa stretcher, tinakpan ng puting tela ang buong katawan nito pati ang mukha. Nagpupumilit si Vitto at Cath na makita ito ngunit hindi sila pinayagan na gawin iyon. Maging ang pagsama sa loob ng ambulansya ay hindi sila pinahintulutan.

Ilang minuto pagkaalis ng ambulansya, ay siya namang pagdating ng mga pulis. Agad nilang nilapitan ang mga taong nakasaksi sa pangyayari at hiningan ng official statement. Hindi na nila naabutan sina Vitto at Cath dahil sumunod agad ang dalawa sa ospital na pinagdalhan sa katawan na natagpuan sa loob ng nasusunog na kotse.

Habang nasa biyahe ay kinakalma ni Cath ang sarili. "It's not her. It's not Vivoree." Ito ang paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili habang hindi mapakaling nilalaro ang kanyang daliri.

Si Vitto naman ay nakatulala lang sa kawalan. Walang kahit na anong sumasagi sa isipan niya. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano dahil alam niya, naniniwala siya na buhay pa si Vivoree.

"She's brave. Alam natin pareho 'yon. Kaya naniniwala ako na hindi niya tayo iiwan. Lalaban siya." Dahil napapansin ni Vitto ang pagka-aligaga ni Cath, halos hindi na rin kasi ito makahinga sa sobrang paghikbi. "She'll be fine. Hindi siya yung babaeng pupuntahan natin sa ospital." He's trying to calm her.

Matapos ang mahabang biyahe ay nakarating sila agad sa ospital. Dumiretso si Vitto sa counter upang tanungin sa nurse kung saang kwarto dinala ang babaeng kasama sa aksidente sa kotse. "Ah, sir, sorry to say po pero nasa morgue pa po. Hinihintay lang po na ma-identify yung katawan niya."

Parang pinagtakluban ng lupa ang dalawa after hearing what the nurse told them. Ayaw man nilang maniwala na ang kaibigan nga nila yon, pero kahit papaano ay kinakabahan sila at natatakot.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ni Vitto ay pinigilan na siya agad ni Cath. "What if, s-si..." Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil muli na namang bumuhos ang kanyang mga luha.

"Shhh.. Don't say that." Upang pakalmahin si Cath ay ginawaran siya ng binata ng isang yakap. Sa yakap na iyon ay nakahanap ng lakas si Cath upang lumaban. Labanan ang takot na nararamdaman niya ngayon.

Dahan-dahan nilang tinahak ang daan patungo sa morgue. Sa pagbukas ng pintuan ay tumambad sa kanila ang isang katawan na muling nakatakip ng puting tela. Ang mga lalaking nag-aayos nito ay pinahintulutan silang makita na ang mismong hitsura nito at subukang kilalanin.

Sa pag-angat ni Vitto ng puting tela ay nakita niya ang halos hindi na makilalang bangkay. Sunog ang buong katawan nito maging ang mukha. Mahirap kilalanin ang isang ito.

Bumuhos ang mga luha ni Cath at halos yakapin na niya ang bangkay na nasa harap niya ngunit agad naman siyang pinigilan ng isang nurse. Hindi sila sigurado kung si Vivoree nga ito dahil halos hindi naman nila ito makilala.

Mabilis na nakarating ang balitang iyon kina Zeus, na nasa camping site pa din, pero agad naman silang nagpasya na umalis doon at puntahan nga sina Vitto sa ospital. Sila na rin ang nagpaalam nito kay CK kaya dali-dali rin itong sumugod sa hospital.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon