SH | 31

833 27 24
                                    

Third Person's POV

“Chienna, I'm sorry.” Hinatid ni CK ang dalaga sa bahay nito. At bago pa man makababa ng sasakyan si Chienna ay nagsalita na si CK dahilan para matigilan siya.

Chienna heave a sigh. “If you're sorry for leaving me kanina just to talk with that girl, that's fine. If you're sorry for shouting at me kanina, that's fine too.”

Huminga ng malalim si CK at nag-ipon ng lakas ng loob upang makapagsalita muli. “No. I'm sorry, sorry sa gagawin ko.”

Hindi na muling dinugtungan pa ni CK ang sinabi niyang iyon kaya hanggang sa makaalis si Chienna ay naging palaisipan ito sa kanya.

Umuwi sa kanilang bahay si CK at dinatnan niya ang masayang-masaya niyang ama. “Oh son, you're home.” Bati nito sa kanya. Ngunit wala siyang ibang ginawa kung hindi ang ngitian lamang ang ama. Maging ang kanyang ina ay hinalikan niya lang sa pisngi at dumiretso na sa kanyang kwarto.

He look at his reflection on the mirror. Unti-unti na nawawala ang mga sugat sa mukha niya. Napangisi siya sa sarili, nang biglang maisip niya na pwede na ulit siyang makipaglaban. At sa pagkakataong ito, hindi na niya hahayaan na matalo siya o may mawala sa kanya. Pero bago pa man iyon, ang pinaplano niya ngayon ay bawiin muna ang babaeng sapilitang inaagaw sa kanya. Hindi siya mapapagod na habulin si Vivoree, kahit pa takbo ito nang takbo palayo sa kanya, hahabulin niya pa rin ito.

-*

Huwebes ng umaga, maagang nagising si Vivoree at naghanda sa kanyang pagpasok ngayon. Sinamahan siya ng kaibigang si Cath hanggang sa makapasok siya sa loob ng campus.

Kapansin-pansin na walang katao-tao sa buong campus. Ang guard naman sa gate ay abala sa kanyang logbook kaya hindi niya alam kung napansin niya ba ang pagpasok niya. Tinignan niya ang kanyang relo, hindi naman gaanong kaaga para mawalan ng tao sa paligid. It's creeping her out.

Oo, masama ang panahon kahapon pero wala naman siyang nabalitaan na may class suspension kaya sigurado siya na may pasok.

Dahil marami siyang papers na kailangan gawin ay sa library na lang siya tumuloy imbis na sa kanilang classroom. Sa paglalakad niya ay wala rin kahit isang estudyante siyang nakakasalubong. Iniling na lang niya ang kanyang ulo upang maiwaksi ang mga naglalaro sa isipan niya sa mga oras na ito.

Pagkapasok niya sa loob ng library ay nadatnan niya doon ang kanilang school nurse. Binati naman niya agad ang dalawa. “Good morning po, Nurse Mae, Nurse, Dan.”

Agad naman siyang naalala ng babaeng nurse kaya agad niya itong binalikan ng bati. “Good morning din, miss Esclito. Are you feeling well now?”

Magalang na tumango ang dalaga bilang paunang sagot. “Yes po, salamat po.”

Matapos makipag-usap sa nurse ay dumiretso na siya sa kanyang usual spot dito sa library. Kinuha na niya ang mga librong kailangan niya para sa paperworks niya na deadline na bukas. Naging abala kasi siya sa personal na buhay kaya hindi na niya nabigyang oras ang mga responsibilidad niya dito sa school.

Isa't kalahating oras din ang itinagal niya sa library bago makatanggap ng text message mula kay Kate na opisyal nang ikinansela ang klase ngayong araw sa lahat ng antas. Sumilip siya sa bintana at nakitang dumidilim na nga ang kalangitan. Wala pa naman siyang dalang payong o kahit na anong panangga sa ulan. Kaya naman dali-dali niyang binalik ang mga libro na kinuha niya kanina, at tsaka iniligpit ang kanyang mga gamit.

Pagkalabas niya ng campus ay nag-aabang naman na siya ng masasakyang tricycle pauwi. Ngunit sampung minuto ang nakalipas, wala pa ring dumadaan. Nagbabadya na ang malakas na ulan, umiihip na ang hangin at may pag-patak na rin ng ulan.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon