Third Person's POV
“Kid!” Matapos makausap ni Vitto si Niña sa telepono ay agad niyang pinuntahan ang kaibigang si Kid na kasalukuyang kasama ang girlfriend na si Sam. “Kid, we have to talk!”
Nagulat naman ang binata sa biglaang pagdating ni Vitto at hindi man lang ito nagsabi. “Tungkol saan?”
“Saan mo hinatid si Niña kanina?” Seryosong tanong ni Vitto. Frustration all over his face. “Saang company?”
Natahimik bigla si Kid. Inayos niya ang kanyang mahabang buhok at humanap muna ng magandang tyempo bago nagsalita. “Vitto, hindi kasi siya nagpahatid sa mismong workplace niya kanina—”
“Ano? Diba sabi ko naman sayo ihatid mo? Kid naman,”
“Bro, traffic kanina. And she's running out of time, ayaw niyang ma-late kaya sabi niya bababa na lang daw siya ng kotse and will walk or run patungo sa workplace niya.” Esplika ni Kid. Iyon naman talaga ang totoong nangyari kaninang umaga. “Hindi ko na siya napigilan.”
Galit na sinipa ni Vitto ang upuan na nasa kanyang harapan. “We have to find her. Now!”
Nilapitan na ni Kid ang galit na kaibigan at sinusubukan itong pakalmahin. “Vitts, ano ba nangyayari?” Naguguluhan nitong tanong. Bigla na lang sumugod si Vitto na hindi naman niya alam ang kinagagalit nito. “May problema ba kay Niña?”
“Kausap ko siya kanina. I heard someone saying na ipapakilala na siya sa boss nila, which is Mr. Manalad.”
Nanlaki ang mga mata ni Kid sa narinig na iyon. Pero imbis na gatungan pa ang pagkaproblema ni Vitto ay sinubukan niyang umisip ng paraan upang pagaanin ang sitwasyon. “Manalad? Bro, baka mali ka lang ng rinig. Baka naman Mañalac? O di kaya, Manalo? O kung Manalad man nga yon, hindi lang naman sina CK ang Manalad sa buong Pilipinas.”
Halos sabunutan na ni Vitto ang sarili. Ganoon din naman ang pilit niyang sinasabi sa sarili, na baka naman hindi sina CK ang Manalad na tinutukoy. Pero sa tuwing babalikan niya ang naging pag-uusap nila kanina ay hindi niya maiwasang isipin na napakaliit ng mundo para pagtagpuin ang mga landas nila.
“Kid, no. Samahan mo ko, hahanapin natin si Niña.”
Nag-aalangang tinignan ni Kid ang kaibigan, at pagkatapos ay tsaka siya huminga ng paumanhin sa kasamang si Sam at nagpaalam na kailangan niyang samahan si Vitto.
“Saan tayo pupunta?” Habang nagdadrive si Kid ay pilit din niyang inaalala ang nangyari kaninang umaga. Hindi naman niya matandaan na may nabanggit si Niña sa kanya tungkol sa kumpanya na papasukan nito. Pero habang nag-iisip siya ay bigla niyang narealize na ang daang tinatahak nga nila kanina ay malapit na sa Manalad Enterprise. Ngunut imbis na isatinig pa iyon at makadagdag lang sa galit at pangamba ni Vitto ay sinarili na lamang niya iyon.
“Pupunta tayo kina CK.” Vitto said in full authority.
“Seryoso?”
“Mukha ba akong nagbibiro?”
Imbis na makipagtalo pa ay sinunod na lamang ni Kid ang kagustuhan ni Vitto na pumunta sa Manalad Enterprise upang makasiguro kung nandon nga ba si Niña.
★★
“Hoy teka naman! Pagkain ko yan, e!” Buong lakas na inagaw ni Maru ang pagkain mula kay Paulo at tsaka ito dinilaan lahat upang wala nang makaagaw nito sa kanya. “Akin lang 'to.”
“Kadiri ka!” Nang mahawakan ni Paulo ang isang unan ay binato niya ito kaagad kay Maru. “Ang baboy mo. Marumi ka, Maru. Marumi! Pwe.”
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."