Third Person's POV
Nagkaroon ng biglaang meeting ang buong faculty at personnel ng school kaya naman kinansela ang klase nila para sa araw na ito. Tuwang-tuwa ang mga estudyante habang nagpaplano na kung saan sila pupunta at kung ano ang gagawin nila. Pero ang grupo nila Zeus ay nanatili lang sa loob ng canteen at masiglang kumakain.
"Nasan si CK?" Tanong ni Zeus. Dati naman ay lagi nila itong kasama kumain. Pero matapos ng nangyari kanina sa quadrangle, na hindi alam ni Zeus, ay hindi niya pa ito nakikita. "Absent ba?"
Walang sumasagot. Napagsabihan na kasi ni Vitto ang mga kaibigang sina Maru, Rayt, Ryle at Paulo na wag na ipaalam kay Zeus ang nangyari kanina lalo na iyong biglaang paghila ni CK kay Vivoree. Mahigpit kasing pinagbabawal ni Zeus, bilang leader ng grupo, ang pakikipagrelasyon o kahit pagkakaroon ng malalim na ugnayan sa ibang tao lalo na sa babae dahil makakatulong lang ito para bumagsak sila. But of course, Vitto is exempted. He's untouchable because of his father's reputation.
"Hindi. Baka nandyan lang yun sa tabi-tabi." Simpleng sagot ni Maru habang sumisipsip sa kanyang orange juice.
Bumalik na ang tahimik na kapaligiran, senyales na nakaalis na ang mga estudyante. Nagkaroon lang ng ingay nang tumunog ang cellphone ni Zeus, lumabas sa screen ng cellphone niya ang pangalan ni Luke. "Oh, Conde, napatawag ka. Na-miss mo ko?" Pang-aasar pa niya.
Sina Luke Conde na mula sa kabilang university ang mortal na kaaway ng grupo nila Zeus.
"Hindi lang miss, Arellano. Miss na miss na kita." Sagot naman ni Luke sa kabilang linya. They're both being sarcastic. "Sa katunayan, sa sobrang pagkamiss ko sayo, gusto ko ngang makipagkita sayo at sa grupo mo. Ano sa tingin mo? Pwede ba?"
"Conde, alam mo naman na hindi kami marunong tumanggi. Kung namimiss mo kami at gusto mo kaming makita, bakit hindi diba? Kaya sige, magkita na tayo." Mapang-hamong sagot naman ni Zeus.
"Yan. Yan naman ang gusto ko sa inyo, e. Pakiramdam ko napakaimportante ko sa inyo." Isang malakas na tawa pagkatapos ang pinakawalan ni Luke. Rinig na rinig din ang boses ng mga ka-grupo niya. "Magkita tayo. Dating lugar." He ended the call.
Binaba na ni Zeus ang kanyang cellphone at ibinalik ito sa kanyang bulsa. "Maghanda kayo. May gustong humalik sa mga kamao natin. Pagbibigyan natin." Ani Zeus. Nagpatuloy na siya sa pagkain.
Dumating na ang oras na napag-usapan nila kaya naman pumunta na sina Zeus sa bakanteng lote kung saan sila madalas na nagkikita ng kabilang grupo. Ang lugar kung saan maraming dugo na ang dumanak. Ito ang lugar na saksi sa lahat ng away ng iba't-ibang grupo.
"Oh, nandito na pala ang hinihintay natin." Nang makita ni Jon na paparating na ang grupo ni Zeus ay agad niya itong ipinaalam sa mga kasama.
Naging alerto naman ang grupo ni Luke. Kasama sa kanyang grupo ay sina Jon, Kid, Wilbert, Ronnie at Nikko. Ang isa sa kanilang grupo na tumatayong leader nila na si Jameson ay umalis na sa grupo at iniwan na sila. Kaya naman ganon na lang ang galit ni Luke sa grupo ni Zeus dahil sila ang sinisisi nito sa pag-alis ni Jameson.
"Long time no see," Pahayag ni Luke habang umiiling-iling at sinusuri ang mga reaksyon ng bawat isa sa grupo ni Zeus. "Bakit naman ganyan mga hitsura niyo. Don't you miss us?"
"Yabang nito ah," bulong ni Maru. "Ano? Face to face ba tayo dito o baka gusto niyo mag-heart to heart na lang tayo?" Pang-aasar na hamon pa nito kaya mas lalong nadagdagn ang inis ng kabilang grupo.
Humakbang ng dalawa palapit si Rayt. "Ang lakas naman ng loob niyo mang-imbinta, eh kulang naman pala kayo." He's referring to Jameson.
"Yan naman ang ayaw ko sa mga bata mo Zeus," panimula ni Nikko. "Masyado kaming minamaliit. Tsk." Mas naging seryoso na ang mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."