SH | 57

716 22 17
                                    

Third Person's POV

“I'm Niña Espina. I'm Vitto Marquez’s girlfriend.”

“I'm not Vivoree. I'm not your girl.”

Paulit-ulit. Paulit-ulit na nagpeplay sa utak ni CK ang mga nangyari kanina. Paulit-ulit na parang sirang plaka niyang naririnig ang mga huling katagang lumabas sa bibig ni Niña. At paulit-ulit ding nadudurog ang puso niya. Ang nangyari sa kanya ngayon ay mas masakit pa sa mawalan ng investors, mas masakit pa sa malugi ang kumpanya. For him, wala na ang mas sasakit pa sa harap-harapang sabihin sayo ng taong mahal na mahal mo na hindi ikaw ang mahal niya at lalo pa at ang nagmamay-ari na sa kanya ngayon ay ang taong tinuring mong higit pa sa kaibigan, isang taong para mo na ring kapatid.

He's currently drinking his ninth glass for tonight.  Inorder na niya ang pinakamatapang na alak ngayong gabi, pero kahit nakakailang baso na siya, hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman niya. Hindi nga rin niya maramdaman ang tapang n iniinom, ganon na ba siya kamanhid? Pero hindi. Dahul kung manhid siya, hindi na niya kailangang maglasing pa para lang makalimutan ang sakit na nararamdaman.

Muli na naman sanang tutunggain ni CK ang isa pang baso nang may biglang pumigil sa kanya, “You're drunk, I guess.” Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig.

Nilingon ni CK ang pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon at tumambad sa kanya ang isang babae na nakangiti sa kanya habang hinahagod ang daliri nito sa likod ng binata.

“What are you doing here?” He asked. Inagaw niyang muli dito ang shot glass at nilunok ng walang pasubaling ang laman. Para bang sanay na sanay na ang lalamunan at sikmura niya sa lasa at tapang ng iniinom. “Hanggang dito ba naman sinusundan mo 'ko?”

Jenina flips her long wavy hair. “Do you really think na susundan kita dito?” Dahil sa paghawi niya sa kanyang buhok ay mas nabigyang atensyon ang kanyang suot. She's wearing a white lace bodycon dress na mas nakapagpalitaw ng magandang hubog ng kanyang katawan plus the fact that her dress reveals her cleavage. “Hindi mo ba naisip na baka talagang pinagtatagpo talaga tayo.” Aniya na para bang inaakit ang binata sa tono ng kanyang pananalita.

CK smirk and shook his head in disbelief. “Tss. Nonsense.”

“Can't you see? We're on the same place kung saan tayo unang nagkakilala. This is exactly the same place kung saan nakita kita na problemado sa buhay at halos lunurin na ang sarili sa alak. And, just like what I've done before, I'm here to comfort you. To make you feel better.”

“I don't need someone's help,” hinarap ni CK ang dalaga, “Ngayon kung wala ka nang sasabihin, gao and leave me alone.”

“Go and leave you alone? Gaya ng ginawa sayo ng greatest love mo?”

Hindi naman maitatanggi na nainis si CK sa biglaang pagbanggit ni Jenina ng tungkol sa kanyang greatest love. Kahit pa hindi gaanong maaninagan ang mukha ni CK dahil sa mga ilaw na tumatama sa kanyang mukha ay alam ni Jenina na hindi nito nagustuhan ang kanyang tinuran.

“Wala kang alam, kaya kung pwede umalis ka na lang dahil hindi kita kailangan.” Matigas na sagot naman ni CK pero hindi pa rin niya magawang matinag si Jenina na hanggang ngayon ay hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

She's enjoying this actually. The truth is, noong una niyang makita si CK na naglalasing ay gusto niya lang naman itong mahuthutan ng pera dahil nakita niya na mayaman ito at napag-alaman pang may ari ng pinakamalaking kumpanya sa Pilipinas. Ngunit ng tumagal ay unti-unti niyang nakikita ang pinagdadaanan ng binata, and somehow, ang gusto na niya ngayon ay ang matulungan ito.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon