ALTHEA POV
(After three days..)
Nakalipas ang tatlong araw ng buhay ko na walang arte at saya.. like I said I feel empty na para bang wala akong gana..
Siguro dala 'to ng mga nangyayari sa buhay ko, sa paligid ko.. ganon? I'm not sure.. nababawasan nadin ang pagka arte ko dahil nandito lang naman ako sa kwarto 'yung mga nakaraan na araw nag kulong lang ako dito..
Masyado akong nagiging pala-loob na, diba nga lagi kaming umaalis? But I choose to stay here in my room.
everything is fading..
Minsan wala na'ng oras 'yung iba, puro busy ang life katulad ni michelle na ngayon pwede nang magpakasal.
Si Jenny na tinuturuan pa ang mama ni caden at nasa ospital parin sila ngayon.
Si joethane naman sa career nakatutok pati din kay prince.
Si rovic, ayun may mga kaso na nasosolve niya, magaling naman din kasi siyang lawyer eh may mga ways siya na ang mga ibang abugado, wala.
"Theaaa!" Bigla nalang akong nagulat at napatalon nakita ko ang napaka daldal na si vittoria. "I miss you! Ba't hindi ka na lumalabas Jan, sabi ng mga maids?" Napaka daldal talaga ng mga maids namin.
"Huh? Ewan I don't know?" Nakita ko ang nasa likod niya si dave?
"Anong nangyayari sa'yo? Pwede naman akong labasan ng sama ng loob eh?" Ang bilis niya talagang makahalata tss, bakit ganyan si vittoria?!
"Oy! Manalo tumayo ka nga Jan! Ano may sakit ka ba?" Sinamaan ko lang ng tingin si Dave kainis talaga siya.
"Tumahimik ka." Sabi ko sakaniya. "Lumabas ka nga muna pwede? Maguusap kami ni vittoria, alis." Utos ko sakaniya at pagtaboy ko.
"Mabuti nag download ako ng bagong laro ko, kung hindi baka manggulo ako. Eh Basta! Maglalaro muna ang legend!" Yabang naman akala niya talaga siya na ang legend eh.
Nung umalis na siya umupo sa ends ng kama ko si via. "Whats the prob?" Wow big word!
"Kasi eh.. nawalan nalang ako ng ganang lumabas.. uhm hindi lang lumabas I mean, lahat. Gusto ko nalang dito sa kwarto ko." Pagsimula ko sakaniya.
"Bakit ka nawawalan ng gana? Kelan nagsimula 'yan?" Napaisip ako nu'n at agad nalang pumatak sa utak ko.
"Ah.. nung pumunta ako kila dave, mukha kasing ayaw ako nu'ng mama at papa niya eh.. atsaka may engagement na mangyayari.." walang lakas na sinabi ko yumuko ako nu'n at pinipigilan na wag maluha.
"I smell fishy.. may nararamdaman ka bang kakaiba?" Tanong niya sa'kin kaya naman tinignan ko siya.
"Huh?"
"Simula nu'ng may engagement na mangyayari bigla ka nalang nawalan ng gana sa buhay 'no?" Tumango naman ako. "I think your jealous or something?"
Napataas naman ang kilay ko. "Althea you need to open up to dave, Hindi mo 'yun ikamamatay." Umiling ako. "Wag kang mahiya o matakot na mareject."
"Ano? Di naman ako 'yung manliligaw! Tss via naman!"
"Ay oo nga 'no? Sorry naman! Edi mag open up ka lang sakaniya ganon."
"Ang hirap eh. Madali lang para sayo sabiin 'yun dahil di naman ikaw ang nasa pwesto ko."
"Alam ko Kaya nga handa akong tulungan ka eh. I'm here for you thea. Remember your surname is manalo, Kaya wag kang mag papatalo sa challenge na ibinigay sa'yo ng panginoon, kaya mo 'yan, hindi ito ibibigay sa'yo ng panginoon kung hindi mo kaya. And.. everything happens for a reason!" Masaganang sinabi niya sa'kin nagawa ko nalang ang mag fake smile.
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019