SH | 47

667 20 22
                                    

Third Person's POV

Nagising si CK sa sakit ng kanyang ulo. Hang over. Sa tuwing siya ay gagalaw, para bang may kung anong pumupukpok sa kanyang ulo. Napapikit siya ng mariin at naupo sa malambot na kama. Pagkasandal niya sa headboard ng kama ay doon niya naramdaman ang lamig ng bakal na headboard. He's half naked. Wala siyang suot na t-shirt o kahit anong pang-itaas. Napadilat siyang muli, nilibot ng tingin ang buong paligid. Kahit pa nahihilo at umiikot ang paningin niya ay sigurado naman siya na ito ang kwarto niya.

He's in his condo, to be exact. Kaya naman ngayon na gusto niya ng kape ay wala siyang mauutusan para ipagtimpla siya. Pinilit niyang bumangon sa kama at laking gulat niya ng makitang nakakalat sa sahig ang damit niya at sapatos. Hindi lang iyon dahil sa couch ay may nakapatong damit naman ng babae.

What just happened? Mas lalong sumakit ang ulo niya sa kakaisip kung ano ang nangyari kagabi. Bakit may damit ng babae dito sa condo niya? Pero kahit anong isip ang gawin niya, hindi siya makahanap ng kasagutan.

Kinuha niya ang kanyang cellphone at bumungad sa kanya ang sandamakmak na missed calls mula sa mga kaibigan at kay Chienna. At doon niya lang naalala na engagement anniversary nga pala nila ngayon ni Chienna. Napasapo na lang siya sa kanyang noo. "Nakalimutan ko na naman." Aniya sa sarili. Ngunit may bahagi ng utak niya na nagsasabing ni minsan ay hindi naman niya talaga tinatandaan ang araw na 'to. Dahil sakto rin sa araw na ito ang kamatayan ng babaeng pinakamamahal niya. Ginusto niyang kalimutan na lang ang araw na ito dahil hindi siya naniniwalang wala na si Vivoree. Lalo pa ngayon na nakita niya si Niña at kasama pa si Kid.

Nagpasya na ang binata na lumabas ng kwarto niya upang makapag-kape. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang matigilan siya dahil may naririnig siyang naliligo sa banyo niya. Wala siyang matandaan na may kasama siya kagabi. Pero bigla ring sumagi sa isipan niya ang damit ng babae na nasa kwarto niya.

Matapos ang ilang minuto ay lumabas na sa banyo ang naliligo. Halos lumuwa ang mata ni CK nang makita ang babaeng nanggaling sa loob ng kanyang banyo. Nakatapis lamang ito ng twalya sa katawan, ang tubig galing sa basa niyang buhok ay tumutulo pababa sa kanyang katawan.

"Oh, you're awake na pala." She said, looking at CK's shocked expression. "What's with that face?" Unti-unting lumapit ang babae kay CK. Sa bawat paghakbang niya ay siya namang pag-atras ng binata hanggang sa napatid siya sa nakaharang na sapatos sa sahig kaya naman napahiga siya sa sofa at dahil doon ay natumba rin sa kanya ang dalaga.

Biglang bumukas ang pintuan ng condo ni CK at iniluwa noon si Chienna. "What the-"

Naitulak na lamang ni CK ang babaeng nasa ibabaw niya. "Chienna," Nilapitan niya ang dalaga na kung nakakamatay lang ang tingin ay siguradong pinaglalamayan na silang dalawa ng babaeng kasama niya na naabutan ni Chienna. "Let me explain, Chie."

"Explain?" Chienna slapped CK. "Anong ieexplain mo? Na kaya ka hindi sumasagot sa mga tawag ko kasi nag-eenjoy ka dito. Na kaya nakalimutan mo na naman kung anong meron ngayon kasi may kalandian ka ngayon na hindi ko alam kung saang basurahan mo napulot." Hindi na napigilan ni Chienna ang bugso ng kanyang emosyon.

"Hoy!" Tumayo ang babae at dinuro-duro pa niya si Chienna. "For your information, hindi ako basta-basta lang. Hindi ako basura no."

"Oh really?" Chienna raised her left eyebrow. "Kailan ba naging matino ang isang babaeng sasama sa taong hindi naman niya kilala?"

"Chienna, enough." Pagpipigil ni CK sa dalaga.

Halos maluha-luha na si Chienna pero pinipigilan niya. Pinipigilan niya dahil ayaw niyang magmukhang kaawa-awa na naman. "Charles Kieron, talagang enough na. Tama na. I'm officially breaking our engagement!"

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon