Third Person's POV
Visitors arrived by the dozen, each sporting expensive looking masks decorated in gold and silver which covered their faces entirely. This day marks the thirtieth wedding anniversary of Mr. and Mrs. Marquez, and also, a thanksgiving party for the success of their daughter's restaurant in Milan, Italy.
In the sky, the moon provided a natural disco ball and lighting into the house which held the main event. Greetings were offered out along the gravel path.
"Good evening, tita!" Bati ni Paulo pagkakita sa ini ni Vitto. NIyakap niya pa ito at hinalikan sa pisngi. That's how sweet he is to her friend's mom. He grew up longing for a mother's love, that's why he treated every mother as his own. "Tama po ba yung pinuntahan naming party? Wedding anniversary?" May pagkunot pa siya ng noo habang tinatanong iyon sa ginang.
"Tita, pagpasensyahan mo na, puyat lang." Ani Ryle na pinipilit na ilayo si Paulo sa harap ng ina ni Vitto. "Sabi ko sayo, tulog-tulog din." Bulong pa nito.
"Bakit ba? Tita, ang ibig ko lang naman sabihin, by your lookt onight, you look like a debutante, not a woman who were married for thirty years and has two kids." Anito pa nito.
Napangiti naman si Alma, ang ina ni Vitto at Wyn, dahil sa kalokohang iyon ni Paulo. "You doesn't change over the years. Palabiro ka pa din." Komento nito. Naputol lang ang kanilang usapan nang may isang matandang babae na lumapit sa ginang at nag-usap na tungkol sa kung ano-anong bagay. "Boys, maiwan ko na muna kayo. Enjoy! Maya-maya lang parating na si Vitto."
Napalitan ng excitement ang mga mukha nila nang marinig ang pangalan ni Vitto. Simula nung lumipat ito sa Italy ay hindi na nila ito nakausap, and, tonight will be the first time they'll see each other after five long years. Marami na ang nagbago sa buhay nila, kaya naman mas naexcite silang makita muli ang kaibigan at alamin ang mga nangyari dito sa mga nakaraang taon.
"Kamusta na kaya si Vitto no?" Biglang tanong ni Maru. Kung pagmamasdan siya ay talaga namang malalim ang pag-iisip na ginagawa niya. "Ano kayang ganap niya sa Italy?"
"Well, he's doing fine for sure." Salita ni CK. Kararating lang niya at hindi na naabutan ang ina ni Vitto kanina. "Hindi niya nga tayo kinailangan, diba?"
"Oh, don't tell me nagtatampo ka kay Vitto?" Tanong ni Paulo na kakakitaan ng pang-aasar ang boses.
Hindi kaagad nakasagot si CK. Hindi niya maintindihan ang sarili pero para sa kanya, may kakaibang nangyayari. Nang mabalitaan niya na babalik dito sa Pilipinas ang kaibigan ay may iba siyang naramdaman kaya naman pinili niya na makapunta dito sa kabila ng busy schedule niya.
"Tss. Never mind." Umiling-iling na lang siya at naglakad na palayo sa mga kaibigan. Nakihalo na siya sa mga ibang respetadong tao sa industriya ng negosyo.
Naiwan naman ang mga magkakaibigan na kanina pa ginagala ang mga mata sa buong bahay. Kanina pa nila hinahanap ang mga pamilyar na mukha sa kanila pero wala silang nakikita pa.
"Ate Wyn!" Ilang segundo lang ay namataan ni Ryle ang ate ni Vitto at nilapitan nila ito. Isa-isa silang bumati sa dalaga at sa nobyo nito na kasa-kasama niya. "Si Vitto po?" Hindi na nagsayang ng oras si Ryle at tinanong na ito.
"Namiss niyo naman masyado si Vitto. He's on his way na." Nakangiting sagot ni Wyn. "Baka natraffic lang." Dagdag pa niya.
"Natraffic?" Kunot-noong tanong ni Ryle. "Saan ba siya galing?"
"Well, he picked up her girlfriend." Walang prenong sagot ni Mark, nobyo ni Wyn. Dahil sa pagsabi niyang iyon ay siniko siya ng dalaga at pinandilatan ng mata.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Proză scurtă"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."