Charles Kieron's POVRight after a stressful work, I decided to have some fresh air away from this toxic office. Far from my employees na walang ibang alam gawin kung hindi ang galitin ako dahil sa mga palpak nilang trabaho.
Sa mga panahon na gusto kong maging tahimik ang paligid ko, isang lugar lang ang lagi kong pinupuntahan.
Bumabalik at bumabalik pa rin ako dito sa bahay na niregalo ko kay Vivoree. Still hoping that one day, she'll be back here. That maybe one day, I'll be eating dinner with her. Pero sa tuwing ididilat ko mga mata ko, nagigising ako sa katotohanan na wala na nga pala siya. Wala na siya kaya hindi na siya babalik.
And maybe, I have to find a new love.
Bago ako umuwi sa bahay, dumaan muna ako sa park. Sa park kung saan kami unang nagkakilala. Nakakatawa lang na lahat na lang ng bagay o lugar na napupuntahan ko, siya ang naaalala ko. Healthy pa ba para sa akin iyon?
Kinuha ko ang gitara ko at naupo sa isang wooden bench na naakpwesto sa hindi gaanong nasisinagan ng street light. I just want to be alone.
I started plucking the strings of my guitar when this kid came to offer me some ice cream.“Kuya, kuya, gusto niyo po ng ice cream?” Aniya habang paulit-ulit akong kinakalabit. Hindi ko siya sinasagot. Hindi dahil sa naiinis ako sa kanya, pero dahil naaalala ko na naman siya sa simpleng ice cream na 'to. She loves this so much. Para pa nga siyang bata na nagtatantrums kapag hindi nabilhan ng ice cream. “Sige na po, bili ka na po.”
Paulit-ulit kong binubulong sa sarili ko na hindi ko na siya dapat maalala. She has her own life now above. At siguro, nagsasawa na siya na araw-araw akong makita na ganito. Kung siguro nandito lang siya ngayon, siya mismo magsasabi sakin na kalimutan ko na siya dahil hindi na siya babalik at pinapalaya na niya ako.
“Kuya sige na po, bumili na po kayo—”
Hindi na natuloy ng bata ang pangungulit niya dahil bigla akong tumayo at sinigawan siya. “I said no. Mahirap ba intindihin yon?”
I saw how my voice gives shivers to this little kid. If I'm not mistaken, naiiyak na ang bata dahil sa takot. Hindi ko naman siya gustong sigawan. Pero hindi ko lang ma-control ang sarili ko.
“Ayokong kumain ng ice cream. Naiintindihan mo?” Napasapo na lang ako sa aking noo, trying to calm myself. “Now, get out of my sight!”
“Hoy ikaw! If you hate this world, wag mo idamay yung inosenteng bata at tsaka yung ice cream.”
Nasa park ako ngayon. Kakasabi ko lang sa sarili ko na sisimulan ko na ang mabuhay na normal. Buhay na wala siya. Pero bakit naman ganito kalikot ang tadhana? Bakit kung kailan ko binabalak na kalimutan siya, bigla na lang ako makakarinig ng napaka-pamilyar na boses.
Boses na hindi ko narinig sa loob ng limang taon. Boses na tanging may kakayahan na pabilisin ang tibok ng puso ko at patigilin ang buong mundo ko.
But instead of looking at where that voice came from, I took my step away from this place. Because this is me moving on.
V, this is me moving on. This is me accepting the ache of missing you. This is me waking up every single day aware of what is missing, but accepting the fact that this is my life now, that this is the way things are going to be. This is me understanding that it is okay to have my heartbeat speak your name. This is me understanding that it is okay to miss someone who was once such a staple in my life. But this is also me understanding that life goes on. That one day I eill hear the songs and smile. One day I will fall in love again, one day I will look back on this and my hands will not shake with heaviness of it all.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."