(Babawi ako ng napaka masaya na chapter ngayon! Sana magustuhan niyo!)
MATTHEW POV
Hay nako nasa tagaytay kami ng ina at ama ko haha! Naiwan sa Metro Manila ang masungit na babaeng ‘yun kaya wag niyo na alalahanin pa.
Akala ko nga gusto sumama pero ngayon lang daw siya makakawala at magiging masaya asus! Pag nandun nga ako saka lang siya sumasaya.. sumasaya sa inis! At least nga nasisiyahan pa siyang mainis eh at least diba ayos lang haha.
Kasi naman kung layuan ako nu’n para akong may tigdas eh! Which is hindi naman nakakahawa tss atsaka ba’t ko naman hahawaan ang napaka put at kinis niyang balat? ‘Di ba?
Sadyang makulit lang ako masyado. “Pa! Pahintay naman lintek!” Paano kasi napaka bilis mag lakad ng mga magulang ko oh! Ako'y na pre-pressure din.. hay..
“Bilisan mo naman kasi maglakad.” Paano nasa damuhan kami? -_- napaka taas ng damo dito sa dinadaaanan namin eh.
“Saan naman kasing lupalop ng mundo tayo pupunta?” Tanong ko sa kanila at inaalis ang mga insektong dumadapo sa balat ko.
“Sa Lola mo di mo ba naaalala na dito ang daan? Nag taasan na nga ang mga damo dito oh.” Ay? Oo nga 'no? Ang daming nag babago eh.. grabe di mo na talaga mahahalata kung may nagbago ba o wala eh..
Maya maya rin pala ay uuwi nadin kami kaya naman magbabalik na ulit ang pagka sungit ng aking babae wahaha! Hay jusko handa nako sa mga sigaw at ang mga masasakit na kanyang sasabiin..
“Lola! Na miss kita!” Sa kulit ko agad ko nalang niyakap si Lola ko at bigla akong pinagpapalo sa likod. “Aray! Aray! Aray!” Sabi niya nung napahigpit ang yakap ko!
“Walang hiya ka! Jusmeyo kang lalaki ka! 90 years old nako at agad mo kong dinadaganan! Ano ako unan?” Nako nag biro pa kaso hindi bumenta sa'kin eh! Sayang naman pero ang cute ng Lola ko today she's with her red dress and a cute pony tail. Nagpapabata effect pa.
“Sorry namiss lang po talaga kita.” Napakamot ulo pa ko sabay talikod at natawa sa harap nila mama. Hahaha! Kasi naman di ko talaga mapipigilan ang pagtawa ko sa mukha ni Lola.
“Nako Matthew hirap na nga si mama dinadaganan mo pa.” Natatawang sinabi ni mama sabay beso sa nanay niya. Napaka close kaya nila dati kaya ayan sila ang binansagan na parang sister's.
Pumasok kami sa loob at sinalubong kami ng mga aso niyang askal at sobrang malalaki na at puro matataba na ah? Sigurado akong lagi sila pinapakain dito napaisip naman ako.. hmm... Ano kaya kung ako magkaroon din ng ganyan?
“Dog lover si Lola?” Tanong ko sa kaniya at tumango si papa. “Ah.. pwede kayang humingi?” Tanong ko ulit at tinaas ni papa ang kilay niya at may sinabi.
“Ask her.” Malaki ang ngiti ni papa kaya naman napaisip akong humingi ng aso ‘yung tipong magugustuhan ni mj wahaha! Surpresa nadin gusto ko talaga siya makitang magulat at mapapa buka ang bibig niya ng O size haha.
Nagkwento lang si Lola kung ano mga gusto nilang ipadagdag sa bahay nila at sa farm na balak nilang gawin sa likod ng bahay na 'to maganda din naman dahil sa malaki ang farm at maluwag ang pwedeng pagtaniman at mas maganda din ‘yun.
Malaki talaga ang bahay na 'to mas malaki pa sa bahay ko pero ayos nadin dito dahil dito malamig at cold- hahaha!
“Lola may mga cute ba kayong aso?” Nanguna kong tanong dahil dapat mag sasalita pa si lola hehe! Gusto ko na talagang malaman kung meron o wala eh.
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019