Third Person's POV
Halos buong araw lang na nagkulong sa kanyang kwarto itong si Vitto matapos ang nangyari kagabi. From the very start, alam naman niya na si CK, na kaibigan niya, ang gusto ni Vivoree. Noong una ay gusto niya lang subukin ang pagiging matapang ni CK pagdating sa babaeng mahal niya. Pero habang tumatagal, nararamdaman niyang mas nanaig na ang kagustuhan niyang maproteksyunan ang dalaga. Protect her at all cost. Bulong ng isang bahagi ng utak niya. Napailing na lang siya sa sariling pag-iisip.
“Bro, nasan ka ba?” Tanong ni Ryle sa kabilang linya. May lakad kasi silang magbabarkada ngayon. Pero wala siya sa mood para magsaya lalo na at hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya. “Absent na nga si CK, pati ba naman ikaw.”
The thought na wala rin si CK ngayon sa lakad nila ay mas lalo lang siyang nakaramdam ng kakaibang kirot sa puso niya. Dahil siguro alam niya na magkasama ang dalawa ngayon.
After an hour, he decided to get out of his room and went to her ate Wyn's restaurant.
“Oh, napadaan ka yata, Vittorio?” Ito ang bungad sa kanya ng kanyang ate Wyn pagkapasok pa lang niya sa loob ng restaurant.
Umiling-iling si Vitto at nagpakita ng inis na reaskyon sa kanyang ate. “Tsk. Vitto. Ate, Vitto. Okay?” Paulit-ulit niyang paalala sa kanyang ate.
Inakbayan siya nito at iginiya sa isang bakanteng upuan. “Aysus! Ang sungit naman ng kapatid ko. Problema?”
Her ate Wyn is the only person who can make him happy and annoyed at the same time. Siya lang din ang tanging tao na alam niyang makakaintindi sa kanya. Lalo na ngayon na sarili niya mismo ang hindi niya maintindihan.
“Wait, in love na ba ang baby bro ko?” May bahid ng pang-aasar sa mukha at tono ni Wyn.
“Ate, hindi na ako baby. Ano ba yan, mamaya may makarinig sayo.” Nilingon-lingon pa ni Vitto ang paligid niya at nakahinga ng maluwag ng wala namang nakarinig sa kanila ng kanyang kapatid.
Tumayo saglit si Wyn at may kinuhang isang bowl ng chips and popcorn at may kasama pang juice para sa kanilang dalawa ni Vitto. “Mukhang mahaba-habang usapan 'to. So, ano na nga? Who's that lucky girl?”
“Ate!” He sounds so irritated. “Alam mo mas masaya pa talaga sa kwarto ko e. Dapat di na lang ako pumunta dito.” Tumayo na si Vitto sa kanyang upuan at aalis na sana nang pigilan siya ng kanyang ate Wyn.
“Vittorio Joey Marquez,” Alam na alam talaga ni Wyn kung paano niya mapipilit ang kapatid na magkwento sa kanya.
Bumalik sa pagkakaupo si Vitto at napainom bigla sa kanyang pineapple juice. “I met this certain girl a couple of couple years ago.” Panimula niya. “Sobrang tagal na ate.” He sigh.
Then right at that moment, he started reminiscing what happened six years ago.
Naglalakad lang siya noon sa isang bookstore. Nagtitingin-tingin ng mga libro. He's not interested in books, he just want to give her mom a gift for mother's day.
Habang nagtitingin-tingin sa mga libro na pantay-pantay ang pagkakaayos sa shelves ay nakita niya ang isang libro na A Mother's Love. Napangiti siya ng mabasa ang title ng libro na iyon. Kinuha niya iyon ngunit may isang kamay na din na humawak sa librong iyon.
“Uh, sige. Sayo na.” Mahinhin ang boses ng babaeng iyon. Morena siya, sakto lang ang taas niya para sa edad niya. Maganda siya. Ngunit kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata niya lalo na noong ipinaubaya na niya ang libro sa kanya.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."