Third Person's POV
Everyone's preparing for their practical exam to be held at the campus' multipurpose hall. Bawat grupo ay may kanya-kanyang paraan ng paghahanda. Ang ilan ay hindi na mapakali dahil sa kaba na nararamdaman. Ito kasi ang kauna-unahang pagtatanghal na gagawin nila na mapapanuod ng halos buong university. They will showcase their talent in front of everyone's eyes.
“Guys,” Ani Kate. Kanina pa rin siya hindi mapakali. Naghahalo ang kaba at excitement sa puso niya. She loves performing. Pero hindi pa rin nawawala sa kanya ang kabahan. “Dun sa kanta niyo, JC and Vive, wag na wag na wag na wag niyong kakalimutan yung ano, yung eye contact. Okay? Importante yun. Kailangan maramdaman ng manunuod yung kilig.” Tuloy-tuloy na paalala ni Kate sa dalawa.
Vitto shook his head and smirked. “Kate, kung kilig pala ang gusto mong iparamdam sa kanila,” he's referring to their schoolmates na isa-isa na ring naghahanap ng mauupuan. “Edi sana, kami na lang ni Vivoree pinag-duet mo. Actually, magtabi nga lang kami may kilig na e.” Lumapit ito kay Vivoree at inakbayan ang dalaga. He even lean his head closer to Vivoree's. “See? Tsk.”
Napailing na lamang si Kate dahil sa mga pinaggagawa ni Vitto. At kahit papaano ay nawala ang kanyang kaba.
Sa kabilang grupo naman, sina Chienna, Mikee, CK at Rayt, ay kampante lang na nakaupo sa kanilang mga pwesto. Walang bahid ng kaba sa mukha ng dalawang dalaga samantalang si CK naman ay nakatuon lang ang atensyon kay Vivoree na ngayon ay masayang nakikipag-usap kina Kate, Vitto at JC na kanyang mga kagrupo.
“Brad, matunaw naman yan.” Pang-aasar pa ni Rayt. Sandali itong tumigil sa paglalaro sa kanyang cellphone upang tignan din ang tinitignan ni CK. And there he saw, Vitto leaning closer to Vivoree. “Inch by inch they're moving closer...” Maya-maya ay bigla itong kumanta at pinalitan pa ang isang salita sa mismong kanta.
Sinamaan lang ni CK ng tingin itong si Rayt kaya tumigil na ito sa pagkanta.
“Natatandaan mo ba yung babae na sinasabi ni Vitto sa atin? Ano na nangyari don?” Biglaang tanong ni CK na ikinagulat naman ni Rayt. Ngayon na lang ulit nila naungkat ang topic na iyon. Maging si Vitto ay wala na ring nababanggit tungkol dito. “Wala na ba? Sinukuan na ba siya ni Vitto?”
Nagkibit-balikat si Rayt bilang paunang sagot. “Ewan ko. Pero, si Vitto, susuko?” Umiling-iling pa ito. “Kilala natin siya. Kapag may gusto yon, hindi pwedeng hindi niya makuha. Siguro, sa ngayon, gumagawa na siya ng paraan para makita ulit yung babae sa bookstore.”
May biglang lumiwanag sa utak ng binata. Nilapit niya ang kanyang ulo sa tainga ni Rayt. “Let's help him.”
“Huh?” Puno ng pagtatakang tanong ni Rayt. Naisip niya, bakit biglang iisipin ni CK na hanapin ang babaeng nagugustuhan ni Vitto. And then, later on, he realized. “I knew it! Kaya mo gustong hanapin yung babae na yun kasi,” Nilingon ni Rayt ang pwesto nina Vivoree at Vitto. “Nagseselos ka ba kay Vitto?”
Hindi kaagad nakasagot si CK. He was taken aback. Para siyang naubusan ng salita. Natuyuan ng laway. Nawalan ng boses.
Hindi na siya nakasagot pa hanggang sa tawagin na silang lahat sa gitna para simulan ang kanilang performance. “Is everybody all right?” Tanong ng kanilang professor. Nagsitanguan naman ang lahat bilang sagot na handa na sila kahit pa kakikitaan pa rin ng kaba ang ilan. “Let's have draw lots. Is that fair with everyone?”
Chienna raised her right hand. “Ma'am, mag-volunteer na po kami ng group ko.” She announced. Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nina CK at Rayt. Oo handa na sila, pero bakit kailangan pa nilang mauna. “We're ready.”
BINABASA MO ANG
Secret Heartbeats
Short Story"I'm your other half. I'll carry your heartbeat in mine."