SH | 02

1.3K 39 2
                                    

This is purely fictional...

-

“We're here.” Hininto na ni Vitto ang sasakyan sa tapat ng isang Filipino-American style restaurant. Siya ang unang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. He's being so gentleman. “Tara na sa loob.” Hinawakan niya ako sa may siko para alalayan sa paglalakad. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa kaba. Paano kung sa loob pala ay may naghihintay sakin na trap? Sino na lang ang magliligtas sakin? Hay.

“Good evening, sir. VIP room's ready.” Pagkapasok namin sa loob ay isang babaeng nasa late twenties ang sumalubong sa amin at iginiya kami papunta sa isang lugar na malayo sa lahat ng mga kumakain dito. Kung pagmamasdan sila, mahahalata na agad na mayayaman sila. The way they chew their food states their social status. “Ipapasunod na lang po namin sir ang mga pagkain.”

“A'right. Thank you.” Sagot ni Vitto dun sa babae na Anna ang pangalan base dun sa suot niyang nameplate. “Have a seat,” Pinaghila ako ni Vitto ng upuan. At nang makaupo na ako ay tsaka siya naupo sa tapat ko.

Napakapit ako ng mahigpit sa bag ko. This is not a place for me. Hindi ako nababagay sa ganitong klaseng lugar. Mas lalo lang nito nae-emphasize ang katayuan ko sa buhay.

“Vitto, bakit mo ba ko dinala dito? Anong kailangan mo?” Tanong ko. Simula kanina ay wala naman siyang nababanggit sakin kung bakit bigla na lang niya akong hinatak at dinala sa lugar na to. “Tsaka, nasan ba tayo?”

He smirked. “To answer your question, nandito tayo sa restaurant na pag-aari ng ate ko. We're safe here.”

Pinasadahan ko ng tingin ang buong VIP room na ito. There's a 42" inch flat screen television, a sofa, table, paintings and everything na makikita mo sa isang typical na living room ng isang mayamang pamilya. Mas malaki pa nga ang kwartong ito sa tinutulugan namin sa bahay ampunan e.

“And about dun sa pag-uusapan natin, let's talk about it after eating. Gutom na kasi ako.” Sakto naman na dumating na iyong babae kanina at may kasama pang dalawang lalaki na nagserve sa amin ng iba't-ibang mga pagkain. Karamihan dito ay hindi ko kilala at bago lang sa paningin ko. “Kumain ka muna.”

We eat silently. Napakabago ng mga pagkaing ito sa panlasa ko. And maybe this is the first and the last time na makakatikim ako ng ganitong klaseng pagkain.

“Hey, nabusog ka ba?” Tanong niya matapos naming kumain. Tahimik lang kami kanina at ngayon lang siya ulit nagsalita. Kilala siya sa school bilang pinakamadaldal sa kanilang grupo. Kaya siguro hindi naman mahirap para sa kanya na mag-open ng topic sakin sa loob ng napaka-awkward na atmosphere.

“Vitto, sabihin mo na sakin kung anong kailangan mo—” Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla siyang bahagyang tumayo at unti-unti niyang nilalapit sa akin ang mukha niya. “A-anong gagawin mo?” Nauutal kong tanong.

He bursted into laughter. He handed me a piece of tissue. “May dumi ka kasi banda dito,” tinuro niya ang gilid ng labi niya. Kaya agad-agad naman akong napapunas. Nakakahiya. For sure pinamulahan na ako ng pisngi ngayon.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Pero pilit niyang hinuhuli ang mata ko.

“No doubt kung bakit ka nagustuhan ni CK.” Halos maibuga ko na ang iniinom kong tubig ng marinig ang mga salitang iyon sa kanya. “Oh, you must have seen your face! It's so priceless.”

I cleared my throat. “Anong pinagsasabi mo?”

“Aish. Seriously? Magsisinungaling ka pa? Alam ko ang totoo, Vivoree. Alam ko ang tungkol sa inyo ni CK.”

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon