Third Person's POV
“Ano ba! Bitawan mo na nga ako!” Sigaw ni JC habang pilit na kumakalas sa pagkakahawak sa kanya ni Vitto. Dinala siya ng binata dito sa bakanteng classroom.
“Oh, that's how you thank me for saving your ass?”
“Thank you? Dahil sa ginawa mo, nawala na naman sakin si Vivoree!” Sigaw pabalik ni JC. Hinawi niya si Vitto at naglakad na palabas ng classroom na ito nang magsalita si Vitto na nagpatigil sa kanya.
“Hindi lang naman ikaw ang nawalan.” Seryoso ang boses ni Vitto. Nilalaro niya lang ang kanyang hawak na cellphone. Pinapaikot-ikot ito sa kanyang kamay. “Dahil sa ginawa ko, nawala din siya sakin.”
Kunot-noong pinagmasdan ni JC ang binata na seryosong nagsasalita sa harapan niya. “What do you mean?”
Vitto heave a deep sigh. “Alam mo, I have all the chance kanina na kunin siya at ilayo sayo, ilayo kay CK. Pero hindi ko ginawa.”
Ngumisi naman si JC. Para bang sa simpleng salita pa lang na iyon ni Vitto ay alam na niya ang buong kwento ng buhay ng binata. “Hindi mo ginawa kasi duwag ka. Hindi mo kaya.”
Vitto immediately turn his gaze to JC and smirked. “You think?” He laugh sarcastically. “Well you're wrong. I'm Vitto Marquez, no one can pick on me. I can do whatever I want to do. But I still chose to not. You know why? Kasi mas iniisip ko yung kapakanan ni Viv kaysa sa sarili kong kaligayahan.”
Natahimik si JC. Kunot-noo niyang pinapakinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Vitto. Ngayon, mas lalo niyang napapatunayan na tama ang hinala niya na mayroong nararamdaman ang binata kay Vivoree.
“Alam ko na masaya siya kay CK. At sana alam mo din yun.” He smiles. “Mahal niya si CK, at sigurado ako na mahal na mahal din siya ng kaibigan ko. Bakit ko naman hahadlangan yun diba?”
“Alam mo, kapag mahal mo yung isang tao, handa ka dapat lumaban. Handa ka dapat na ipaglaban siya.” Matigas na sambit naman ni JC. Gusto niyang ipamukha kay Vitto na mali ang ginawa nitong pagpapaubaya.
“Lumaban? Gaya ng ginagawa mo?” Tanong niya. Naglakad siya palapit sa binata at tinapik-tapik ito sa balikat. “Alam mo umuwi ka na, kasi sinasabi ko sayo, tapos na ang laban. May nanalo na.”
That was Vitto's last words before he leave the classroom.
Aaminin niya, na-tempt siya sa offer ni Kid sa kanya. Sino ba namang hindi? Alam niya sa sarili niya na mahal niya si Vivoree. At gusto niya na mapasakanya ito. Pero sa tuwing iyon ang nararamdaman niya, paulit-ulit naman na sinasampal sa kanya ng mundo na sina CK at Vivoree ang para sa isa't-isa at sino naman ba siya para pigilan ang tadhana? Kaya naging buo ang loob niya na ipaubaya na lang ang dalaga sa taong alam niya na mahal nito. Dahil gaya nga ng lagi niyang sinasabi, kung saan masaya ang taong mahal niya, doon na din siya magiging masaya.
At para mawala ang stress niya ay napagpasyahan niya na magpunta na lang sa restaurant na pagmamay-ari ng kanyang ate Wyn. As he opened the door to the restaurant, he saw four familiar faces waving at him.
“Anong ginagawa niyo dito?” Naguguluhan niyang tanong kina Paulo, Ryle, Rayt at Maru. Hindi kasama si Zeus dahil mayroon daw itong aasikasuhin na utos ng daddy niya. Si CK naman ay kasama pa rin si Vivoree.
Tumayo si Maru, inilapag niya sa lamesa ang hawak na kubyertos. “We need an explanation.” Seryoso nitong salita.
Sumunod na tumayo ay si Paulo. Ginawa niya rin ang eksaheradang paglapag ng kubyertos sa lamesa. “We need a reasonable reason.”
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."