Third Person's POVNiña stared at the wall completely clueless on what happened yesterday afternoon after CK's meeting with Mr. Yambao. She bit her lower lip as she thought back of what CK just told her. Next time don't run too fast just to chase me, 'cause I'll surely wait for you.
Kahit anong biling sa kama ang gawin ng dalaga ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang makahulugang salitang binitawan ni CK kahapon. “It's just a simple sentence, Nins.” Paalala niya sa sarili baka sakaling mawaglit na sa isipan niya ang kung anong tumatakbo pa sa isip niya.
Bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone dahilan para matigil siya sa kanyang pag-iisip. Dahan-dahan niya itong kinuha at tumambad sa kanya ang isang unknown number na tumatawag sa kanya.
It took her a minute before she finally decided to answer the call. “H-hello?”
He heard a deep sigh on the other line. “I'm glad you're still awake.”
“Sir Charles?” Hindi makapaniwala niyang sambit nang kaagad na makilala ang boses sa kabilang linya. Napaayos siya ng upo. “Sir, may kailangan po ba kayo?” Walang pag-aalinlangan niyang tanong. Maybe this is part of my job as a secretary. Bulong ng isang bahagi ng kanyang isipan.
The guy at the other line cleared his throat before saying anything. “I'm... I want to check if you're doing fine. How's your first day as my secretary? Do you find it tiring? Are you fine with it?” Sunod-sunod na tanong nito. Hindi siya mapakali habang hinihintay ang sagot ng dalaga.
Kunot noong napatingin si Niña sa kanyang cellphone bago ito muling ilapit sa kanyang tainga. “Uhm...” Niña couldn't find the right words to utter. Hindi niya alam kung bakit kailangan siyang tanungin ng ganon ni CK, at hindi niya rin malaman ang dahilan ng biglaang pag-bilis ng tibok ng puso niya. “I'm fine sir. Thank you for asking.” Nahihiya niyang sagot dito.
“What about your foot? Does it still hurt?” Tanong ni CK na punong-puno ng pag-aalala.
Tinignan ni Niña ang kanyang paa at muling bumalik sa kanyang alaala ang kung paano ito dahan-dahang ginamot ng binata. Hindi niya maiwasan na isipin kung gaano kaswerte ang babaeng mahal nito dahil sa simpleng bagay lang na iyon ay nakita na niya kung paano mag-alaga ang isang lalaking tulad ng kanyang sir Charles.
That Vivoree is so lucky to have him. Nakakalungkot lang na wala na siya ngayon.
**
It's been two weeks now since she started working as CK's secretary and so far, she's enjoying every bit of her work. Naging maayos din naman ang pakikisama niya sa ibang mga empleyado at maging sa mga kabigan ni CK na ngayon ay Niña na ang tawag sa kanya at hindi na Vivoree.
Everyone's preparing for the annual team building to be held on Nagsasa Cove located at Pundaquit, San Antonio, Zambales. The same place where their college school had their camping five years ago. The exact place where Vivoree bid her last goodbye to CK and later on, that car accident happened.
Hindi madali para kay CK na balikan ang lugar na iyon lalo na at puno ito masasakit na alaala.
“Bro, sure ka ba talaga dito?” Nag-aalalang tanong ni Rayt sa kaibigan habang inaayos ang kanyang bag. Isa siya sa kumontra sa suhestyon na ito ni Paulo dahil alam niyang matagal na panahong iniwasan ni CK na balikan ang Nagsasa Cove. “Meron naman akong ibang alam na pwede nating puntahan, just tell me—”