SH | 36

693 19 50
                                    

Third Person's POV

Habang naglalakad palayo si Vitto ay nakasalubong niya naman si Kate na nagmamadaling puntahan ang kaibigan sa quadrangle.

"Vitto?" Natigilan ang binata ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Kate. "Si Vivoree? Nasan siya? Si JC? Ano nangyari?" Sunod-sunod niyang tanong.

Hindi kumikibo si Vitto. Nilalaro niya lang sa kanyang daliri ang hawak na susi ng kanyang kotse.

"Vitto!" Napapadyak na lamang si Kate dahil sa inaasal ni Vitto ngayon. "Hindi mo ba siya ilalayo kay JC?" May nakatagong pag-aalinlangan sa tanong niyang iyon. Hindi man sa kanya inaamin ni Vitto, pero alam niya na may nararamdaman ito para kay Vivoree.

Vitto sigh. He licked his lower lip. Rubbed his hand onto his hair. "Kaya na ni CK yun." Walang kaemo-emosyon niyang sagot. "He's the boyfriend, right? Kaya niyang ipagtanggol si Vivoree."

Nakatitig lang si Kate sa nagsasalitang si Vitto. Sinusuri nito ang mga mata ng binata. At sa mga mata niya ay nakita niya ang sakit na nararamdaman ng binata.

"Isa pa, hindi naman kayang saktan ni JC si Vivoree. Alam mo yun." Dagdag pa ni Vitto. Lahat na yata ng dahilan sinabi na niya sa sarili niya para lang hindi na siya itulak ng puso niya na puntahan ang dalaga. Dahil alam niya na kapag hinawakan niya muli ang kamay ni Vivoree ay baka hindi na niya ito gustuhin pang bitawan. Kaya hanggat kaya pa niya na pigilan ang sarili niya, pipigilan niya. "Sige Kate, mauna na ako."

Naglakad na palayo si Vitto. After taking three steps, narinig niya ang salita ni Kate. "Hindi mo ba pwedeng gawin na ilayo siya kay JC kahit bilang isang concern na kaibigan?"

Vitto smirked. Kaibigan. Hanggang kailan ba isasaksak sa kanya ang salitang iyon?

"Vitto, kailangan ka ni Viv ngayon. Kailangan niya ng kaibigan na maglalayo sa kanya sa gulo. At alam nating dalawa, na ikaw lang ang may kayang gawin yun na hindi siya nasasaktan." Dagdag pa ni Kate. Nilapitan niya ang binata at hinawakan ito sa balikat. "Please?"

Nagtatalo ang puso at isipan ni Vitto. Ayaw na niyang bumalik pa doon. Pero alam niya sa sarili niya na ayaw din niyang mapunta si Vivoree kay JC. Kaya naman kahit mahirap para sa kanya, tinakbo niya ang daan pabalik sa quadrangle. At doon ay naabutan niya si JC na nakayakap kay Vivoree habang si Chienna naman ay nakahawak sa braso ni CK at pinipigilan ito.

Nilibot niya ng tingin ang buong paligid, parating na rin ang mga kaibigan niyang sina Zeus at handa na sanang sugurin si JC pero hindi iyon natuloy dahil bigla siyang tumakbo palapit kina JC at Vivoree.

"Vitto..." Bulong ni Vivoree. Nakahanda na siyang abutin ang kamay ng binata ngunit hindi naman inilalahad ni Vitto ang kanyang kamay na nakapagbigay ng pagtataka sa dalaga at maging kay Kate na nanunuod sa kanila.

Instead of letting his hand to Vivoree, he grabbed JC's hand. At dahil sa ginawa niyang iyon ay napabitaw sa pagkakayakap si JC kay Vivoree. All eyes widen. All eyes on Vitto and JC's holding hands.

Nilingon ni Vitto ang mga estudyante na nasa paligid nila. "I'm Vitto Marquez. And... I'm untouchable." He declared using a very authoritative voice. "And here's my rule, no one can touch someone whom I hold hands with." Sa pagsasabi niyang iyon ay iniangat pa niya ang kamay nila ni JC na magkahawak upang mas makita ng lahat. "Kaya mga brad, Zeus, you can't pick on JC." Aniya sa mga kaibigan na handa ng sugurin ang binata.

"What? Vittorio!" Eksaheradang sigaw ni Maru. "Anong kabaklaan 'yan? Akala ko ba you don't hold hands with guys ha?"

"At sa dami talaga ng babaklain mo, yang si Alcantara pa?" Dagdag sigaw pa ni Paulo kaya naman binatukan siya ni Ryle. "Aray! Ang sakit non ah."

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon