SH | 11

920 34 10
                                    

A/N: Again, I'm using names that are not personally associated with my characters. This is purely fictional. Thank you!

Third Person's POV

“Son!” Pagkarating pa lang ni CK ay galit na ama ang agad na sumalubong sa kanya. “I heard what you've done last night! Are you out of your mind?” Sigaw nito.

“Dad,” Malumanay na bati ng binata sa ama. Kahit pa alam niyang galit ito, hindi pa rin nabawasan ang respeto niya sa ama. “I'm just being myself.”

“Being yourself won't make our company strong!”

“Richard, tama na!” Agad namang lumapit ang ina ng binata at pinigilan ang kanyang asawa. “Calm down.”

“Calm down? Paano ako kakalma? Alam mo ba kung ano ang ginawa ng anak mo?” Tumataas na ang boses ni Richard, ang ama ni CK. Halos mamula na rin ito sa sobrang galit. “Chienna invited him over a dinner with his family. Pero anong ginawa ng anak mo? He arrived late at hindi man lang nag-stay. Umalis agad.”

“Dad, hindi ko po gusto si Chienna—”

His dad cut him off. “I don't care. Hindi ko naman sinabi sayo na mahalin mo siya. What I'm asking you is to be the best man for her.”

Marahang umiling-iling si CK. “Dad, hindi ko nga po kaya. Hindi siya ang mahal ko.”

“Son, haven't I told you? Ginigipit na ako ni Alfred. Kailangan natin ang pera ng mga Filomeno. We need to merge with them. Sila lang ang makakasalba sa atin.”

Ang Alfred na tinutukoy ng kanyang ama ay ang isang negosyante na pinagkakautangan niya. Nalulong ito sa paglalaro sa casino hanggang sa nalubog ito sa utang. Ngayon ay ginigipit na siya nito, sinisingil na siya sa kanyang pagkakautang. Natapos na ang dalawang taong palugit sa kanya.

“Dad, ganon na lang ba ako sayo? Ganon lang yung worth ko sayo?”

“This is for your own good too. Kapag nakasal ka kay Chienna, aangat ang estado mo sa buhay. Hindi ka na maghihirap. You'll enjoy every thing. You'll be on top.”

CK bit his lower lip and shook his head. “Dad, this will the be last time na sasabihin ko sayo to. I'm not going to marry a girl whom I don't love. Hindi niyo ako mapipilit.”

Isang malakas na tampal ang natamo ni CK mula sa kanyang ama. “Richard!” Agad namang pumagitna sa kanila ang ina ng binata at halos mangiyak-ngiyak na ito. “Anak, are you hurt? Halika, gamutin natin yan.” Nag-aalalang sinuri ng ina ang kanyang mukha.

Umiling si CK at inalis ang kamay ng ina na nasa kanyang mukha. “No need, mom. Aalis muna po ako.”

Dire-diretso na sa pag-alis si CK at kahit pigilan siya ng kanyang ina ay nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad. Hindi niya dinala ang kanyang kotse. Wala rin siyang alam na lugar na pwede niyang puntahan. Hanggang sa pumasok sa isipan niya si Vivoree.

“Oh, Charles?” Pagkakita ng dalaga kay CK ay nagulat ito ng bigla na lang siyang salubungin ng mahigpit na yakap. Nandito sila ngayon sa malapit na park sa bahay ampunan. “Uy, okay ka lang ba?” Nag-aalala niyang tanong sa binata.

Hindi sumasagot si CK. Nanatiling nakasubsob ang mukha niya sa balikat ng dalaga at mahigpit na nakapaikot ang mga bisig niya sa beywang nito.

“Charles, pinag-aalala mo naman ako e. Ano ba nangyayari?”

Wala pa ring imik si CK. Ganoon pa rin ang posisyon nilang dalawa. Malamig na simoy ng hangin ang dumadampi sa mga balat nila pero hindi nila nararamdaman ang lamig dahil sa init ng kanilang mga yakap.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon