SH | 38

726 16 47
                                    

Third Person's POV

Minutes passed the hour of twelve in the midnight, Vivoree received a lot of sweet birthday messages from her closest friends. Kahit pa magkikita naman sila mamaya ay mas pinili nila na maghintay ng madaling araw para lang ipahatid ang kanilang pagbati. It somehow touch her heart. She gained more friends this year at isa iyon sa pinagpapasalamat niya.

She woke up early to prepare herself and fix her things for today's school activity. Isang malalim na hininga ang kanyang pinakawalan. Hindi niya maintindihan pero may kakaibang kaba siyang nararamdaman and she can't explain it.

Kinuha niya muli ang kanyang cellphone, no texts or calls from CK. Sa lahat ng bumati sa kanya kanina ay tanging pangalan lang ni CK ang hindi niya nabasa. Even Vitto greeted her as early as this day.

Tinapik-tapik ng dalaga ang kanyang magkabilang pisngi. “Vi, think positive lang. Bawal ang bad vibes.” Paalala niya sa sarili. Humarap siya sa salamin at pinagmasdan ang sarili. She's wearing a gray sweat pants and black shirt and she also put her purple hoodie, a running shoes of course because she feels more comfortable in that.

Nang masiguro na ayos na lahat ng gamit niya ay lumabas na siya ng kwarto at naabutan sa salas ang kanyang Mother Cielo at Mother Agnes na nakaabang sa kanya.

“Happy birthday, anak!” Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa kanya ng matanda. “Dalaga ka na.” Bulong nito habang hinahagod ang buhok ng dalaga. May luha pang namuo sa mata ni Mother Cielo at maging kay Mother Agnes na nakiyakap na rin sa dalawa.

“Mag-iingat ka doon, Vivoree ha.” Kasunod nito ay ang mga paalala at bilin ng dalawang matanda kay Vivoree. Ayos kasi sa kanila ay delikado ang gumala o umalis kapag mismong araw ng kaarawan. “Tatawag ka sa amin.”

Napakamot naman sa kanyang batok si Vivoree. “Mother naman, e, wala po kayang signal sa pupuntahan namin.”

Hinawakan ni Mother Agnes ang kamay ng dalaga. “O siya, basta, mag-iingat ka.”

Nilingon-lingon ni Mother Cielo ang labas ng bahay, wala naman siyang nakitang kotse na nakaparada doon kaya nagtaka na itong nagtanong kay Vivoree. “Wala ba si CK?”

Hindi naman sila nag-usap ng binata na susunduin siya ngayong umaga kaya naman hindi niya inaasahan na pupuntahan siya nito ngayong umaga. Nakangiting umiling lamang si Vivoree bilang sagot.

“Sandali, gigisingin ko si Jimboy. Ipapahatid kita sa school niyo.”

“Mother wag na po—”

“Yo!” Bigla naman nilang narinig ang boses ng pinag-uusapang binata. “Good morning po, mother! Vive, happy birthday!” Bati nito.

“Oh mabuti naman at gising ka na, hijo. Ihatid mo naman itong si Vivoree sa eskwelahan.”

Hindi naman nagdalawang-isip pa si Jimboy. Siya na mismo ang kumuha sa bag ni Vivoree at hinatid na ito sa eskwelahan. Naglakad lang sila dahil maaga pa naman at malapit lang din naman ito sa kanilang bahay.

“Vivoree!” Wala pa man sa loob ng quadrangle ang dalaga ay kinakawayan na siya ni Tin.

“Jimboy, thank you sa paghatid ah. Ingat ka pauwi.” Paalam nito sa kaibigan. Bago tuluyang pumasok sa loob ay hinintay niya muna na makalayo ito.

“Tin,” nakangiti nitong niyakap ang naghihintay sa kanyang kaibigan. Sa likod nito ay si Rayt. “Uy, Rayt!”

“Uyy, birthday girl!” Bati nito pabalik sa kaibigan.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon