SH | 24

811 24 30
                                    


Third Person's POV

Pagkababa ni Vitto sa tawag ni Rayt ay agad naman na siyang nagpaalam kay Vivoree na kailangan na niyang umalis at siya na lang ang bahala na magpaliwanag sa ate Wny niya  mamaya sa kanilang bahay.

Ang hindi alam ng binata, sampung minuto pagkaalis niya ay nagpasya si Vivoree na sundan siya. He's with his car. At naging mahirap para sa dalaga na hanapin pa si Vitto lalo na at palubog na rin ang araw. Paano nga ba niya susundan ang taong nakakotse at wala man lang siyang kaide-ideya sa kung saan ito pupunta. Naisip na lang niya na baka kasama si Vitto sa lakad nina CK ngayon. Makikipagkita sa mga kaibigan nila.

Naglakad-lakad lang ang dalaga hanggang sa dalhin siya ng mga paa niya sa bakanteng lote na malapit lang sa kanilang ekswelahan at doon ay namataan niya ang kotse ni Vitto. Noong una ay nagdadalawang-isip pa siya kung papasok siya sa loob, pero mas nabuo sa kanya ang kagustuhan na malaman kung anong ginagawa ni Vitto sa lugar na ito.

Habang naglalakad ay nakatanggap siya ng text mula kay Kate, ito ay tungkol sa nahanap ng dalaga na bakanteng kwarto sa inuupahan niyang dorm. Sa excitement ni Vivoree ay nagtetext siya habang patuloy pa rin sa paglalakad. At sa kanyang bawat paghakbang, hindi niya namalayan na nasa lugar na pala siya kung nasaan sina Zeus at ang grupo nina Luke na ngayon ay pinamumunuan na ni JC.

Tahimik lang siyang nagtitipa sa kanyang cellphone hanggang sa napansin at naramdaman niya ang kakaibang aura sa lugar na iyon. Nag-angat siya ng tingin. Dahan-dahan siyang lumingon sa kanan at nakita niya sina Zeus, Rayt, Ryle, Maru, Paulo, Vitto at si CK. Biglang kumabog ang dibdib niya lalo na ng makitang seryoso ang mga mukha nila. Napalunok siya habang dahan-dahang nililipat ang tingin sa kanyang kaliwa. At doon ay tumambad sa kanya sina Luke, Nikko, Kid, Wilbert, Ronnie, Jon at ang kanyang kababatang si JC.

“Vivoree, anong ginagawa mo dito?” Seryosong tanong ni Ronnie.

Dali-daling itinabi ni Vivoree sa kanyang bag ang hawak niyang cellphone kahit hindi pa niya tuluyang narereplyan si Kate. Hindi siya makahanap ng isasagot sa tanong ni Ronnie. Binalingan niya ng tingin si CK, at nang magtama ang mga mata nila, mas nakaramdam siya ng kakaibang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya malaman kung para saan ito. Dahil ba sa kaba, sa takot? Hindi niya maipaliwanag.

Humakbang si CK palapit sa gitna, kay Vivoree, ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya ay naunahan na siya ni JC. Hinila nito ang kamay ni Vivoree patungo sa kanya at itinago sa kanyang likod. Hinarap ni JC si CK gamit ang galit nitong mga mata.

“Wag mong idamay si Vivoree dito, Alcantara.” Pagbabanta ni CK kay JC. Ngunit hindi kakikitaan ng takot ang mukha ni JC. Ginantihan pa niya ng mapang-asar na ngiti ang binata. “Bitawan mo siya.”

Nanatili pa ring hawak ni JC si Vivoree. “Walang ibang madadamay dito, Manalad. Yun ay kung susundin mo ang lahat ng gusto ko.”

“CK, wag kang magpa-uto diyan. Niloloko ka lang niyang gagong yan.” Pabulong na sabi ni Maru sa kaibigan habang sinusukat ang mga galaw ng kalaban.

Takot at pangamba ang makikita sa mga mata ni Vivoree. Kahit pa mahigpit ang pagkakahawak ni JC sa kanya, ramdam pa rin ang panginginig ng kanyang kamay. Natatakot siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. She has no idea.

“Ngayon mo ipakita ang tapang mo, Manalad. Sa akin mo ilabas yang tapang mo.” Panghamon na saad ni JC.

Nanlilisik sa galit ang mga mata ni CK na para bang anomang oras ay makakapatay ito. Sandali niyang sinulyapan si Vivoree, at nang makita na may luha ng pumatak mula sa mga nito ay mas lalong uminit ang dugo niya ngunit nagbigay din ito ng lakas sa kanya. Sa ilang iglap lang ay lumipad na ang kanyang kamao sa mukha ni JC. Sa gulat ni JC at sa lakas ng pagakaksuntok ni CK ay nabuwal sa sahig ang binata, dahilan upang mabitawan niya si Vivoree.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon