Third Person's POV“Sir Charles,”
Sir Charles. . .
Sir Charles. . .
Charles. . .
Charles. . .
Sa simpleng pagbanggit pa lang ng pangalan na iyon ay para bang may kakaibang kuryenteng naramdaman si Niña. She couldn't remember any friends in Milan names Charles, but in her heart, that particular name sounds so familiar. Pakiramdam niya ay parte ng sistema niya ang pagbanggit sa pangalan na iyon.
Ipinatawag ni CK ang kanyang secretary na si Jhen upang sabihin dito na si Niña na ang papalit sa pwesto niya. At nang marinig ito ni Jhen ay halos lumuwa na ang mga mata nito dahil sa gulat. “S-sir, nagjojoke lang po kayo no?” and she awkwardly fake a laugh.
“Mukha ba akong nagbibiro?” CK's back in his usual poker face. “I assigned Niña Espina as my new secretary and that's final. And just to clear things out for you, it's not because I don't like you as my secretary, it's just that, Niña seems unaware on how to handle financial works.” he explained.
Kumunot naman ang noo ni Jhen sa paliwanag na iyon ni CK. Hindi niya kinukwestyon ang desisyon ng CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuha niya pero hindi niya lang maiwasang maguluhan.
“For two weeks, i-train mo muna siya. Orient her about everything that she must know.” Panimula ni CK. Tumatango na lamang si Jhen bilang pagsang-ayon sa inuutos sa kanya. “And after that, you'll be part of Mr. Carreon's Marketing Team.”
Ang kaninang lungkot sa mga mata ni Jhen ay napawi at napalitan ng ning-ning. Pasimple niyang kinurot ang kanyang sarili, hindi naman siya nananaginip. Totoo ang lahat ng mga narinig niya.
Sa kanyang excitement ay hinawakan na niya ang kamay ni Niña at hinila na palabas ng opisina ni CK. “Let's go, marami akong trabaho na iiwan sa'yo.”
Tumango naman si Niña at nagpatianod lang sa paghila sa kanya ni Jhen hanggang sa makarating sila sa sariling desk ng huli.
“This will be your desk.” Panimula ni Jhen. “Kailangan bago dumating si sir, nandito ka na.”
“Anong oras ba yung dating niya?” Maingat na tanong naman ni Niña.
Bago pa man makasagot si Jhen ay tumunog na ang intercom at narinig na nila ang boses ni CK. “Niña, prepare your self, you'll be going with me on an important meeting.”
Natigilan si Jhen nang marinig ang utos na iyon ni CK. Napansin iyon ni Niña kaya naman agad siyang nagtanong. “Miss Jhen, may problema ba?”
“Meeting. Isasama ka niya sa meeting.”
“B-bakit? Hindi ba dapat? Hindi ba yun part ng trabaho ng secretary?” Naguguluhang tanong muli ni Niña.
Hinarap ni Jhen ng maayos ang nagtatakang dalaga. “Never pang nagsama ng secretary sa meeting niya si sir Kieron. As in, wala pa talaga. And for the record, ikaw pa lang ang magkakaroon ng chance na makasama siya sa meeting niya.”
Hindi magawang maniwala ni Niña sa mga pinagsasabi ni Jhen. Sino ba naman ang hindi magsasama ng secretary sa meeting, diba? As far as she know, iyon ang isa sa magiging trabaho mo kapag naging secretary ka ng isang CEO or kahit sinong may mataas na posisyon sa isang kumpanya.
Ilang minuto lang ay bumukas na ang pintuan ng opisina ni CK at agad din naman siyang lumabas. Naalarma si Niña dahil sa pagmamadaling paglalakad ng binata, mabuti na lang at nagawa niya itong habulin kahit pa siya ay nakasuot ng heels.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."