SH | 25

775 20 31
                                    

Third Person's POV

Patuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ni Vivoree. Pilitin man niyang itago ang sakit na nararamdaman niya ngayon, hindi niya magawa. Hindi niya magawang pigilan ang mga luhang kanina pa umaagos sa mga mata niya. At wala rin naman na siyang lakas pa para pigilan ang sarili. Tanging pag-iyak lang ang alam niyang gawin sa mga oras na ito.

“Viv,” Nag-aalalang pinagmasdan ni JC ang kanina pa walang tigil sa pag-iyak na si Vivoree. Using his thumb, he gently wipe the tears fell on Vivoree's cheeks. He softly carress her face. “Please, stop crying. I hate seeing you like this.” Naging mahinahon ang tono ng pananalita ni JC kumpara sa malahalimaw niyang aura kanina.

Yumuko lamang si Vivoree. Sa tuwing pinipikit niya ang kanyang mga mata, naaalala niya lang ang mukha ni CK kanina na puno ng sugat at dugo. Ang mukha niya noong nakikiusap ito na wag niyang iwan. At nasasaktan siya. Nasasaktan siya na mas pinili niyang bumitaw kaysa kapitan ang pagmamahal niya. Dahil alam niya sa sarili niya, na mas makakabuti para kay CK ang pagbitaw niya.

“Wag mo namang isipin na masama akong tao. I just want to protect you. Gusto kitang ilayo sa gulo. Hindi mo alam kung anong away ang namamagitan sa kanila at kina Luke.” JC explains his side. Nagkanya-kanya na silang uwi nina Luke kaya sila na lang ni Vivoree ang naiwan dito sa café na pagmamay-ari ng magulang ni JC. “Viv, sa piling ko ka lang magiging ligtas. Kaya wag kang lalayo sa akin. Dahil oras na makita kong malapit ka ulit sa kanila, lalo na sa CK na yon, sinasabi ko sayo, kaya kong pumatay maagaw ka lang ulit.”

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni Vivoree. Pinipisil na niya ang kanyang daliri at kinakagat na ang kanyang labi upang pigilan ang sarili sa labis na pag-iyak.

“JC, please...” Inabot ni Vivoree ang kamay ni JC na nakapatong sa lamesa. “Wag mong sasaktan si Charles. Lalayo ako sa kanya. Wag mo lang siyang saktan, wag mo silang galawin.” Pagmamakaawa nito sa binata.

Sa nakikita ni JC ngayon sa mukha ni Vivoree, napagtanto niya kung gaano kamahal ng dalaga ang binata. Na kahit ikakasakit niya ang paglayo, ginawa niya pa rin para huwag lang itong masaktan. And he felt pang on his chest. Dahil dito, mas nabuo sa loob niya ang kagustuhan na mailayo si Vivoree upang sa kanya na ito magkagusto.

“Ayaw mong saktan ko siya diba?” Tanong ni JC. Marahas at mabilis ang naging pagtango ni Vivoree bilang sagot. “Then break up with him. And,” He paused for a while and look directly at Vivoree's eyes. “be... mine.”

-*

Matamlay na naglalakad si Vivoree pabalik sa bahay-ampunan. Sa kanyang pagalalakad ay wala siyang ibang iniisip kung hindi ang sinabi sa kanya ni JC. “Break up with him and be mine.”

Nang makarating na siya sa bahay niya ay napahinto siya nang makita kung sino ang lalaking nakatayo sa tapat ng gate. Bakas pa rin sa suot nitong damit na galing ito sa gulo. Ang kanyang mukha na puro sugat at dugo, ang kanyang buhok na gulo-gulo, at ang mga mata nitong nangungusap, nagmamakaawa.

Hindi maigalaw ni Vivoree ang kanyang mga paa. Gusto niyang lapitan ang binata ngunit ano pa ba ang mukhang ihaharap niya sa lalaking kanila lang ay pinili niyang bitawan.

Makalipas ang halos tatlong minuto, nagpasya siya na harapin ang binata. Naging maingat siya sa bawat paghakbang niya. Habang papalapit siya nang papalapit kay CK ay lumalakas ang tibok ng puso niya. He always gave her this kind of feeling. Her heart will always be beating for him no matter what.

Nang magtama ang kanilang mga mata, wala ng salita ang lumabas sa bibig ni CK. Agad siyang lumapit kay Vivoree at niyakap ito ng pagkahigpit. At sa pagyakap niya dito ay kasabay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Ang luha na iyon ay hindi dahil sa hapdi ng mga sugat niya, iyon ay dahil sa takot na akala niya hindi na babalik ang dalaga sa kanya. Hindi niya kakayanin.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon