SH | 41

634 13 36
                                    

Charles Kieron's POV

“Didn't I tell you to revise this?” Padabog kong ibinagsak sa lamesa ang mga papel na hawak ko. “Where's the revision here?” O asked impatiently. I turned my head slightly for a second and pinch the bridge of my nose. I'm losing my control again and I hate this. I hate how I easily get mad over small things and I can't help it!

“S-sir, that's the revise—”

I looked at him for a second before I declared, “You're fired!”

Tinalikuran ko na siya. Ang aga-aga lalo lang sumasakit ang ulo ko sa katangahan ng mga empleyado ko. Nakakapang-init ng dugo. Hindi ba sila nakapag-aral? Tss.

“Po? Sir, please! Hindi po ako pwedeng mawalan ng trabaho.” Hinabol niya ako at hinawakan sa braso. “Sa akin lang po umaasa ang pamilya ko. May kapatid po akong pinag-aaral.” Bumalik siya sa may lamesa ko at isa-isang pinulot ang mga papel. “Uulitin ko na lang po—” Muli niya akong hinawakan sa braso.

Tinanggal ko agad ang kamay niya sa braso ko. “Don't let me call the security for you.” I said firmly, but instead of getting out of my sight, he kneeled down.

“Sir, bigyan niyo po ako ng isa pang chance. Pagbubutihin ko na po talaga. Aayusin ko na po yung reports ko, wag niyo lang ako tanggalan ng trabaho.”

“Ganon ba kahirap intindihin ang sinabi ko? You are fired! Get out of my sight!”

Nakakairita lang talaga ang mga taong hindi marunong makaintindi. I can't tell kung nahihirapan ba silang intindihin ang mga sinasabi ko o sadyang tanga lang talaga sila at walang alam sa mundong ginagalawan nila.

Tinignan ko ang lalaking kasalukuyang nakaluhod sa harapan ko, “Napakababa mo. Lumuluhod ka sakin para lang sa trabaho mo? Wala ka na bang natitirang pride sa sarili?” Napailing-iling ako.

Hindi ka dapat nagmamakaawa para sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Isang bagay na minsan mo lang gagawin pero wala namang patutunguhan. Paano siya nakakasiguro na kapag lumuhod siya sa harap ko, babawiin ko ang mga sinabi ko kanina. Mga hindi nag-iisip. Walang utak.

“Alang-alang po sa pamilya ko, kaya ko pong magpakababa. Hindi naman po makakain ng pamilya ko ang pride na sinasabi niyo. Kaya paraa saan pa?”

Pamilya.

I chose to close my eyes bago ko pa maisipan na bawiin ang mga sinabi ko. “That won't change my decision.”

“Tama nga ang sinasabi nila, wala kayong puso! Hindi kayo marunong maawa. Palibhasa, maganda ang buhay niyo. Nakakakain kayo ng higit sa tatlong beses sa isang araw, marami kayong pera at pwede niyong bilhin lahat ng gusto niyo. Hindi niyo naiintindihan ang hirap ng isang katulad ko. Ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko. Pinag-iipunan ko na rin ang panganganak ng girlfriend ko. Pero dahil hindi niyo alam ang ganong pakiramdam, hindi niyo ko maiintindihan.” I heard his fading footsteps before hearing the door closed.

“You don't know a single thing.” Bulong ko sa sarili.

Wala silang alam sa pinagdaanan ko. Wala silang alam kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay, ang mawala sayo ang babaeng pinangarap mong makasama sa buong buhay mo. Kung siguro naging matapang lang ako noon para ipaglaban siya kay daddy, hindi siya mawawala sa'kin. Sana kasama ko pa rin siya hanggang ngayon. Hindi sana naging miserable ang buhay ko.

Don't you miss me, V? Masaya ka na ba dyan? Kasi ako, ikaw pa rin ang lagi kong iniisip.

Nahagip ng mata ko ang picture niya na nasa table ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan. I miss her smile, her laugh, and I miss how her eyes twinkle every time na may sasabihin akong pick-up line sa kanya na kahit hindi niya aminin na kinikilig siya, nakikita ko naman sa mga mata niya. She may not be here physically but she never left my heart. Siya lang naman ang laman nito mula noon hanggang ngayon. Pero alam ko naman na kahit pagbali-baliktarin ko man ang mundo... she would never come back. And that's the painful truth that I can't accept.

Secret HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon