Third Person's POVWednesday morning, magkasamang naglalakad sa corridor ng university sina CK at Vivoree. Wash day nila ngayon kaya hindi nila kailangang magsuot ng school uniform. CK's wearing a simple red shirt and a jeans while Vivoree is wearing a purple blouse paired with jeans too.
Sa kanilang paglalakad ay nakasunod ang mga mata ng halos lahat ng estudyante na nadadaanan nila. May mga tingin ang ilan na mapanuri, may ilan naman na may ngiti sa mga labi.
Nang maramdaman ni CK ang pagkailang ni Vivoree dahil sa pinagtitinginan sila, he immediately grab Vivoree's left hand and intertwined their fingers. "Wag kang matakot. Nandito lang naman ako."
Bigla namang lumipad ang kamay ni Vivoree sa braso ng dalaga. Nahampas niya ito at mas lalong yumuko dahil kahit hindi siya manalamin, alam nyang pinamumulahan na siya ng pisngi.
"Aray! Bakit?" Punong-puno ng pagtataka ang mukha ng binata. Sa sakit ng hampas ni Vivoree sa kanya, ay napangiwi na ito. "Ang sakit ah."
Hindi maiangat ni Vivoree ang kanyang tingin sa binata. Pinipigilan pa rin niya ang kanyang ngiti at halos itakip na ang dalawang kamay sa mukha dahil sa kahihiyan. To be honest, kaya ganyan ang naging reaksyon niya ay dahil may naalala siyang isang TV Commercial kung saan kinakanta ang kantang iyon habang pinapakita ang magkasintahan at hinawakan ng lalaki ang kamay ng babae.
"Wala. Tara na nga," Nauna nang maglakad si Vivoree.
Napailing na lang si CK habang sinusundan ang dalaga at pilit na binibilisan ang paglakad upang maabutan ito. “Huy, V! Saglit.”
“Nakakahiya...” Pagalit niya sa sarili. Mas lalo pa nitong binilisan ang paglalakad at hindi na niya namalayan na naglalakad pala patungo sa direkyon niya si Chienna. At dahil nakayuko ang dalaga ay hindi niya napansin na nabangga niya ito.
“Ouch!” Maarteng sigaw ni Chienna. Ang hawak-hawak niyang mga lipstick na pinagyayabang niya sa kanyang mga kaibigan ay nagsipaghulog sa sahig. Tinignan niyo ito at para bang huminto ang mundo niya nang makitang ang ilan ay naputol. Binalikan niya ng tingin si Vivoree. “How dare you—”
She was about to slap Vivoree pero may isang kamay ang mahigpit na pumigil sa kanya upang masampal ang dalaga. Mas lalong nabuo ang galit kay Chienna nang makita niya na hinawakan ng lalaki ang kamay ni Vivoree. They're fingers were intertwined.
“Vitto!” Inis na sigaw ni Chienna sa pangalan ng lalaking hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa kamay ni Vivoree. Nagpumiglas si Chienna kanina kaya nabitawan siya ni Vitto. “Bakit ka ba nakikialam?”
Nagtaas ng kilay si Vitto. “Remember my rule?” Tanong nito.
“What? What rule?” Kunot-noong tanong naman ni Chienna.
Sa tabi ni Vitto ay tahimik lang na nakatayo si Vivoree. Nakayuko siya at tila hinihiling na sana ay lamunin na siya ng lupa o di kaya ay liparin na lang siya ng hangin. Alam niyang nasa kanya na naman ang atensyon ng lahat ngayon.
“No one can touch or trip someone I hold hands with.” Inaangat pa ni Vitto ang kamay nila ni Vivoree na magkahawak upang ipakita ito ng maayos kay Chienna. “That's my one and only rule.” Naging seryoso ang pananalita ni Vitto at mababakasan ito ng awtoridad.
“But she broke... Look what she did on my lippies!” Parang bata na nagsusumbong si Chienna kay Vitto. Ngunit ng hindi siya bigyang pansin ng binata ay lumingon-lingon siya sa paligid hanggang sa nahagip niya ang papalapit na si Zeus. Kaagad niya itong nilapitan. Nagulat pa si Zeus nang hawakan ni Chienna ang braso niya. “Zeus, look!” Tinuro niya ang nakakalat niyang mga lipstick sa sahig. “That girl, broke my lippies!”
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Historia Corta"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."