Chapter 11: iba na

179 6 23
                                    

JENNY POV

Nagulat ako ng sobra, nung tamaan si via ng bola, sobrang lakas nun makikita mong nahilo talaga siya at nasaktan.

"Dalin niyo siya sa clinic!" Sigaw ko sakanila. "Dalin niyo na siya!" Sigaw ko pa. "Ano ba dalin niyo na siya sa clinic! Ano hihintayin niyo ba siyang mamatay jan?!"

"Mamatay agad? Di ba pwedeng nahilo lang?" Sabi nitong si joethane.

"Edi hihintayin niyo ba siyang mahilo?!"

"Mahilo agad? Diba pwedeng morge muna?"

"Joethane kung buhatin niyo na siya?!" Sigaw ko pa sakanila nababaliw na ko sakanila eh.

"C'mon! Jenny if you help us with her?!" Ayan ako pa napagalitan ni couch! Ano bayan!

Bago ko sundin yun nakita ko si mj na parang walang pake, I mean kinakausap niya lang naman yung friend niya na ata si grace? Hay nako!

Pinunta na namin si vittoria sa clinic and goodnews naman pahinga lang ang kailangan niya nakadilat nadin ang mga mata niya ngayon okay na.

"Anong nangyari?!" Bigla nalang akong naitulak ni jun dahil nagaalala nanaman ang lover boy sa crush niya.

Walang nakasagot sa tanong niya kahit si vittoria eh. "Ano?! Puta?!" Nakaramdam kami ng pressure jusko!

"Natamaan siya ng bola ni mj. siguro hindi naman yun sadya dahil hindi niya naman makakayanan na  saktan si vi-" naputol ang sasabiin ni thea dahil sumugod na agad itong si jun palabas.

"Teka! Jun! Please!" Itong si via napasugod kaya nagkatinginan kaming lima at sumunod na kami alam na namin ang gagawin ni Jun! Kaloka!

Pumunta ulit kaming campus kung saan nandun sila couch at nag pra-practice parin sila.

Agad na hinarap ni jun si mj at ang itsura ni mj nagulat sa ginawa ni jun, syempre kalalaking tao eh?

"Anong problema mo?! Nakakasakit ka na ng tao ah!" Ang lakas ng boses ni Jun hindi mo aakalain na ganyan siya kung magalit.

"Bakit kelan ba kita sinaktan?" Palaban na sinabi ni mj. Nakakapanibago siya sa mga ginagawa niya ngayon tss.

"Hindi ako, kung hindi ang pinaka close mong kaibigan!" Tumingin sa likod si mj at mukhang tinignan niya si grace.

"Ayos lang naman si grace ah?" Nanlaki lahat ng mata namin sama mo na brain cells kong pwede nang pumutok.

The heck happened to the world?! "A-ano?" Nauutal na tinanong ni via.

"Sabi ko okay lang s-si grace." May onting gulo sa boses niya, pero makikita mo sa mukha niya ang walang emosyon.

"Narinig niyo naman ang sinabi ni mj it's clear that she has a new friend." Madiin na sinabi ni donna ang new friend.

"Rovic sumama ka na samin." Aya sakaniya ni grace.

"Ano iiwan niyo nalang ba kami? Ha?" Onti nalang luluha na si michelle.

"Baka nga ganon na ang mangyayari." Nagulat nanaman kami sa sinabi ni mj.

"Ano kayo nag papakasarap tapos kami nag durusa?!" Agad na sinabi ni via.

"Hindi naman ako clown para pasayahin kayo, hindi din ako joker para mapatawa ko kayo." Tumalikod na siya samin.

"Ano tatalikuran mo nalang ba yung mga memories natin?!" Sabi ko sakaniya sabay tingin niya sa likod.

"Pwede naman isipin yun, walang problema." Ang tigas tigas niyang tao! Para siyang semento.

"Bakit mo ba kami ginaganyan?! Kayong dalawa?!" Sabi ni thea sabay hawak sa buhok niya.

"Sasama lang ako kanila grace babalik din ako." Paliwanag ni rovic samin anim.

Huminga ng malalim si mj. " Para saatin din ito, better shut up and stop being a child. Malalaki na tayo, we should take decisions in our own lives." Sa sinabi niyang yun napanganga nanaman ako.

"Nagbago ka na talaga!" Biglang sigaw ni joethane sabay lapit at hinarap niya si mj sabay sinampal lahat kami dito state of shock!

Nakita ko sa mukha ni mj ang ngisi at tumango tango siya kay joethane. "I may deserve that, pero alalahanin mo you don't have the right to slap me." Diniin niya ang salitang you don't.

Umalis na sila at sa gulat namin hindi pumatol si mj. Sa lahat kasi ng nakakaaway niya lahat ng yun pinapatulan niya.

*****
MICHELLE POV

Sa lahat ng nangyari kanina nag palamig lang kami sa mall ngayon. Mabuti at pinayagan kami nung tito ni mj.

At wala munang p.e ngayon.. next week nalang daw sabi nung couch namin sa tennis pati din sa volleyball, all sports wala muna.

Dahil sa nangyari. I'm so worried. Saamin anim ako parin ang may hope na babalik parin si mj at maaayos na ang lahat.

I have a big feeling na ganon ang mangyayari. Nasa milktea shop kami inorder ko ang wintermelon at pearls ang sangkap nito. "Nagbago na siya." Agad na sinabi ni via sabay inom.

"Tanggapin nalang siguro natin." Sabi ni thea.

"Hello? Sana lakasan niyo ang buong hope niyo na maayos pa ito?!" Tinignan nila ako at umiling lang yung iba.

"Wala nang hope sa panahon ngayon michelle, real life ito. Not a story na pwede mo bagu-baguhin." Lahat kami napatingin kay joethane.

"May point si joethane, michelle. Wake up. This is not a movie na laging may happy ending." Natigilan si joethane sa pagsipsip ng milktea niya.

"Wait, story and movie? Parehas lang eh?" Sabi niya kay Jenny at ito naman si Jenny nag thumbs up.

"Similarity lang nila ay pwedeng happy ending or sad ending, right." Tumango tango nalang kami sakaniya di ko siya ma-gets minsan.

"Basta ramdam ko talagang iba na siya." Sabi ni jun. "Tang*na nga lang kapag nagkatotoo yan hinding hindi ko siya mapapatawad." Sabay alis niya at lahat kami dito ay natahimik.

May malakas parin akong feeling na babalik kaming lahat sa dati, yung masaya..

****
THIRD PERSON POV

Ngayon nasa isang kwarto si mj puno ng luha ang kanyang mukha, Hindi niya Kaya ang sitwasyon na ito, ang ginagawa niya.

"Gusto ko lang naman maayos na agad ito.." Sabi niya sa kanyang sarili. "Ginagawa ko ito para sa'amin.. pero they get me wrong, kailangan ko nalang maging malakas sa lahat ng ibabato nilang masasakit na salita saakin, mj you need to be strong. Kahit akala nila tinatalikuran mo na sila.."

---
A/N:

Ginanahan ako. At badnews nga lang na sa Monday may test nako baka hindi nako maka update sa tuesday. Baka Lang naman! Sana maka update pa.

- emjay

Barkada  [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon