Third Person's POV
Habang mag-isang nasa loob ng kanyang opisina si CK ay hindi mapakali ang kanyang kalooban sa tuwing maaalala ang mga nangyari mula pa kahapon hanggang sa kaninang umaga. Alam naman niyang mayroon siyang pagkakamali, kaya naman hindi niya maitago ang pagkainis sa sarili lalo na at pati si Niña na wala naman talagang kasalanan sa kanya ay nadamay sa galit at hinanakit ng kanyang puso.
Siguro nga ay labis lang siyang nasaktan sa natuklasan at hundi matanggap ng kanyang puso ang katotohanang ang babaeng ilang ulit niyang napagkamalang si Vivoree ay hindi naman talaga ang babaeng mahal niya. And just like what she told him last night, she's not Vivoree, she's not his girl. And that thought broke his heart.
Nang tuluyan nang pumatak ang alas singko ng hapon ay napagdesisyunan ng binata na lumabas ng kanyang opisina. Sa paglabas niya ay nadatnan niya ang mga empleyado na may kanya-kanyang mundo sa pag-liligpit ng kani-kanilang mga gamit. His eyes landed on Niña's table. She's talking to Bhelle. Narinig pa nga niya ang pag-aaya nito sa dalaga na kumain sa isang bagong bukas na korean restaurant na malapit lang din naman sa kanilang pinagtatrabahuhan.
Ngunit bago pa man makasagot si Niña ay napansin na ng lahat ang presensya ng kanilang boss kaya naman nagmamadali sila na magsipagligpit ng gamit at kanya-kanyang paalam na at nag-uunahan pa sa paglabas ng opisina. Saksi ang lahat sa galit ni CK kaninang umaga kaya naman natakot ang lahat sa kanya na para bang isa siyang malaking apoy na kinatatakutang lapitan dahil tiyak na mapapaso dito.
“Niña,” mahinahong pagtawag ni CK sa pangalan ng dalaga.
Agad namang nilingon ng dalaga ang pinagmulan ng boses na kanyang narinig. She's fully aware that it's her sir Charles who's calling her. She make a smile, “Do you need something sir?” She asked casually.
CK took a deep breathe. “Can we talk?” Kanina bago siya lumabas sa kanyang opisina ay buo na sa kanyang isipan ang mga sasabihin. Ngunit ngayong kaharap na niya mismo si Niña ay hindi na siya makabuo ng salita. “About,” he cleared his throat. “About what happened earlier. I'm. . . I'm sorry.”
“Sir, wag niyo na po alalahanin 'yon. Okay lang po, I understand.”
“I acted unprofessionally. And I'm really sorry for that. Hindi naman kita nasigawan.”
Niña half smiled. “Sir Charles, okay lang po talaga. At isa pa, yun na po siguro yung last.”
CK’s eyes widen and nods in response. “I will assure you, hindi na yon mauulit. Hindi na kita sisisihin sa kasalanan na hindi mo naman ginawa. Again, sorry.”
Sa pagkakataong ito ay nagawa na ni Niña na salubungin ang mga tingin ni CK sa kanya. “Sir, wala na po kayong aalalahanin kasi, I'm planning to pass my resignation letter. Magreresign na po ako sa trabaho ko dito sa Manalad Enterprise.”
CK’s jaw dropped after hearing those words from the girl she's talking to. “Resignation letter?” Hindi makapaniwala niyang tanong.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ng dalaga bago tuluyang nagpatuloy sa kanyang pagsasalita. “Baka kasi hindi naman talaga ito yung lugar para sa’kin. Baka tama lang si Vitto, hindi ito yung klase ng mundo na dapat na ginagalawan ko. Baka dapat lang na bumalik na kami sa Italy. Baka dapat lang talaga na makuntento ako sa buhay na meron ako dati, yung buhay na hindi ko pa kayo kilala.” Sa mga huling salitang kanyang binitawan ay pahina nang pahina ang kanyang boses ngunit sapat lang upang marinig iyon ni CK.
Hindi makakibo ang binata sa mga narinig niya. Hindi siya makapaniwala na aabot sa ganito na magreresign si Niña dahil lang sa nangyari kanina.
“Niña, if it's about what happened earlier, I'm really sorry. I assure you, hindi naman na iyon mauulit, hindi naman siguro kailangan pa na humantong sa ganito. You don't have to resign.” Those are the words he wanted to say, pero hindi iyon ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi iyon ang mga salitang kanyang nasabi. “If your decision is final, I guess wala naman na akong magagawa to change your mind. Just leave your resignation letter on my table once you finished it.” He said casually.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."