SH | 50

774 21 35
                                    


Third Person's POV

“Vivoree?”

“Sinong Vivoree? Nambababae ka na ba ha, Ryle Santiago?” Isang malakas na hampas sa braso ang natanggap ni Ryle mula sa kanyang girlfriend na si Mari. “Ano? Di ka sasagot?”

Nanatili lang ang mata ni Ryle sa babeng nakita niya kanina na nagsalamin sa bintana mismo ng kanyang sasakyan. Hindi na lang muna niya pinansin ang naghihinalang girlfriend at bumaba na ng sasakyan niya, “Mamaya na ako mag-explain, babe.”

“What? Ryle bumalik ka dito---”

Hinabol ni Ryle ang babaeng nakita niya kanina. Tinahak nito ang daan kung saan niya nakitang nagpunta ang babaeng sinasabi niyang si Vivoree. Natigilan siya ng makita ang kaibigang si CK na nabunggo ng isang nagmamadaling babae at sa kakamadali nito ay natapon sa sahig ang mga gamiot nito.

Hindi nakita ni CK ang mukha ng dalagang nakabangga sa kanya dahil sa biglaan nitong pagyuko upang pulutin ang mga gamit na nagkalat na sa sahig.

Hindi nagdalawang isip si Ryle na lapitan ang babae at hinawakan niya ito sa may braso at tsaka inalalayan sa pagtayo. “Vivoree!”

Kumunot ang noo ni CK pagkarinig sa pangalang binanggit ni Ryle. Sa pagkakaalam niya ay si Rayt lang naman ang nasabihan niya tungkol sa nakita niya noong party kina Vitto. “Ryle, anong---”

Hindi natuloy ni CK ang kanyang sasabihin sa biglang pagharap sa kanila ng dalagang hawak ni Ryle. “S-sorry. Hindi Vivoree ang pangalan ko...”

Tila may dumagan na isang malaking bato sa dibdib ni Ryle nang makitang hindi nga si Vivoree ang babaeng kaharap niya ngayon. “Miss, sorry..” Agad niyang paghingi ng paumanhin. Nang tuluyan ng makaalis ang babaeng napagkamalan niyang si Vivoree ay siya namang pagdating ni Mari at agad na binatukan ang kanyang boyfriend. “A-aray!”

“Sino yung babaeng yun ha? Umamin ka na kasi.” Pinaniningkitan na siya ng mata ni Mari habang binibigyan ng diin ang bawat salitang binibigkas. “Sino?”

Bago pa tuluyang magalit ng husto si Mari ay nakisali na sa usapan ng dalawa si CK lalo na at si Vivoree ang involve sa usapang ito. “Mari, walang ibang babae si Ryle, okay?” Binalingan ni CK ng tingin ang kaibigan na sinusuyo pa rin ang nobya. “Ryle, sumunod ka sakin sa office, mag-uusap tayo.” Ani CK na puno ng awtoridad ang boses kaya naman napasunod agad si Ryle at si Mari sa kaibigan.

Nang makarating na sa tapat ng opisina ay natigilan si CK nang makita ang presensya ng babaeng ang huli niyang naaalala ay kasama niya sa condo niya pagkagising niya isang umaga. “What are you doing here?” Matigas nitong tanong.

Agad namang lumingkis ang dalaga sa braso ni CK. “Is that how you welcome your girlfriend?”

Nanlaki ang mga mata ng mga empleyadong nakarinig sa sinabi ni Jenina. Kanina pa niya pinagmamalaki na siya ang girlfriend ni CK.

“Jhen, bakit ka nagpapapasok ng baliw dito sa loob?” Natatawang tanong ni Ryle sa secretary ng kaibigan.

“Excuse me,” she raised her left brow. “Hindi ako baliw no. Sa ganda kong 'to, sasabihin mo baliw ako? Like duh!” Maarteng sagot naman ni Jenina.

“Alam mo miss, a girl who's claiming to be Kieron's girlfriend is the craziest person on Earth, at ikaw yon!” Saad muli ni Ryle. Hindi na niya pinansin pa si Jenina at hinila na si Mari patungo sa loob ng opisina ni CK.

“What? Hey, wait!” Sinubukang habulin ni Jenina sina CK ngunit kaagad siya nitong pinagsaraduhan ng pinto. “Ugh!” She exclaimed in full frustration.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon