SH | 39

666 15 23
                                    


Third Person's POV


“At saan ka na naman galing?” Ito ang bungad na tanong ni Chienna pagkakita niya kay CK na halos kasing-lamya na ng lantang gulay ang katawan. Mababakas sa mukha nito ang pagod, at sa mga mata niya ang sakit. “You left me in the middle of the party, of our engagement party to be exact!”

Walang kibo si CK. Hindi niya man lang nagawang tignan si Chienna. Ang tanging naaalala niya lang ay paulit-ulit na pag-iyak ni Vivoree. Ang naririnig niya lang ay ang mga salitang lumabas sa bibig nito, mga salita ng galit na nararamdaman niya.

“CK! What? Ano ba nangyayari? Saan ka ba galing? Kanina ka pa sakin hinahanap ng daddy mo and don't have any idea kung ano isasagot ko sa kanya. There are some investors din kaya na gusto tayo ma-meet but we've lost that opportunity because of you—”

Hindi na natapos ni Chienna ang kanyang panenermon kay CK dahil sa biglaang pagsasalita nito. “She told me to stay away.” He said in a very low voice. Kapansin-pansin ang lungkot at sakit sa boses niya. At hindi naman iyon nakatakas sa pandinig ni Chienna. Simula ng dumating si CK ay alam na niyang may kakaiba dito.

Chienna bit her lower lips. “So, galing ka ng Zambales?” Nagtaas siya ng boses, pero hindi pa rin kinakikitaan ng pagbabago sa reaksyon ang binata. “Umalis ka ng party natin just to get there? Hanggang engagement party ba naman natin, pinagpapalit mo ko sa Vivoree na yun?”

“She pushed me away...” This time, a tear fell from his eyes.

Chienna rolled ber eyes. “See? Tinutulak ka niya palayo because she doesn't need you anymore. Ginagamit ka lang naman niya, e. At ikaw naman, nagpapagamit ka.”

“I love her. And I still do.” Halos pabulong na ang mga huling salita na binigkas ni CK. Hindi naman ito ganon kahina upang hindi marinig ni Chienna.

“What about me, CK? I love you, and I always do. Pero binabalewala mo lang ako. Pero kahit ganon, pinagtulakan ba kita palayo? No. Never.”

CK carefully turned his gaze to Chienna. Pinagmasdan nito ang kamay ng dalaga na nakahawak sa braso niya. From the very beginning, it's Chienna who's always been there for him. Tama siya, kahit pa ilang beses niyang ipamukha dito na si Vivoree ang mahal niya, hindi naman ito nawala sa tabi niya. Nandyan pa rin si Chienna at pilit na minamahal siya.

“I never not love you. Pero ikaw, you keep on insisting na si Vivoree ang mahal mo. You know how frustrating it is for me? Do you know how painful it is?”

Matamlay ang mga mata ni CK na tinignan ang halos naiiyak na si Chienna. He gently carress her face. Inch by inch, he's moving closer. Palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ng dalaga.

Chienna closed her eyes, expecting for a kiss. And yes, CK kissed her. Hinalikan siya nito sa pisngi. “I'm sorry.” Iyon ang huling salitan na binitawan ng binata bago ito tuluyang umalis sa harapan niya ng wala man lang kahit na anong paalam.

“Argh!” So sobrang inis ni Chienna ay pinagbabasag niya ang mga figurine sa lamesa. At dahil sa nakagawa siya ng ingay ay napasugod sa loob ang ama ni CK.

“Chienna, what happened? Anong kalokohan na naman ba ang ginawa ng anak ko?” He asked.

Nakakuha na ng tiyempo si Chienna para magpaawa. Kung hindi niya magawang makuha si CK sa mga paiyak-iyak niya, she'll make sure na tatalab ito sa ama ng binata.

“Tito,” she said between sobs. “Tito lagi na lang ba kaming ganito? We're not yet married pero niloloko na niya ako.”

Napakuyom sa kanyang kamao ang ama ni CK dahil sa mga narinig kay Chienna. “What do you mean, hija?”

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon