Chapter 14: back together

187 6 10
                                    

JUN POV

Dapat tutulungan ko si mj pero nauna ang tawa ko sakaniya nasa corridor kami at nangibabaw ang hagulgol niya sa corridor kaya nakakatawa.

Atsaka ngayon ko nalang siya ulit nakita na umiyak. Nahawa nadin sakin sila joethane kaya tumawa nadin sila.

"B-bakit kayo t-tumatawa?! Huhu.." sabi niya na nakaupo na parang natatae haha.

"Tumayo ka na nga jan." Sabi ni via at inilahad niya ang kamay niya para maabot ni mj. "Yuckk! Basa kamay mooo!" Sabi niya.

"Natural! Vittoria anong gusto mo tuyo ang luha niya?" Pilosopong sabi ni joethane sabay iling.

"Namiss ko kayo!" Agad niyang niyakap si vittoria at dama mo sakaniya na sobrang miss niya nga kami.

Lahat na kami nag group hug. "Sabi sainyo eh." Sabi ni michelle na tumaas taas pa ang kilay. Edi siya na magaling.

"Ikaw na mich!" Sabi ni via sabay turo sakaniya.

"Ako na talaga!" Proud na sinabi ni mich sabay hawak sakanyang dibdib.

Niyakap niya na yung lima na yun at pagdating sakin batok! Kaya ginantihan ko din siya wahaha!

"Ouch.." hinimas himas pa niya ang ulo niya haha!

"Guys kailangan ko na ulit bumalik sa campus Kailangan kong malaman kung sino ang panalo! Sige bye!" Tumalikod na siya samin at iniwan kaming lima.

"We all have to go." Sabi ni thea sabay hila kay michelle na nanggigigil haha.

"Mamaya nalang tayo mag celebrate ah!" Sabi ni Jenny at pumunta na sa room niya ito naman si joethane di ko alam kung anong balak.

"So tayong tatlo ang naiwan kaya pumunta tayong cafeteria." Agad ba naman kami hinila dalawa.

"Taena! hindi ka ba papasok?" Sabi ko sakaniya.

"Halata naman jun diba? Kaya wag ka nang mag tanong." Tapos inirapan ako nitong si joethane tss pag ako ginantihan ko siya ha! Humanda lang yang babaitang yan.

"Shut up!" Umupo na siya at sabay kami ni joethane umupo. "May naaalala ba kayo the next day after tomorrow?" Nagkatinginan kami ni joethane at sabay na umiling.

"Teka nga wala akong pake kung anong meron sa saturday." Sabay irap nanaman nakakadami na itong babaeng 'to.

"Really? Haha! Birthday lang naman ni rovic." Agad na nanlaki ang mata nitong si joethane tapos unti unting lumiliit naman. "At balak kong umalis tayo gala syempre ano?"

"Gala saan naman pupunta?" Tanong ni joethane.

"Yun na nga eh iniisip pa." Inis na sinabi ko para kasing hindi nag iisip eh.

"How about food park? Or restaurant? Mag party tayo dun?" Natawa ako ng mahina sabay pektus kay mj. "Ouch!" Sobrang lakas!

"Ginagawa mo naman bata si rovic eh!" Sabay batok naman nitong si joethane haha!

"Ouch!" Sakit sa tenga! Mabuti nga di siya pumapatol eh.

"Atsaka puro ka nalang pagkain!" Pektus ulit haha!

"Ouchhhh! Argghh! Bakit kasi ako lang yung nag iisip?!" Agad niya naman kaming binatukan.

"Ito may naisip ako." Sabi ni joethane sabay hawi ng buhok. "Bat hindi nalang mag outing swimming kahit sa laguna lang. Alam ko naman magiging masaya na siya dun."

"That's great! I'm calling my bodyguard to reserve us a spot." Sabi ni mj sabay kuha ng phone sa bulsa niya at ayun tumawag na siya.

Ako kahit saan okay ako basta kasama at nababantayan ko si via.


_______________________
JENNY POV

Natapos na ang buong klase namin napaka haba naman at ang bagal ng oras grabe.

Naglalakad lang ako dito sa school at ang laki laki talaga nito baka malito ka lang kapag nandito ka eh.

Napatingin ako kung nasaan nako hindi ko inakala na nandito na pala ako sa tapat ng principal's office?

Ang layo naman ng narating ng paglalakad ko? Hindi ko manlang nafeel ang pagod ah?

Tinignan ko ang pinto at narinig kong may umiiyak? Hindi ko nadin napigilan ang makinig makulit ako eh.

"Wag po.. wag niyo po akong tanggalin dito.. parang awa niyo na po." Mukhang si grace yun ah?

"Sa nagawa mo ba satingin mo may awa pa ko sayo, grace?" Si principal bryan yun ah? "Hindi ako galit sayo galit ako sa ginawa mong yun. Plinano mong saktan ang taong mamahalin ka. At isa pa kahit anong mangyari bata parin kayo hindi dapat kayo gumagawa ng plano na makakasakit ng iba. Pero sa ginawa mo hindi ka lang nakasakit, nag mukha ka pang pera."

Wasak bruhh! Para siyang binagsakan ng langit at lupa aww..

"Please give me one more chance.. principal please.." pagmamakaawa niya.

"Sa teleserye lang may ganyan, grace. I'm sorry to say your scholarship ends here. You can find another school, you can fit with." Agad naman akong napa tago sa gilid nung narinig ko anh footsteps na palapit sa pinto.. baka makita ako lagot!

Sinarado ko ang mga mata ko nung marinig kong nag bukas ang pinto.

May narinig akong mga iyak at babaeng palayo na nakita ko siya at paalis na nga nakahinga naman ako.

Pero pagkatingin ko sa harap ko may ipis! "Wahhhhh!" Sobrang lakas ng boses ko, I mean tili! Wahhh!

Kulay brown na brown na ipis! Eww! "Wahhhhh! May ipis may ipis-" agad akong napatigil nung may tumapak nito.

Agad akong nakahinga, relief.. pero pagtingin ko kung sino umapak nanlaki ang mata ko huhu..

"Oh jenny bakit ka nandito?" Si principal..

"Ah maglalakad na nga ako eh.." sana maniwala.. "Sige po aalis n-nako.." ngumiti ako at paalis na sana ng tawagin niya ulit ako.

"Jenny, Kung nagalit man kayo kay mj sana mawala na yun. Ginawa niya yun para sainyo, at sana maintindihan niyo." Nakita ko siyang ngumiti at pumasok na sa principals office.

Hindi naman ako masyadong nagalit kay mj, slight lang hehe.. biglaan naman kasi eh.


Kaibigan parin ang turing ko sakaniya. Never ever, will that change.

Barkada  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon