Third Person's POV“Good morning class,” Kanya-kanyang balik na sa kani-kanilang mga upuan ang bawat estudyante nang marinig ang pagdating ng kanilang professor sa Humanities. “I want you to group yourselves into four. We'll be having a practical exam a week before your prelims. And naisip ko na i-showcase ang mga talents niyo. You can dance, sing and even act. It's up to you and your group mates.” Paliwanag ng kanilang professor.
Nagsimula sa bulungan hanggang sa palakas na ng palakas ang boses ng ilan dahil sa paghahanap ng magiging kagrupo nila.
“You know the drill girls.” Masayang sambit ni Krissha habang nakatingin sa mga kaibigan niya.
“Of course, Krissha.” Sagot naman ni Mica.
Kapansin-pansin naman ang pagiging tahimik ni Chienna. Nilingon niya sina CK at wala man lang itong ginagawa. He's not even sorry sa ginawa niya kagabi. “No. I'll be in CK's group.” She announced.
Ang tahimik naman na si CK ay napaangat ng tingin kay Chienna na ngayon ay papalapit na sa kanya. Nagsisipag-lipatan na ng pwesto ang mga estudyante patungo sa kanilang mga kagrupo.
“CK's out.” Walang kaemo-emosyong ani Zeus. Hindi sila kumikilos at naghihintay lang na makabuo sila ng isang grupo. Walang nagtatangkang lumapit sa kanila. “May aalis pa ba?”
“Rayt,” Tawag ni CK sa kaibigan. “Group with me.” Anito. Mukha namang nakaramdam si Rayt sa pangangailangan ni CK na magkaroon ng makakasama sa grupo kaya hindi na ito nagdalawang-isip pa at pumayag na.
Patayo na sana si Vivoree nang bigla naman siyang pigilan ni Vitto. “Oh, san ka pupunta?”
“Sa kagrupo ko.” Simpleng sagot naman ng dalaga. “Kay Kate tsaka kay JC.” Nang banggitin ni Vivoree ang pangalan ni JC ay napatingin sa kanya si CK, napansin niya iyon pero ipinawalang-bahala na lang niya.
Tumayo na rin si Vitto at kinuha ang bag niya pati na rin ang bag ni Vivoree. “Sama ako sa grupo mo.”
Dahil sa pagsama ni Vitto sa grupo ni Vivoree, at sa pag-alis ni CK at Rayt ay nakabuo ng sariling grupo sina Zeus, Maru, Paulo at Ryle.
Ang natitirang oras pa para sa subject na ito ay ibinigay na sa kanila para mapag-usapan ang mga gagawin nilang performances.
“We shared the same passion, singing. Does it mean yun na ang gagawin natin?” Ani Kate. Siya ang tumatayong leader sa kanilang grupo.
Patango-tango lang si JC habang ang mga mata ay nakapako na kay Vivoree. Nakatitig siya dito habang abot tenga ang ngiti. At hindi lang si Vitto ang nakapansin noon, maging si CK na nasa kabilang dulo ay napansin iyon.
Tumayo si Vitto at pumagitna kay Vivoree at JC. “I can dance.” Bahagya niyang tinapik si Vivoree sa balikat at agad naman nitong nakuha ang gusto niyang iparating. Lumipat si Vivoree ng upuan. Tumabi siya kay Kate. “Kasi parang ang plain kung kakanta lang tayo.” Suhestyon ni Vitto.
Nang makita ni CK ang ginawang iyon ni Vitto, he loosen up. Nawala ng bahagya ang galit niya.
“What we gonna do? Sing? Dance? I believe we can do both.” Si Chienna naman ang naging leader ng grupo nila. Kanina pa siya naiinis dahil parang wala lang kay CK ang nangyari sa kanila kagabi. Napahiya siya sa daddy niya. And all she's asking is a sorry from CK. “Guys, focus. Can we? Give me your ideas naman.” Hindi naman maitatanggi na bahagyang tumaas ang boses ni Chienna kaya hinawakan siya ni Mikee sa kamay upang pakalmahin.
“Chie, calm down.” Bulong ni Mikee.
Napansin ni Chienna ang tingin ni CK sa grupo nina Vivoree. Laking pagtataka niya kung bakit doon nakatingin si CK.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."