SH | 33

825 25 19
                                    

Third Person's POV

Bago pa man lumalim ang gabi ay nagpasya na sina CK at Vivoree na umalis na sa party. At dahil kina Cath muli tutuloy si Vivoree ngayon ay sinabay na nila ang dalaga sa kotse.

Habang nasa sasakyan ay kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Cath na ikinabahala naman ni Vivoree. Mula sa harapan ay nilingon niya ang kaibigan na kanina pa nakatitig lang sa bintana ng kotse.

“Cath, may problema ba?” Nag-aalalang tanong ni Vivoree.

Tinignan naman ni CK mula sa salamin ang kaibigan. “Oo nga, kanina ka pa tahimik. Problema?”

Matamlay naman na umiling si Cath. “Ha? Wala. Ano, inaantok lang ako.” She fake a smile.

She was drowned in her own thoughts. Thought of loving Vitto but with the fact that he's loving her friend, Vivoree. Pero ganon pa man ay hindi siya kailanman nakaramdam ng galit o selos o inggit man sa kaibigan. Dahil alam niyang hindi naman nito kasalanan kung hindi siya ang gusto ni Vitto.

Nang makarating na sa tapat ng bahay nina Cath ay nauna na itong pumasok sa loob matapos makapagpasalamat sa paghatid ni CK.

“Hindi mo ba pupuntahan si Chienna?” Tanong ni Vivoree. Kanina pa ito gumugulo sa isipan niya.

CK sigh. “It's getting late. Pumasok ka na sa loob at magpahinga.” Pag-iwas nito sa tanong ni Vivoree. “I'll see you tomorrow.” He planted a kiss on her girl's forehead before he finally leave.

Pagkauwi ni CK sa kanilang bahay ay ang galit na ama kaagad ang bumungad sa kanya. “Nasisisraan ka na ba ng bait, ha?” Galit nitong tanong.

“Dad,”

“Dad? Do you still have the guts to call me dad when in fact you don't know how to respect me as one.” Halos pumutok na ang ugat nito sa leeg sa labis na galit. Namumula na rin ang kanyang buong mukha. “Ano sa tingin mo ginawa mo? Hindi ka pumunta sa engagement party niyo ni Chienna.”

“CK, anak, saan ka ba kasi galing?” Ito ang mahinahong tanong ng kanyang ina, salungat sa galit na sinalubong ng kanyang ama. “What happened?”

Agad namang hinawi ni Richard, ama ni CK, ang asawa upang mailayo ito sa anak. “Alam mo ba kung ano ang gulo na ginawa mo? Chienna is in the hospital right now because of you!” Dinuro-duro pa niya ang anak.

“Enough!” Sigaw ng ina ni CK. “Pagpahingahin mo naman muna yung anak mo. At isa pa, wala namang may gusto sa nangyari kay Chienna.”

“Walang may gusto? Christy, if I know sinadya yun ng magaling mong anak! Hindi na ako binigyan ng kahihiyan.”

Ang kanina pang walang kibo na si CK ay nakaipon na ng lakas upang makapagsalita at harapin amg galit ng ama. “Dad, yes, ayaw ko na makasal kay Chienna pero hindi ibig sabihin non na gusto ko na na may masamang mangyari sa kanya. She's still my friend.”

“I don't care if you treat her as a friend or what. All I want is you to say sorry for the mess you've done. Tell them that you still want the engagement. Reschedule the party.”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni CK. “Dad, kailangan ba talaga? Kailan niyo pa ba papakinggan ang gusto ko? Hanggang kailan niyo ba ko gagamitin para sa pansarili niyong kagustuhan?” Hindi na napigilam pa ni CK ang bugso ng kanyang emosyon. Inilabas na niya ang kinikimkim na sama ng loob sa ama. “Kailan niyo ba ko ituturing bilang anak niyo?”

Isang malakas na sampal ang natamo ni CK mula sa ama. At kasabay noon ay ang pagbagsak ng kanyang luha.

“Richard!” Sigaw ng kanyang ina. Sinubukan nitong pigilan ang asawa ngunit nag-tuloy-tuloy na ito sa paglakad patungo sa kwarto niya. Muling binalingan ng ina ang kanyang anak na ngayon ay hindi na mapigilan ang pag-luha. “Anak,”

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon