Third Person's POV
"V..."
Nang muling magtama ang kanilang mga mata ay nanumbalik ang lahat ng lakas ni CK. Sa mga mata ng dalaga ay nakita niya ang pag-asa. Ang kaninang nanghihina niyang katawan ay napuno na muli ng lakas. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. Hindi siya nananaginip. Hindi ito dulot ng kalasingan. Totoong nasa harap niya ngayon ang babaeng mahal niya.
Isang malaking ngiti ang sumilay sa mukha ni CK. "V," Wala siyang masabi na kahit ano. Nag-uumapaw ang kaligayahan niya na nandito ngayon si Vivoree sa harap niya.
"Charles..." Simpleng ngiti lamang ang naiganti ni Vivoree. At sa likod ng mga ngiti na iyon ang lungkot niya. At ang sakit na nararamdaman niya.
Tinahak ni CK ang natitirang espasyo sa kanilang dalawa ni Vivoree. Niyakap niya nang mahigpit ang dalaga. Siniguro niya na sa higpit ng mga yakap niya ay hindi na makakatakas at makakawala si Vivoree sa kanya.
Akma na sanang lalapitan ni JC ang dalawa ngunit agad siyang naagapan ni Vitto. "Brad, kung pwede, wag kang umepal ngayong gabi." Anito sa seryosong boses. Napabuntong-hininga na lamang si JC at hinayaan na lang ang dalawa dahil malakas ang tiwala niya na hindi sasama si Vivoree kay CK dahil sa kanilang kasunduan.
"V, wag mo na kong iiwan ulit. Please," Parang batang nagsusumamo si CK sa dalaga habang mahigpit pa ring nakayakap dito. "Hindi ko kayang wala ka."
Dahan-dahang humiwalay sa pagkakayakap si Vivoree. Gamit ang kanyang kamay ay dahan-dahan at marahan niyang hinaplos ang mukha ng binata. Mayroong kinuha si Vivoree sa kanyang bag at inilatag iyon sa kamay ni CK. "Gamutin mo yung sugat mo. Tapos, gamitin mo to para takpan yung mga pasa mo." Ang tinutukoy niya ay ang concealer na binigay niya sa binata.
Napangiti ang binata. Umiling-iling ito. "No, it's your job, diba? Naalala mo, ikaw ang naglalagay nito sakin?" Nakangiting paalala nito sa dalaga.
Napapikit si Vivoree at muling nanumbalik sa kanya ang alaala nila ni CK. Ang mga asaran nilang dalawa, ang mga tawanan nila. Lahat.
Vivoree gently cupped CK's face. "Pasensya ka na. Pero hindi ko na kayang gawin yun. Hindi ko na pwedeng gawin yon, CK." Halos mabilaukan sa kanyang sariling laway si Vivoree nang banggitin niya ang pangalan ng binata.
Habang si CK naman ay nanlaki ang mata matapos marinig ang tinuran ni Vivoree. Bakit siya nito tinawag na CK? Is she finally cutting their relationship? Charles. Charles lang ang tawag sa kanya nito mula noong naging sila. Siya lang ang hinahayaan niyang tumawag sa kanya noon. And now, she's calling him CK. Nothing special anymore.
"Ayokong mahirapan ka pa. Kaya ginagawa ko ito." Panimula ni Vivoree. Napupuno na ng luha ang kanyang mga mata at kahit anong pigil niya dito ay kusa pa rin silang nag-uunahan sa pagtulo. "I'm..."
"V, no. Hindi mo gagawin to. Hindi mo sasabihin yan. No. Hindi."
Marahas na napapikit si Vivoree. Ayaw niyang makita ang mukha ni CK na ganito kalungkot. Gusto niyang maalala lang ang lahat ng masasayang pinagsamahan nila. Ang tanging gusto niya lang na tumatak sa isipan niya ay ang mga ngiti nito.
"I'm breaking up with you." Vivoree said with finality on her tone.
A tear, agin, fell from CK's eyes. He cupped her face and leaned his forehead to Vivoree's. "Mahal na mahal kita. Wag mo naman gawin sakin 'to."
"CK, kung mahal mo ko, papakawalan mo ako. Rerespetuhin mo ang desisyon ko."
Sa mga oras na ito ay pinilit ni Vivoree na maging matapang. Oo, umaasa siya na ipaglalaban siya ni CK, pero nang marinig niya kanina na gusto na nitong sumuko sa kanya, naisip niya na siya na mismo ang gagawa ng paraan para hindi na mahirapan ang binata.
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."