SH | 27

698 27 30
                                    


Third Person's POV

Buong magdamag na naghintay si CK sa tapat ng bahay nina Vivoree. Nakaupo lang siya sa gilid ng kalsada habang hinihintay ang pagdating ng dalaga. Ngunit naglaho na lahat ng bituin sa langit, sumikat ng muli ang liwanag, walang dumating na Vivoree.

"Oh, Jimboy, ikaw na ang bahala dito kay Yñigo." Paalala ni mother Cielo sa binata habang hinahatid ito sa may gate. "Umuwi kayo agad pagkatapos ng klase niyo."

"Ang tagal-tagal po ni kuya Jimboy na puntahan ako sa classroom." Pagsusumbong naman nitong si Yñigo.

Pinandilatan naman ng mata ni mother Cielo si Jimboy kaya ang binata ay napakamot na lang sa kanyang batok. Tuluyan na silang nagpaalam sa kanilang mother Cielo at lumabas na ng gate.

"Ikaw bata ka, sumbungero ka." Pabirong pinitik ni Jimboy ang tainga ni Yñigo hanggang sa pareho silang natigilan nang mapansin ang pamilyar na lalaki na nakasandal sa pader ng kanilang bahay at mistulang natutulog.

"Kuya CK?" Hindi makapaniwalang nilapitan ni Yñigo si CK. Kinusot-kusot pa nito ang mata upang makasiguro kung si CK nga ba ang nakikita niya. "Kuya Jimboy, si kuya CK nga."

"Ano?" Nilapitan din agad ni Jimboy ang binata. Bakas pa rin sa mukha nito ang mga sugat niya na natuyo na ang dugo at naging mantsa na lang sa maamo nitong mukha. "Hindi ba ito umuwi buong gabi?" Tanong niya.

"Kuya Jimboy, anong gagawin natin?" Natatarantang tanong ni Yñigo. Pinisil-pisil pa niya ang kamay ni CK upang subukan itong gisingin. "Kuya CK! Kuya CK!"

Hindi na rin malaman ni Jimboy ang gagawin niya. Ginigising niya ang binata pero hindi man lang ito gumagalaw. Sa takot nila ay tinawag na nila ang kanilang mither Cielo at pinasok ang wala pa ring malay na si CK sa loob ng isa sa mga kwarto doon.

"Diyos ko! Ano ba ang nangyari sa batang ito?" Ani Mother Agnes nang makita ang kalagayan ng binata.

"Tawagan ko na po ba si Vivoree? Sabihin na po ba natin to sa kanya?" Tanong ni Jimboy. Nakahanda na ang kanyang cellphone.

Umiling-iling ang dalawang matanda. "Jimboy, kami na ang bahala dito kay CK. Pumasok na kayo ni Yñigo at baka mahuli pa kayo sa eskwela." Hindi naman na nakipagtalo pa ang dalawa, umalis na sila upang pumasok sa paaralan. Kampante naman sila na magiging mabuti na ang kalagayan ni CK dahil hindi siya pababayaan nina Mother Agnes at Mother Cielo.

Matapos ang halos isang oras ay unti-unti nang nagigising si CK. Dahan-dahan nitong inikot ang paningin sa kabuuan ng kwarto.

"Hijo, nandito ka sa bahay ko." Bungad ni Mother Cielo. "Nag-alala kami sayo. Bakit pa puno ng sugat iyang mukha mo? Tsaka, anong ginagawa mo sa tapat ng bahay?" Sunod-sunod na tanong nito sa bianta.

Dali-daling bumango si CK at naupo. Kinuha niya ang kamay ni Mother Cielo at nakiusap dito. "Si Vivoree po? Mother Cielo, parang awa niyo na po, kailangan ko siyang makausap. Sabihin niyo po sakin kung nasan siya. Please po. Nakikiusap po ako."

Natunaw ang puso ng matanda ng makita ang lungkot sa mukha ng binata at lalo na ng makita itong umiiyak.

"CK, hijo," Mahinahong nilapitan ni mother Agnes ang binata. "Hindi siya umuwi dito kagabi."

"Nasan po siya? Sabihin niyo po sa akin. Pupuntahan ko siya. Mag-uusap kami." Patuloy pa rin sa pagmamakaawa si CK. "Nasan po si Vivoree?"

"CK, magpahinga ka na muna. Bumawi ka ng lakas. Tsaka natin tawagan si Vivoree." Pilit na pinapakalma ng dalawang matanda si CK ngunit hindi ito umeepekto.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon