VITTORIA POV
Nasa hotel parin kami ni richard, hindi ko alam parang mas gusto kong mag stay dito ayoko na ngang pumunta kung saan saan pa eh. I feel safe here and cozy...
"Richard pupunta dito sila Mj at Joethane ah." Sabi ko sa kaniya at bahagya lang siyang tumango ano naman kaya ang nasa isip niya ngayon, habang nag huhugas ng kamay? Hm..
Gusto makita ni Mj at ni Joethane si Richard eh Malay ko ba du'n sa dalawang 'yun? Kasama din daw nila sila Prince at Matthew. Kaya I'm sure magiging maingay nanaman dito alam niyo naman yung mga love birds na 'yun eh. Sila pinaka maingay apat.
Siguro nga magkaka-gera na dito dahil sa dalawang taong ipinangalan nalang natin sa mj at matthew. Nako nakakabingi nanaman mamaya kaya ready your ears.
Sobra kasi kung maka away akala mo talaga madly in love eh! Haha! "Hello we're here!" Bigla nalang akong napatalon sa gulat na'ng makita ang apat. Nako unang pasok palang 'yan mga kabarkada at ganyan na kaingay may gosh!!
"Uso kumatok o mag doorbell nako!" Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko nagulat na gulat 'yung puso ko grabeng bilis tss. "Hay nako!" Sigaw ko pa sa kanila at inayos ko ang upo ko.
"Di uso sa'min eh." Sabi ni Joethane at napatingin sa may sofa. "Richard nagbago ka na ba?" Tinanong pa halata naman! Hay nako Joethane!
"Huh? Hindi ah!" Sabi ni Richard ito naman Hindi, hindi pa halata nga eh! Ang kukulit!
"Syempre looks lang joethane." Sabat naman ni Matthew at tinuro pa si Richard at sabay tawa.
"Wag ka ngang sumabat! Kilala mo ba 'yan si Richard?" Saway ni Mj kay Matthew at tinuro niya pa si Richard ulit tapos tinignan si Matthew mukhang hinahamon kung kilala niya ba talaga. Di niya kasi naabutan si Richard nu'ng college kami eh.
"Oo! Artista kaya 'yan!" Sabi niya sabay kuha niya sa phone at may pinakitang video. "Ayan oh! Ume-ekstra lang siya!" Oo nga 'no? Wow! Rinig na rinig hanggang dito eh! Yung video.
"Ba't hindi mo sinabi?" Napa kamot ulo nalang si Richard at ngumiti ng bahagya at tumingin sa'kin tapos tumingin ulit kila Mj.
"Nahihiya kasi ako, ito oh hapunan." Tumayo siya at pumunta sa dinning table at nag ready ng mga sandwich. Sus nag iba pa ng topic!
Atsaka dagdag ko lang na naka sando lang siya kita sa mga braso niya ang pagkalaki-laki ng muscles niya! Woah Via! Kung anu- ano na naiisip mo! Tama na 'yan! Mamaya malusaw! Sumosobra ka na! Abusado ka na! haha!
Nag clear throat ako at tinuro 'yung sofa para naman umupo na sila du'n. "Ay sorry haha!" Tawa pa ni Prince naka tayo lang kasi di ba sila nangangawit? Kung ako sila mangangawit nako jan pero di ako sila eh..
Umupo nadin sila at si richard. "Okay na ba kayo nila Rovic?" Tanong ko kay Joethane at tumango tango lang siya mukhang hindi pa ata okay na pagusapan sila kaya naman tinigil ko na. Nako Vittoria!
"Kinda, pero there's a special time na magkakaayos din kami, not now but soon." Ang dami din pinagbago nitong si Joethane eh mas naging mature dati kasi di masyado may pagka childish parin. Atsaka puro siya pagka pilosopo napupunta na nga sa wala ang topic namin dati dahil sa kapilosopohan.
"Atsaka masaya kami ngayon sa buhay namin ni Joethane." Bigla nalang hinawakan ni Prince ang kamay ni Joethane at nakikita namin na kinikilig ang dalagitang ito! Wahaha! Pula eh kamatis na ang pisngi!
"Uyy alam niyo wag kayong PDA.. hehe.." in a sweet and a evil way niyang sinabi, bitter talaga nitong si Mj! Nako nako! Panira eksena talaga naman!
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019