Third Person's POV
Tinanghali ng gising si Vivoree kaya muntik na siyang ma-late sa klase. Dumating siya sa classroom nila na sampung minuto na lang bago magsimula ang unang subject niya. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob, napatingin siya sa dati niyang upuan sa second row. Wala doon si Paulo pero naroon ang kanyang bag. Isang matamis na ngiti ang binigay sa kanya ni JC nang magtama ang mga mata nila.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang last row. Kumpleto doon ang grupo ni Zeus. Paulo is sitting on her chair. Nang makita siya nito ay tumayo naman agad at lumipat ng upo sa armchair ni Ryle.
Pinasadahan niya ng tingin ang helera ng last row na ito. Nagtama ang mga mata nila ni CK at napayuko na lang siya dahil alam niyang maraming mata ang nakatingin sa kanya ngayon.
Napansin niya ang pagiging tahimik ni Vitto. Nakayuko lang ito habang nilalaro sa kamay ang kanyang ballpen. Naninibago si Vivoree dahil hindi naman ganito si Vitto sa tuwing dumarating siya.
Sinenyasan ni Ryle si Vivoree na tignan ang mukha ni Vitto at ginawa naman niya iyon. Her eyes widen when she saw the bruises on Vitto's face. “Anong nangyari sa mukha mo?” Napalakas ang boses niya kaya mas nakuha niya ang atensyon ng mga kaklase. Napatakip siya sa bibig at mabilisang naupo sa kanyang upuan. Hinawi niya ang kamay ni Vitto na nakaharang sa kanyang mukha. “Anong nangyari dyan? Napaaway ka na naman ba?” May bahid ng pag-aalala ang tono ni Vivoree.
Vitto smirked after hearing how concern Vivoree to him. “Why? Nabawasan ba ang kagwapuhan ko dahil sa mga pasa na to?”
“Tsk.” Hinawakan ni Vivoree nang marahan ang baba ni Vitto at tinignang maigi ang sugat sa mukha niya. “Sinong may gawa sayo niyan?”
Tahimik lang na nakikinig sa usapan ng dalawa si Rayt. Pasimple niyang sinusukat ang reksyon ni CK na nasa kabilang dulo katabi ni Maru at Zeus. Nagkabit ito ng earphone upang siguro ay hindi na marinig ang pinag-uusapan nina Vivoree at Vitto.
“Sigurado akong hindi mo gugustuhing malaman kung sino gumawa sakin nito.”
Sumingit sa usapan nila si Paulo. “Pero kami, gusto naming malaman kung bakit concern na concern ka kay Vitto.” Pang-aasar nito kay Vivoree.
“Baka may something na..” Dagdag pa ni Ryle. Sinamaan lang siya ng tingin ni Vivoree. “Joke lang. Peace!”
“Tumigil na nga kayo. Iingay niyo.” Suway ni Rayt sa mga kaibigan. Sa tagal na niyang kilala si CK alam niyang kahit tahimik lang ito, alam niyang nagpipigil lang ito ng galit. “Wag mo na sila pansinin, Vivoree.”
Bumalik na si Paulo sa kanyang upuan at doon ay natahimik siya dahil hindi naman siya pinapansin ni JC.
Nakatanggap ng text si CK mula kay Chienna. Sinasabi na mag-usap sila sa labas. Naunang lumabas ang dalaga at sinundan naman siya agad ni CK. Walang tao masyado sa corridor kaya malaya silang makakapag-usap.
“What now Chie—”
She cut him off. “What now? CK, hindi ka man lang ba gagawa ng way para maging okay ka kay daddy?”
Kunot-noong tinignan ni CK si Chienna at marahang umiling. “Para saan pa? Kung ayaw niya sakin, that's fine.”
“What? You have to do something! Paano na ang engagement natin?” Worries are all over Chienna's eyes.
“I'm sorry pero Chienna, wala naman akong balak na magpakasal sayo—”
Isang malutong na sampal ang natamo ni CK mula sa dalaga. “How dare you!”
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Historia Corta"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."