Third Person's POV
Everyone's getting ready for today's activity prepared by the Financial Department led by Tin. Pero sa likod ng mga taong abala sa paghahanda ay ang prenteng nakaupo sa isang wooden bench na si Mari. CK confiscated all of their cellular phones kaya wala silang choice kung hindi ang makisama sa lahat ng kapwa empleyado nila. But then again, Mari is an exception. She's busy with her phone. No, busy finding signal.
“Argh! What kind of place is this? Pinagdamutan ng signal.” She hissed.
Nang makita siya ni CK ay tsaka niya ito nilapitan. “You look so pissed, Mari.” Anito.
Tinapunan naman siya ni Mari ng tingin at tsaka iniabot dito ang kanyang cellphone. “What's the use of confiscating our phones eh wala naman palang signal dito.” Dagdag reklamo pa niya.
“Ano ba kasi ang meron sa cellphone mo at hindi ka makatagal na hindi mo 'yan nagagamit?” Dumating naman si Maru at nakisali na sa usapan ng dalawa. “Don't tell me, may iba kang boyfriend? Pinagtataksilan mo si Ryl—”
Hindi na natapos ni Maru ang kanyang sinasabi dahil biglaan siyang sinipa ni Mari sa tuhod at napaaray na lang siya sa sakit.
“Ang sakit ah!” Sigaw ni Maru habang hawak-hawak ang kanyang tuhod na sinipa ni Mari. “Ang hilig mo manakit.” Bulong pa nito.
Gumuhit naman ang malapad na ngiti sa mga labi ni CK at para bang may isang bombilyang umilaw sa kanyang ulo. “Mari, may ipapagawa ako sa'yo.”
Nagtaas ng kilay si Mari at nakapameywang na humarap kay CK. “I'm not one of your employees, Kieron, bakit mo ko uutusan?”
“You're not one of my employees, but you are Ryle's girlfriend, aren't you?”
Mari heave a deep sigh. “So ano? Ito ang privilege ng pagiging girlfriend ni Ryle? Maging utusan ng friends niya.” Sarkastikong ani Mari. “No way. Don't me.”
Napakamot na lang si CK sa kanyang batok. Iba din naman talaga ang ugali ng girlfriend ng kaibigan niya. Mabuti na lang talaga at may kailangan siya dito kaya nakakapagtimpi pa siya. “Is that so? Let me tell you a story. Nung college days namin sobrang daming babae ang naghahabol kay Ryle, alam mo ba yun?” Tahimik lang na nakikinig si Mari sa kanya kaya nagtuloy na siya sa pagkukwento. “At lahat ng mga babae na 'yon, they're all willing to be our slaves para lang mapalapit sila kay Ryle.”
“Naalala ko pa nga yung isa e, talagang pinagsisilbhan pa tayo.” Sabat naman ni Maru na nakangiti pa habang inaalala ang mga kinukwento niya pero nang pandilatan siya ni Mari ay tumahimik na lang ito dahil natatakot na baka masipa na naman siya.
“So what's your point here, Kieron?”
“My point is, mas okay pa siguro kung yung babae na lang na 'yun ang naging girlfriend ni Ryle. Well, hindi pa naman huli ang lahat, I can contact her and—”
Napapadyak na lang si Mari sa inis, “Okay fine, anong ipapagawa mo sakin?” She said in defeat.
Napangiti naman si CK dahil napapayag niya si Mari sa plano niya. Mabilis niyang ipinaliwanag dito ang gusto niyang gawin at kahit labag sa kalooban ng dalaga ay pumayag siya na gawin iyon. And she don't know why. She's not that type of girl na basta na lang pumapayag sa utos ng ibang tao, but then again, Ryle is involved kaya siguro ay napapayag siya. Kung hindi lang nya mahal ang isang 'yon ay hindi niya gagawin ang pinagagawa ni CK kahit pa napakasimple lang naman nito.
Right in time ay nakita na nilang parating si Niña at laking gulat nila nang makitang kasama nito si Ryle at mukhang seryoso pa ang pinag-uusapan. Habang papalapit ang dalawa sa kanila ay namumuo ang pagseselos ni Mari. Ever since she met Niña, jealousy is what she always feel.