ROVIC POV
Masaya akong buong barkada makakapunta sa espesyal na araw na 'yon.. hay.. at nga pala bati na din kami ni Jun actually matagal tagal na ngayon ko lang nasabi sa'inyo dahil mas inaalagaan ko si Sophia haha!
Nagtagal lang ng isang araw tapos nag sorry kami sa Isa't Isa tanggap naman namin ang mga mali nami dalawa masyado lang talaga naunahan ng galit ang awayan namin actually tampuhan lang naman eh naging bugbugan din haha!
Atsaka siya tinanggap niya na hindi talaga ako ang may kasalanan kay Hani sa pagsuka niya pero mabalik sa usapan masaya talaga ako di ko lang talaga maexplain kung paano ko nararamdaman ang hirap eh atsaka I'm not used to it.
May kaba akong nararamdaman sa dibdib para bang ito na wala na'ng urungan.. sobrang halaga nitong araw na ito para sa'amin dalawa ni Sophia.. kinakabahan talaga ako amp parang ngayon lang ako nakaranas ng ganitong kaba sa dibdib.
Three na ng madaling araw at ngayon ang flight namin.. actually the next day after tomorrow pa ang wedding namin eh advance lang kami magisip kaya nag desisyon kaming ngayon na'ng madaling araw ang lipad namin papuntang Los Angeles exciting nga eh!
"Pupunta na tayong Los Angeles! Wahhh!" Sigaw pa ni Sophia at tinayo niya na ang maleta niya na mukhang ready na siya sa susunod na bukas pero bakas padin ang pagkasaya at pagkakaba niya sa itsura niya palang halata na eh.
Kaya naman kasi kami maaga aalis kasi bukas aalis nadin ang mga guest namin, so may schedule kasi 'yung flight, gabi na para pagpunta nila du'n sa Los Angeles umaga na hindi ba?
At kapag dumating na sila sa Los Angeles may isang araw sila na pahinga at the next day ayun wedding na! "Hay.. hinihintay ko nalang maging mrs. Garcia ka.." Sabi ko kay Sophia at tinignan niya ko at ngumiti siya ng napaka sweet na parang lalanggamin na ko!
"Oo nga eh! Napaka saya siguro.." Sabi niya at mukhang iniimagine niya pa 'yung mga pwedeng mangyari sa'amin dalawa nako ang sweet naman nitong babaeng 'to sarap kurutin eh pero walang lasa!
"Tapos pagkatapos ng reception.. honeymoon hehe- aray!" Binato niya ko ng teddy bear kaya ayun napahawak ako sa noo ko kung saan tumama 'yung stuff toy tapos ang sama sama ng tingin niya sa'kin ano bang masama kong ginawa sa kaniya puro pagmamahal lang naman ah?!
"Ikaw talaga Rovic napaka green mo! Nako nako!" Natawa nalang ako sa reaksyon niya sa sinabi ko kinikilig din naman siya nako! Aminin din! "Tara na at baka malate pa tayo." Pagbaba namin nakita ko si tita Joy at si Mama ko? Oo nga mama ko nga may sinabi ba kong mama ng iba?!
"Nako! Aalis na ang soon to be mrs. Garcia and Mr. Garcia!" Sabi ni Mama ko kaya naman ngumiti ako sa kaniya namiss ko rin siya puro kasi barkada ang mga inatupag ko kaysa sa kaniya na pinalaki ako! Oh ba't ka nag dadrama jan? Di bagay! Hahaha! Joke Lang.
"Nako oo nga Lourdes! Excited nako!" Sabi naman ni tita Joy Kay mama ko. "Lalo na sa mga Apo natin!" Bigla naman kaming naubo ni Sophia sabay nga kami eh jusko naman nakakabigla naman sila di nalang kami nag complain ni Sophia sa kanila at nagtanong nalang si Sophia.
"Mom nasaan si daddy?" Tanong ni Sophia kay tita Joy sinisilip niya pa sa labas kung nanduon ba o wala nakita ko naman na wala ang papa niya.
"Ah nasa bahay syempre tulog!" Lahat kami nagtawanan sa tono ng boses ni tita Joy parang okay lang sa kaniya na tulog lang talaga ang asawa niya haha. "Ah Basta! Bukas na namin kayo makikita tapos wedding na ba?" Umiling ako Kay tita.
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019