Third Person's POV“What's this? I am asking for the revised report. Mahirap bang intindihin yon?” Napaatas na lang ang mga empleyadong nagpasa ng kanilang reports dahil sa lakas ng sigaw ni CK at sa galit na aura nito. “Kailan niyo ba magagawa ng tama mga trabaho niyo ha?” Muling sigaw nito.
Ang mga gustong magsalita ay tila umuurong ang dila sa tuwing lalapat sa kanila ang tingin ni CK.
“Get out of my office now!” Inihagis niya sa sahig ang mga papel na kanina'y hawak-hawak niya. Isa-isa naman iyong pinulot ng mga pinapagalitan niyang empleyado. “I said get out!” Nagmadali at nag-uunahang maglabasan sa opisina ni CK ang mga takot na takot na empleyado.
Pagkalabas ng opisina ay kanya-kanyang sisi ang mga napagalitang empleyado hanggang sa nagkanya-kanya na sila sa pagbalik sa kanilang mga mesa.
“Uh ma'am, may appointment po ba kayo?” Hinarang ni Jhen, CK's secretary, ang isang babae na hapit na hapit sa kanyang katawan ang suot na kulay pulang bistida, paired with red stiletto, and red lipstick. “Hindi po kasi tumatanggap ng bisita si sir Kier—”
“Hindi ko kailangan ng appointment, miss. Actually, yung boss mo pa nga ang nagpapunta sakin dito.” Sagot ng babae habang sinusuri ng tingin ang buong kabuuan ni Jhen. “So, if you don't mind, tumabi ka dyan kung ayaw mong mawalan ng trabaho.”
Hindi nagpatinag si Jhen sa pinagsasabi ng babaeng kausap niya. Sa tingin naman niya sa kanyang boss, na sk Kieron, ay hindi papatol sa ganitong klaseng babae. She's sure of that.
“Ma'am, may I know your name first? I'd like to verify this first.”
“You don't need to. Don't waste your time, miss. Papasukin mo na lang ako sa loob.”
“Ma'am sorry, hindi po talaga pwede.”
She rolled her eyes. “I'm Jenina. And I'm his girlfriend. So I don't need any appointments to see him.”
“Girlfriend?” Hindi makapaniwalang pag-uulit ni Jhen sa pagpapakilala ni Jenina sa kanya.
Hindi pa man nakakabawi si Jhen sa kanyang pagkagulat ay bumukas na ang pinto ng opisina ni CK at nagmamadali itong lumabas. Hindi man lang niya napansin ang tumatawag sa kanya na si Jenina. Basta nagmamadali itong lumabas ng building at nagpunta sa kanyang kotse. Hindi rin ito nagsabi kung saan siya pupunta.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."