Third Person's POVPinagtipon-tipon na ni Tin ang mga kapwa empleyado upang simulan na nila ang kanilang team building na siya namang sadya talaga nila sa lugar na ito.
“Okay, so go to your respective teams and I will explain the mechanics of our first game.”
Agad namang sinunod ng lahat si Tin at nagsama-sama na ang mga magkakateam.
“Uhm, miss Tin!” Nahihiyang nagtaas ng kamay si Hazel, isa sa empleyado ng department ng CK. “Wala pa po kasi si Niña.” Anito.
Nang marinig iyon ni CK ay agad na inikot ng paningin niya ang buong paligid at doon napagtantong wala nga si Niña. Kanina lang ay kasama niya ito, paanong nawala ito sa paningin niya? Palihim niyang pagalit sa sarili.
“Does anyone saw her?” Tanong niya. Lahat naman ay nagsipag-ilingan bilang sagot na hindi nila nakita ang nawawalang si Niña.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap ay ang pagdating ni Ryle na walang kaalam-alam sa kung ano ang pinag-uusapan nina CK at ng iba pang mga kasama. “Oh, start na ba? Sorry I'm late!” Masigla niyang sabi at masaya pang tumabi kay Mari at binaling ang ulo sa balikat ng dalaga.
“Ryle, have you seen Niña?” Seryosong tanong ni CK.
At ngayon pa lamang napagtanto ni Ryle na napansin na ng lahat ang biglang pagkawala ni Niña. Mabuti na lamang at habang naglalakad siya pabalik ay napag-planuhan na niya kung ano ang gagawin at sasabihin niya kapag may magtatanong tungkol kay Niña.
“Uh, si Niña, pinauwi ko na siya—”
CK cut him off. “What? Anong pinauwi? Are you out of your mind?” Sigaw nito. Makikita sa mga mata niya ang labis na galit sa kaibigan.
“Kie, she's not feeling well. Mas makakabuti para sa kanya kung uuwi na siya kaya pinasundo ko na siya sa ate niya.” He explained.
Pero mas lalo lamang sumiklab ang galit sa mga mata ni CK sa narinig mula kay Ryle. “Pinauwi? Pinasundo? Ryle, kung talagang masama ang pakiramdam niya at concern ka sa kanya, sana pinaalam mo muna sakin dahil ako ang boss dito. Responsibility ko ang bawat empleyado ko. At isa pa, paano ka nakakasiguro na mabuting tao yung sumundo sa kanya ha?”
Ang bawat isa ay nakaabang lang sa isasagot ni Ryle. Walang gustong makialam dahil walang gustong makisali sa galit ni CK. They don't want to mess with CK's monster.
“And what do you think of me? Na hahayaan ko na may mangyaring masama kay Niña? Hindi naman ako tanga para basta ipamigay siya sa kung sino. Alam kong ate niya yung sumundo sa kanya, okay?” Muling esplika ni Ryle. Ngunit kahit na anong pagpapaliwanag ang gawin ni Ryle ay walang balak si CK na maniwala sa kanya. “She's safe with her ate.” He said with full of sincerity.
Hindi niya kailanman sasabihin kay CK o sa kahit sino sa mga kaibigan niya ang totoong nangyari. Hindi niya ipapaalam na si Vitto ang tinawagan niya para sumundo sa dalaga. Hindi siya gagawa ng bagay na ikagugulo lang ng mga pangyayari. At kahit ang tanging pagsisisnungaling ang nag-iisang paraan para manatiling maayos ang lahat, gagawin niya. He's that desperate to protect Niña and her real identity.
-*
“Vitts, ano balak mo ngayon? San natin dadalhin si Niña?” Nag-aalalang tanong ni Wilbert habang tinutulungan ang kaibigan na isakay si Niña sa kotseng pinadala nila kanina bago umalis na sakay ng private plane nina Kid. “Dapat ba natin dalhin sa ospital si Niña?” Dagdag nitong tanong.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."