FAITH POV
~~Kakayanin~~
Lagi kaming may awayan ni Josh di ko nga alam kung magwowork pa ang relationship namin dalawa dahil lang duon? Ewan ko ba napaka immature ng relationship namin. Kaya wala akong maibalita sa barkada eh.
Gusto ko pang magpatuloy 'yon hanggang sa huling hininga namin dalawa mahal ko siya, sobrang mahal na mahal ko siya. Kaya naman ipaglalaban ko siya kahit kanino.. sana nga lang din parehas kami ng iniisip.
Di ko maexpress ng mabuti pero gusto kong maramdaman niya 'yon kahit papaano. "Friend, mag kwento ka naman." Tinignan ko lang si Jenny at si Donna sa harap ko at napahinga ako ng malalim sa kanila at humalukipkip.
"Wala naman akong makwento dahil sa wala naman ganap sa'amin dalawa or sa buhay ko." Walang gana kong sinabi sa kanila nakita ko naman ang mga dismayado nilang mukha dahil sa sinabi ko.
Eh sa totoo naman eh? Alangan mag sinungaling ako 'di ba parang ang sama ko naman na kaibigan sa kanila, konsensya ko rin nilalabanan ako eh kapag ganon.
"Ano 'yon? LQ kayo?" Tanong nila sa'akin napabuntong hininga ako at ngumiti nalang sa kanila ayokong magalala sila sa'akin. "Oh ngingiti ngiti ka jan?" Tanong ulit ni Jenny sa'kin mas lumawak ang ngiti ko. "Creepy mo!" Sabi niya pa sabay tawa.
"Haha! Wala lang gusto ko lang maging masaya muna ayokong magalala pa kayo sa buhay pag-ibig ko dahil ang tungkol doon ay dapat sa'akin nalang muna." Paliwanag ko naman sa kanila nagkatinginan pa sila at tumango tango nalang. "Kayo anong ganap sa buhay niyo?" Tanong ko naman sa kanila.
"Well, hinihintay nalang namin ni Caden ang results kung magsusuka na ba ako tuwing umaga." Natawa ako ng sobra at napahawak sa bibig dahil baka tumawa ako ng sobrang lakas dahil sa sinabi niya kaming dalawa ni Donna natuwa. "Anong nakakatawa duon? Nako dapat nga happy tayo para naman you know hehe may baby na kami 'di ba?" Nag cross fingers pa siya at habang tumitingin sa may kisame ng coffee shop.
"Omg! I cannot! Para tayong mga bata lang dito eh! Come to think of it mga ugali natin napaka childish, but I really like it." Sabi ni Donna at natatawang inaalala ang mga memories nilang magkakabarkada.
"Ikaw lang naman childish dito eh, dinamay mo pa kami nitong si Faith! Nako! Nag emote emote ka pa sa bar na kunwaring sobrang wala na'ng pake sa'yo si Eric ayon pala bumili na pala ng hacienda eh!" Natatawang sinabi yon ni Jenny nako na roast na 'tong si Donna at bigla nalang nagpout sa kawalan. "Alam mo girl! Trust kuya Eric dahil may future ka jan." Dagdag niya pa at tumango nalang si Donna duon.
"Grabe ka ah! Hindi naman hacienda 'yon, bahay lang. Simpleng bahay. OA much?" Natatawa niya rin sinabi kay Jenny nag asaran lang sila. "Ikaw talaga Jenny di na nawala ang hyper mo ang energetic mo parin kahit papaano akala ko kasi nabawasan na haha!" Parehas kaming natawa ni Donna at siya naman nakangisi lang.
"Parehas niyong inibig ang Castro brothers ah?" Pagiiba ko ng topic ngumisi ako sa sinabi nila at nagkatinginan sila sa Isa't Isa. "Ano? Nahiya pa kayo nako naman!" Sabi ko pa sabay tingin na nagdududa.
"Nako-" naputol si Jenny sa sasabiin niya nang tumunog ang cellphone ko sumenyas akong sasagutin ko lang 'yung tawag sa may labas sinabi ko din na mag chika-chikahan lang sila at ipatuloy ang mga ginagawa nila.
Lumabas akong coffee shop at nakita ko ang pangalan ni Joshua sa cellphone ko siya ang tumatawag himala naman ah?
Joshua calling...
BINABASA MO ANG
Barkada [COMPLETED]
Teen FictionIsang barkadang puno ng saya, maibabalik pa ba ang saya kung may dadating na mga problema? Subaybayan niyong lahat ang pinaka masaya, makulit at madramang BARKADA ng all time! #WATTYS2019