RICHARD POV
I'm here to do everything for the women who really cares for me.
Yung dati nasa kulungan ako we stayed strong, 'yung friendship namin, hindi siya sumuko at na patunayan niya pang wala talaga akong kasalanan sa mata ng batas.
Kahit ang hirap na'ng sitwasyon na pinagbabawalan na siyang lumapit, pumunta sa prisinto dahil sa'akin.
Pero she's still there. "Huh?" Naguguluhan niyang tinanong sa'kin siguro nabigla siya sa mga sinabi ko sa kaniya kaya naman napaiwas ako ng tingin.
"Dati hindi ka sumuko nu'ng nasa prisinto ako 'di ba, hindi ka nagsawang magdala ng pagkain, bumisita at magpakita sa'kin. You did that all just for me." I have a smile in my face.
Napaiwas siya ng tingin sa'kin. "Richard alam mo kasi.. dati may crush ako sa'yo." Straight to the point ah ngumiti nalang ako. "ayan na naamin ko na, Sana naman itong damdamin ko tumigil na. Hoo!"
"Mukha nga, halata naman eh." Sinundot ko pa ang tagiliran niya at para siyang nababaluktot na nakikiliti.
"Wag Jan! May kiliti ako." Sabi niya sa'kin at pinipigilan niya ang mga kamay kong sumusundot sa tagiliran niya.
"Pero ngayon.." tinignan niya ko at kumunot ang noo niya mukhang napaisip siya sa sinabi ko. Bakit Wala na ba ang nararamdaman niya?
"What about the now?" Tanong niya ulit na parang di niya na gets ang sinabi ko.
"Ngayon.. are you still feeling the same way?" Nahihiyang tinanong ko 'yun, umiwas siya ng tingin at huminga ng malalim.
Anak ng tao! Dapat di ko na tinanong jusko. huhu..
---
VITTORIA POV
I can't believe na tinanong niya 'yun.. "uhm.. pwede bang mag palamig muna ako?" Tumaas agad ang kilay niya sa'kin gusto ko lang muna makapagisip eh..
"M-may aircon naman ah?" Ay ang tanga ko! Oo nga pala nasa hotel kami.
"I mean magpahangin hehe.." napakamot siya sa ulo at hinarap niya ang kamay niya sa mukha ko.
"Wait lagyan ko lang ng bandage." Naglagay siya ng isang malaking bandage na may printouts pang teddy bear wow. "Ayan Sige Jan ka na sa balcony tumigil nadin ang ulan eh atsaka alangan lumabas ka pa ng hotel."
Naglakad ako papuntang balcony at nafeel ko naman ang malakas na paghampas ng hangin sa aking mukha.
It's full moon, inaalis ko na ang make-up ko madali lang naman na tanggalin eh. Nu'ng naalis na ay tinignan ko lang ang buong manila.
Bakit kaya ganon? Ang saya saya mabuhay pero ang daming pagsubok na onti nalang pwede ka na'ng mamatay.
Hays.. at meron naman na pagsubok na akala mo ito na tapos na ang lahat pero may manggugulo parin eh.
Ang gulo lang ni tadhana, sobrang gulo niya..
Di mo aakalain na may iba pala ang nakalaan sa'yo, Hindi 'yung kasama mo kung hindi isang ramdom person na makikilala mo nalang any moment or any time.
Ganyan kagulo si tadhana, masasaktan at masasaktan ka nalang ng sobra kapag 'yung tipong minahal mo na ng sobra 'yung tao pero wala na! Hindi siya ang nakalaan sa'yo!
Pero sa lahat ng sugat may paghihilam parin naman 'yan.. it just takes time..
Ngayon nag spoken word nako haha! Ang dami ko na'ng nasabi kaloka! Di ko na nga alam kung bakit ako nagiisip ng ganito eh.
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019