Third Person's POV
Maagang nagising si Vivoree kaya naman maaga din niyang natapos ang kanyang morning routine. She's ready for school. Handa na siya sa panibagong araw na kakaharapin niya. At sa tuwing maiisip niya na makikita na naman niya sina Chienna, napapabuntong-hininga na lamang siya. Hinihiling na sana ay bumalik na lang ulit ang lahat sa dati. Iyong dati na isa lang siyang nobody sa school nila. Hindi mapapansin hanggat hindi nakakagawa ng kahihiyan. Yung dati na hindi siya kilala ni Vitto at wala pang alam sa kanilang dalawa ni CK. Iyong dati na maayos pa ang lahat.
“Vivoree anak,” Pagkalabas niya sa kanyang kwarto ay tinawag naman siya agad ni Mother Cielo. Ang mother leader sa ampunang ito. “Pwede ba kitang makausap?”
“Sure po. Maaga pa naman po at hindi pa ako male-late sa school.” Nakangiting sagot ni Vivoree. They headed to the living room and sat on the couch. “Ano po ba ang pag-uusapan natin mother Cielo?”
Hinawakan ng matanda ang mga kamay ni Vivoree. “Hija, kailangan mo ng humanap ng matutuluyan mo.” Kakikitaan ng lungkot ang mga mata ng matanda. Mahirap para sa kanya na gawin ito. Pero kailangan niyang sundin ang mga patakaran sa ampunang itinatag niya. Siya na ang nagpalaki kay Vivoree kaya naman hindi niya gusto na mawalay sa dalaga. Isa kasi siya sa pinaka-unang sanggol na inalagaan niya. “Alam mo naman na ayaw kong gawin ito pero...”
“Naiintindihan ko po.” Nakangiting sagot ng dalaga. “Wag po kayo mag-alala mother Cielo, makakahanap naman po ako ng matutuluyan ko. Kaya di niyo po kailangan mag-alala sakin.”
Naglakad na si Vivoree papuntang eskwelahan nang makasalubong niya si Paulo na mag-isa at abala pa sa cellphone nito.
Ang akala ni Vivoree ay hindi siya nakita nito kaya iniwasan at nilagpasan niya lang ito.
“Hey, Vivoree!” Sigaw ni Paulo kaya naman napahinto din ang dalaga sa paglalakad. Nilingon niya ito at isang malaking ngiti ang ginawad niya rito. “Sa gwapo kong to, imposible naman na di mo ko nakita.”
“Umiwas talaga ako.” Prangkang sagot ni Vivoree kaya napaawang ang bibig ni Paulo. “Umiiwas lang ako sa gulo.” Dugtong pa nito.
Lumingon-lingon si Paulo sa paligid. Wala naman siyang nakitang kahit na ano bukod sa mga abalang sasakyan. “Nasaan ang gulo?”
“Ngayon, wala pa. Pero kapag may nakakita na kasama ko ang isang Paulo Angeles, siguradong gulo mismo ang lalapit sakin.”
Nagpatuloy na sa paglalakad si Vivoree habang si Paulo naman ay palihim siyang sinusundan. Hindi alam ng dalaga na hindi nagkataon lang ang pagkikita nila ni Paulo. Sadya iyon dahil inutusan ni Vitto ang binata na sundan si Vivoree dahil nasa iisang subdivision lang naman sila.
Hanggang sa nakarating na ang dalawa sa loob ng campus, hindi sila nagpapansinan. Kunwari ay hindi magkakilala. Kahit pa patuloy sa pagpapapansin itong si Paulo, hindi siya nagagawang lingunin ni Vivoree.
“Oh hi, Vivoree!” Masayang bati ni Maru ng makasalubong ang dalaga. Laking gulat ni Vivoree na biglang nagiging mabait sa kanya ang grupo ni Zeus. Samantalang dati naman ay bully ang mga ito. “Papunta ka na ba sa classroom mo? Hatid na kita.”
Napataas ang kilay ni Vivoree sa narinig. “Huh? Pwede ba, gusto kong lumayo sa gulo. Kaya, lumayo na lang din kayo sakin.”
“Oh, bakit naman ganyan ang response mo sakin? Nagmamagandang loob lang naman ako na ihatid ka.” Ani Maru. “Wala naman akong nakikitang masama dun.”
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."